Im already outside Palasyo Club ito kasi yung sinabing address nung lalaki kanina.. and by the looks of it mukhang Jam pack ang gabing to.. Ang daming tao at puno ang parking.. Wala kong mahanap na parking, kanina pa ko ikot ng ikot within the vicinity pero wala.. Hay! Naisip kong magpark si ibang club tutal naman marami naman ibang club dito at halos magkakatabi naman ang mga ito.. Sa tapat ng 7th Star ako nagpark buti nalang pagdaan ko sakto naman na may papaalis na sasakyan.. 10:45 palang naman kaya marami pang tao dahil ngayon palang maguumpisa kung tutuusin ang parties.. Alam ko to dahil naging party goer din ako noon.. Kami ni Bianca ang madalas magkasama sa ganito.. Siya yung mahilig sa parties.. And si Trisha ay bibihirang sumama samin so hindi ko ineexpect na magkakaron ng pagkakataon na susunduin ko siya sa ganito..
I hurriedly run back to Palasyo Club.. Isang kanto ang layo sa pinag-parkingan ko.. Lakad takbo ang ginawa ko.. Pagdating ko naman sa tapat nito napansin kong sobrang haba ng pila.. Oh my! What the! Hindi ko pa naman dala yung wallet ko.. Andun yung VIP card ko sa lahat ng clubs.. Actually noon kahit diko dala yun eh pinapapasok na kami ni Bianca dahil kilala na kami at naging kaibigan naman namin ang ibang owners ng club.. Pero sa itsura ko ngayon I doubt it.. Wala kong make-up naka maong shorts at naka white long sleeve crop top lang ako.. May dala pa kong jacket for Trish.. And naka flip flops lang ako.. Gulo gulo pa ang buhok ko dahil sa pagtakbo..
Tinry ko sumingit pero naiirita na yung ibang nakapila sakin.. So nagsimula na din akong mairita.. Sakto namang lumapit yung bouncer at tinanong ako.. "Where's your ID ma'am?" Tanong nito sakin na medyo nanliliit pa ang mata.. Hay! Bat ko ba iniwan yung wallet ko.. I know naman kasi na wala naman akong ggastusin at meron naman akong cash sa kotse dahil lagi akong naglalagay dun in case of emergency.. Importante talaga ang IDs sa buhay..
"Im sorry but I forgot my ID.. But can you please check for my friend Trisha Hontiveros.. She's already inside and she's drunk.. Im just here to pick her up.." Paliwanag ko sa nakakatakot na bouncer.. Laki laki kasi ng katawan nito parang kay The rock.. Eeehhh..
"Luma na yang style mo miss! Bawal dito ang menor de edad! Hahahaha.." Sabat ng lalaki sa likuran ko.. Epal! Nako.. Nilingon ko ito at inirapan.. Mukha naman froglet ang isang yun.. How come nakakapasok sa ganito ang mga tulad niya.. Mukhang perv pa! Hayy umiral na naman ang pagiging judgemental ko.. "Im sorry ma'am pero no ID no Entry.." Sagot naman nung bouncer.. Hayyy nako
Umalis na ko sa pila and tried calling Trish's phone pero walang sumasagot.. I got worried baka kung ano na nangyare dun.. Worst is baka tinangay na siya nung lalaki.. Omg! Napakapabaya kong kaibigan.. Ano nalang sasabihin nila Tita and Tito.. Hindi ko inalagaan ang anak nila.. :(( Sobrang close pa naman kami ng family niya.. Mas tinuring ko na ngang family yun ehh.. Grabe talaga..
I was busy dialing her number over and over again when someone poke my back.. I turn around and I see a tall guy with fair skin, wearing a white polo na nakatupi ang sleeves hanggang siko.. I heard him say something pero hindi ko ito pinansin.. I continue looking at him.. He's wearing black slacks.. Mukhang formal ang attire nito.. He has a spanish aura.. Matangos ang ilong nito at ang ganda ng kanyang mga mata.. Bakat naman sa damit nito ang biceps at abs niya.. Medyo fit kasi yung polo sakniya.. Panalo to! Hahahaha gwapo at yummy as Bianca refer to all the boys na makikita niya.. Hihihi
"Are you done checking me out?" And with that he gave me a playful smirk.. Naputol yung pag aappreciate ko sa physical features niya.. At nakakahiya kasi nahalata niyang pinagmamasdan ko talaga siya.. Grabe!
"Sorry.. What were you saying again?" Umiwas naman ako ng tingin kasi siya naman ang tumititig sakin.. Namumula na ang mukha ko sa ginagawa niya.. Omg! Nakakahiya
"Are you Kaylie? Im here to lead your way to your friend Trisha.." Sagot naman nito.. His voice is very deep.. Lalong nagpa gwapo sakniya.. He has this authority in him na medyo nakaka-intimidate.. Halatang mayaman ang tindig nito at dominant ang aura niya.. What's with me and his aura! Ano ba! Focus.. Si Trisha ang pinunta mo dito okay..
"Uh yeah! Where is she? Kanina pa ko dito and security wont allow me to get in kasi wala kong dalang ID.. And based on what I look tonight mukha daw akong menor de edad so yeah.. Lets go.." Napansin ko kasing na-aamuse siya sakin habang nagsasalita ako at nageexplain kaya niyaya ko na siya paloob..
Hindi naman na kami hinarang dahil nakita na nung Bouncer na kasama ko yung lalaki.. Mukhang kilala na siya dito dahil dirediretcho lang siya paloob nakita kong sinenyasan niya yung bouncer na kasama niya ko.. And I even heard some girls talking about him..
"Oh God! He is sooo hot talaga!" Sabi nung isa.. "Who's that girl? Girlfriend kaya niya yun?" Sabi naman nung katabi nito.. "No way! That girl is way out of his league.. Mukhang teenager pa yun.." Sabi naman nung medyo blonde..
Hindi ko na ito pinansin at nagtuloy na ko sa loob.. Nauunang naglalakad yung lalaki.. Ni hindi ko man lang alam ang pangalan nito.. Or baka ito yung tumawag sakin kanina.. What's his name again? Ugh.. Im so bad at remembering names.. Ang dami namin nilikuan.. At umakyat pa kami sa hagdan then tsaka pumasok sa VIP room.. Actually matagal na din ksi nung huling punta ko dito kaya siguro medyo di nako familiar kasi ang daming nagbago.. Even the dancefloor lalong lumaki.. Punong puno yung bar kaya sobrang gitgitan sa baba.. Buti nalang nandito na kami sa taas..
Sumenyas naman siya na mauna na kong pumasok kaya ginawa ko naman.. Nakita ko naman agad si Trish na nakahiga sa malaking sofa.. With 2 other guys beside her.. Mukhang hindi pa naman lasing ang mga ito.. Binabantayan lang siguro nila si Trisha.. Agad naman akong lumapit at tinapik ko ang pisngi niya.. She did not respond at first pero nung inulit ulit ko medyo nagising naman ito..
She reek of Alcohol and Cigarettes.. Grabe! I did not expect this.. I cannot imagine her in this state.. Lasing na lasing siya..
"Oh! Kaylie! You're here! You're here! Hahaha.." Sabi niya na medyo groggy pa at namumungay ang mata.. Sabay hawak sa ulo niya.. "Awwwww.. My head hurts! I want to.. Want sleep.. Sleep!" Sabi nito at muling pumikit at humiga sa sofa..
"Oh my God Trisha! What's happening to you.. Damn that bastard.. Its all his fault.." Bulong ko naman sakaniya.. While im trying na iangat siya.. Nilagay ko ang arms niya sa balikat ko.. Then someone grabbed her from me.. Yung lalaking nasa may paanan niya..
"Here let me help you.. Hindi mo siya mabubuhat.." Sabi naman nito and gave me a weak smile.. He looks younger than the one I met outside.. He's wearing a Suit at mukhang hindi ito nag-inom.. Gwapo din ito at mukhang mabaet.. So I let him pero inupo niya muna si Trisha.. He gave his hand to me and said..
"By the way.. Im Ken! Im the one who called you.. And that's Andrew my friend.." Turo niya dun sa lalaking sumundo sakin sa labas.. "And thats Yuan my cousin.." Turo niya sa lalaking nasa kabilang dulo.. He just gave me a smile then lumapit na siya kay Ken..
"Tara.. Tulungan ko na kayo.. Baka magwala na naman si ate.." Sabi naman nung Yuan.. He has this boyish look na parang college lang din siya parang kami.. He's wearing a black coat pero V-neck black shirt ang nasa loob.. He's cute.. Matangkad din ito at medyo matipuno din ang katawan..
"Ano bang nangyari?" Tanong ko sakanila.. At saka naman umupo yung Andrew sa kabilang side.. "Nagwala lang naman yang kaibigan mo.. Grabe ang aga aga pa panira na ng gabi.." Pasungit na sabi nito.. Hmm antipatiko.. Nagawa pa kong ismiran.. Kala ko pa naman okay to..
"Maraming nabasag na bote kanina dahil sa pagwawala niya.. Pero dont worry.. All is well.. I own the place kaya everything is covered.." Pag eexplain ni Ken.. Mabuti pa to magandang kausap.. So siya pala ang owner.. How come hindi ko to nakilala noon.. Pero bali balita din nga na may iba ng bumili nitong bar.. Siya siguro yun..
"Nakakahiya naman.. Magkano ba ang naging damage? Babayaran ko nalang.. Grabe! Hindi naman siya ganyan eh.." Yun lang at tinignan kong muli ang himbing na himbing na si Trisha..
"Dont worry.. You dont need to.. Besides, may pinagdadaanan lang siguro ang kaibigan mo kaya I understand.." And with that napangiti niya ko.. Dagdag pogi points! Hahahaha
Hinatid na nila kami sa Parking at nagpasalamat nako ulit sakanila.. Idineretcho ko naman sa Condo ko si Trisha at tinawagan ang Mommy niya pagdating namin.. Sinabi kong dito muna mag-oovernight si Trisha.. Pumayag naman si Tita.. She's worried pa nung una pero sabi ko nalang nandito din si Bianca para magbonding kaming tatlo at ayun na nga at napanatag na siya.. Hayy
Binihisan ko ito at kinumutan bago ako magpalit ulit ng damit at humiga na rin sa tabi niya.. Oh Trisha! What can I do to help you forget him..
A/N:
@queenofheartsvv
BINABASA MO ANG
Someday, Somewhere, Someone
RomanceI remember back when I was still in high school, I've always believed in the saying "BEST THINGS IN LIFE ARE FREE.", Now that Im in college I still hold on to that. Though Im not sure if I could still believe in it. Yes Im Happy, I feel loved by my...