A/N:
Thats KUYA VINCE up there hahhaha :))
----
Mabilis lumipas ang mga araw.. Finals week na namin kaya naman heto kaming magkakaibigan na-ggroup study sa Condo ko.. Nandito si Trisha at Bianca.. Kasama din namin yung other friends namin na sina, Aldrich, Faye, Roselle, Aika and Max..
Aldrich and Faye are an item.. They've been together since freshmen year.. 4th yr na kami ngayon graduating kaya naman gahol kami sa pag-aaral.. Konting pagtitiis nalang at bakasyon na.. After ng graduation dun na magsstart yung trabaho ko kay Ken.. I asked him if I can bring my friends with me para naman hindi boring but he said no.. Kasi daw baka ma-distract daw ako.. Hindi naman sa wala daw siyang tiwala sakin pero mas mabuti na daw yun matapos ko agad yung work ko with no distractions.. So wala akong nagawa kaya ngayon knekwestyon na ko ng mga kaibigan ko dahil hindi ako makakasama sa outing ng barkada..
"Bat naman hindi ka makakama? Ang tagal na nating pinlano to Kaylie.." Tanong ni Max.. Max is like my other brother.. We're close and he protects me like his own sister.. He has a deep secret that he confided to me years ago.. He told me that he has a huge crush on Bianca.. Hahahaha! Of all people kay biancs pa eh walang sineseryosong lalaki yun.. Pero hindi ko sinabi sakniya yun no.. Bahala sila haha!
"Eh kasi something came up.. I need to work sa Company namin.. You know naman Kuya Vince, he's very controlling.." Pagsisinungaling ko sakanila.. Actually hindi naman ako pinipilit ng Magulang ko na tumulong sa kumpanya sa ngayon.. Kasi kaya naman na yun ni Kuya.. I just told them na magtatayo nalang ako ng sarili kong business at pumayag naman agad sila.. See wala naman silang pakialam sa mga gagawin ko.. Kailangan lang talaga alam nila..
"Ano ba yan! KJ naman ng kuya mo.. Work agad after graduation? Kaloka yan girl.." Sagot naman si Roselle.. I met her sa English Class 1st yr kami.. Actually sila ni Faye at Max yung classmates ko dun.. Naging close naman kami agad.. Mahilig din kasi sa lakwatcha ang mga to.. Si Aldrich naman nakilala namin dahil kay Faye.. Kasi nga diba jowa niya yun.. Kaya naging barkada na din namin..
"Eh ganiyan talaga ang mayayaman.. Walang happy happy.. Hahaha!" Sabat naman ni Aldrich.. Mapang-asar talaga ang isang to.. Mayaman din ito sa pagkakaalam ko pero hindi daw siya umaasa sa yaman ng pamilya niya.. Independent daw siya kaya naman siya din ang nagpapaaral sa sarili niya.. Meron siya business na Coffee shop at Restaurant.. Okay naman ito.. Kapartner niya yung Panganay niyang kapatid na siyang nag-mamanage nung business.. Yung part niya dun ayun ang pinangttuition niya.. Same with Faye, pareho sila.. Kaya siguro nag-kainlovan. Hahaha!
"Susunod nalang ako kung saan kayo pg nagkaron ako ng time.. Susubukan kong tumakas.." Yun lang at pumayag naman ang mga ito.. Pinagpatuloy na namin ang pag-aaral.. Hanggang sa nakaramdam na kami ng pagod.. Isa isa naman na silang umuwi.. Hanggang sa ako nalang ang naiwan mag-isa sa Condo..
Mabilis lumipas ang mga araw.. Graduation Day na namin.. Nandito ngayon si Mommy Daddy at Kuya Vince.. In fairness umeffort talaga silang pumunta.. Kakatapos lang ng ceremony kaya naman lumapit na ko sakanila..
Yung mga kaibigan ko kasama na din ang kaniya kaniyang mga pamilya.. Nagpaalam din ako sa mga pamilya nila at saka tumungo sa aking sariling family..
"Congratulations Anak! Im sooo proud of you.." Salubong sakin ni Mommy sabay yakap.. Ganun din ang ginawa ng Daddy ko..
"Congratulations Kaylie.. Im sure bigla ka na naman maglalahong parang bula after nito.." Sabat ng Kuya Vince ko.. Hindi ko na ito pinansin.. Alam ko naman iniinis lang ako nito.. Kaya sumagot nalang ako..
"Why are you here? Wheres Kuya Lance?" Tanong ko sakniya.. Alam niyang inis ako sakniya Hmmp talaga! Si Kuya Lance lang kasi ang kasundo ko.. Siya pang wala :(
"Its my baby Sister's graduation day.. Of course I have to be here.." Tapos ngumiti ng pang-asar.. May ganong side pala siya.. Hmm
"Sabi niya he couldn't make it. Sobrang dami daw ginagawa sa Davao.. Babawi nalang daw siya sayo anak.." Pagpapaliwanag naman ni Mommy habang hinahaplos ang buhok ko..
"Im sure he's very proud of you.. Lets go.. Lets have dinner.. Manang cooked alot for us.." Sabi naman ni Daddy.. Yun lang at sabay sabay na kaming umalis at tumungo sa Mansion..
"So what's your plan after this Kaylie?" Tanong ni Daddy habang kasalukuyan kaming nagddinner dito sa mansion.. Ang daming nilutong putahe ni Manang.. Parang fiesta.. Kaming Apat lang ang nandito.. Yung mga relatives kasi namin nasa America na.. Kaya minsan umuuwi din kami dun. Kaya lang naman kami nagsstay padin dito sa Pinas kasi dahil sa kumpaniya.. At dahil narin dito ko napiling mag-college..
"For now, I want to travel and see the world.. After that, I will start my own business.. But I still dont know what business I want.." Sagot ko naman.. He stopped and looked at me as if I said something stupid..
"Travelling again? Hindi ka pa ba nagsawa sa pag-lalakwatcha mo? Its time for you to be responsible.. Graduate kana Kaylie hindi ka na bata.." Sermon nito.. Hay sabi na eh.. Kokontra na naman..
"Honey.. Just let her do what she wants.. She's still young.. And besides, may balak naman siyang magtayo ng sarili niyang negosyo in the future.. Isn't that enough?" Pagtatanggol naman ng Mommy niya.. Lumambot naman ang mukha ni Daddy.. Yes kahinaan niya ang Mommy ko.. Mahal na mahal ni Dad ang Mommy kaya humihinahon ito kapag si Mom na ang nagsalita..
"Thanks mom.." I said the continue eating my food.. Wala naman na nagsalita samin buong dinner.. Napagpasyahan ko na din umuwi kaya nagpaalam na ko sakanila.. Marami pa kong dapat gawin at ilang araw nalang simula na ng trabaho ko.. Feeling ko tuloy isa kong Spy.. Hahahaha! Parang bet ko bumili ng costumes ng isang spy pero wag na.. Hahaha baka mahalata pa ako.. Mabuti na yung cameleon lang ako.. I have to blend in para hindi ako magmukhang paparazzi.. Hahahaha
Kinabukasan.. Tinawagan naman ako ni Ken.. Sabi niya pupuntahan daw niya ako sa Condo ko para ibigay yung mga kakailanganin ko para sa mission ko.
A/N::
Please vote poooo thanyouuu 😁😁😁
BINABASA MO ANG
Someday, Somewhere, Someone
RomanceI remember back when I was still in high school, I've always believed in the saying "BEST THINGS IN LIFE ARE FREE.", Now that Im in college I still hold on to that. Though Im not sure if I could still believe in it. Yes Im Happy, I feel loved by my...