Kanina pa ako nakarating sa Davao and Im currently unpacking my things. Nasa hotel na ako at inaayos ko na yung mga gamit ko. Pero hindi lahat. Baka kasi biglang umistokwa yung babaita at mataranta pa ko magimpake in the future.. Hmm sa ngayon hindi ko pa siya nakikita siguro kasi magaling itong magtago.. Pero ang sabi ni Ken.. Katapat lang daw ng Suite ko ang Suite na tinutuluyan niya.. Meaning mapapadali ang trabaho ko.. Napag-alaman ko din na Pag-aari ng Kaibigan ni Ken ang Hotel & Beach Club na to.. Pero hindi iyon alam ni Elisse.. Bakit? Simple lang.. Iba ang pinapangalan na may ari nito.. Isang kamag-anak ng Kaibigan ni Ken.. Kaya naman meron akong chance at may freedom ako na gawin ang dapat kong gawin..
Nagmadali ako sa ginagawa ko ng may marinig akong malakas na tawanan sa labas.. Agad agad naman akong pumunta sa pinto at sumilip sa Peephole.. Nakita ko ang isang babaeng Matangkad at medyo blonde ang buhok.. Meron siyang kasamang lalaki at mukhang masayang masaya sila.. Medyo mas matanda tignan yung itsura nung lalaki.. Siguro mga nasa 29-30+ na ito.. Magkayakap pa ang dalawa at naglalampungan sa tapat ng Suite ko.. Na katapat mismo ang pinto ng Suite ni Elisse.. Namukhaan ko naman ang babae.. Eto na nga ang mission ko.. Grabe totoo nga! Malandi ito.. Nakikipaghalikan na siya ngayon dun sa lalaki.. Pareho silang mukhang sabik na sabik sa isat-isa.. Naka suit pa ang lalaki at naka Dress naman itong si Elisse.. Maya maya'y binuksan na ni Elisse ang pinto ng Suite niya sabay hinila papasok ang lalaki..
Oh my God! Kailangan ko tong ireport.. I immediately grab my phone and dialed Ken's number.. At sinagot naman niya agad ito..
"Hey Ken! They're here.. I mean She's here.." Told him.. "I know.. I got eyes there Kaylie.." He answered me with a bored tone.. "Oh yun naman pala eh.. Why do you still need me?" I asked him quizzically..
"Well because I dont have enough proof.. At takot naman yung iba na gawin yung gagawin mo.. Ayaw nilang banggain ang Pamilya ng Montreal.." He answered confidently.. Ah so ganon? Bakit ako ba hindi takot? Nakakaloka tong lalaking to..
"Takot din ako no.. Alam mo naman yung Pamilya ko baka sabihin wala na kong ginawang tama pag nalaman nila to.." Pataray kong sagot.. Hayyyy! Yari na naman ako pag nagkataon.. Hindi ko na alam anong ggawin sakin ng Daddy ko pag gumawa na naman ako ng ikakadismaya niya..
"Kaya mo yan.. Just focus.. Magagawa mo agad yan.. Kailangan lang ng video at clear pictures na she's cheating on me and your Job is done.. The moment na approve na yung kuha mo edi tapos na yung work mo.. Pero buo padin sweldo.. Okay? I gotta go.. Tawagan mo nalang ako pag may updates ha?" And with that pinatay niya na yung call.. Hayyyyy ano ba tong napasukan ko..
Sinimulan ko na isetup yung kailangan kong mga gmit. Dalawa yung rooms dito sa Suite na binigay sa akin.. Yung isa dun ko balak iset up yung laptop for surveillance.. At iba pang gadgets para sa mission ko.. Inilabas ko na yung mga camera at isa isang ininspect.. Meron din akong nakitang apat na maliit na surveillance cam.. Itinabi ko ito.. At binasa ang manual.. Okay medyo challenging pala ang role ko dito.. Meron din Voice transmitter.. At pinagaralan ko din ito..
Na-iset up ko na yung mga dapat.. Nilagay ko na yung transmitter sa may pinto ko at yung speaker nun ay nakalagay sa may kwarto kung saan naka set ang mga gagamitin ko.. Eto yung magsisilbing hudyat ko pag may tao sa labas.. Maririnig ko yung mga usapan nila.. Dalawa yung voice transmitter dito.. Ang isa ay ilalagay ko pag pumasok na ko sa Suite nila.. Yes! Kailangan ko yun gawin.. Yun ang utos ni Boss.. Kaya buwis buhay ang eksena ko mamaya..
8pm na ng gabi pero wala parin akong naririnig mula sa Transmitter so napag-isip isip ko na kumain nalang muna.. Gusto ko din naman malibot ang lugar.. Besides meron naman akong isang phone na pwedeng pagkonektahan nung transmitter.. So nagshower na ko at nagbihis.. Nagsuot lang ako ng black na maxi dress at spring sandals.. Kinuha ko yung phone at credit card ko.. Nilagay ko iyon sa likod ng case ng iPhone ko.. At lumabas na ng Suite..
Pagdating ko sa lobby.. Hinanap ko agad yung restaurant nila.. Buti nalang at nakita ko ito agad.. Gutom na gutom na kasi ako.. Anong petsa na kasi.. As I was walking may nahagip yung mata ko sa di kalayuan.. Sa may dulong table ng Restaurant merong isang pamilyar na lalaki may kasama itong babae at mukhang nagtatalo sila.. Hindi ko matandaan kung san ko ba nakita ang lalaking yon.. He's wearing a white V-Neck shirt at board shorts and the girl he's with is wearing a printed maxi dress..
Nakita kong napalingon ito sakin dahil siya yung medyo nakaharap ang pwesto sa kinalalagyan ko samantalang yung babae naman ay nakatalikod sa akin.. Agad naman akong nagiwas ng tingin at dumiretso sa isang table at umorder ng food.. Maya maya'y napansin kong umalis na yung babae at naiwan mag-isa yung lalaki.. Tumayo ito at naglakad papunta sa direksyon ko.. Omg! Baka sabihin nito chismosa ako kasi tinitignan ko sila..
Nang makalapit ito sa table ko ay agad naman itong umupo sa harap ko.. Ngayon ko lang ito napagmasdan ng mabuti.. Iniisip ko kung san ko siya nakita.. With his eyes naalala ko na.. OMG!!!!
"Andrew?" I asked him.. He smiled at me and leaned forward.. "What are doing staring at me back there?" He said in a husky voice.. Grabe bigla akong kinabahan na ewan..
"Huh? D-di ko alam sinasabi mo no.. Kumakain ako dito.." Pag-iiwas ko ng tingin sakaniya.. Halos matunaw ako sa pagtitig niya.. Ano bang problema nitoo..
"So.. You're the one that Ken's been talking about.. I hope you finish your work immediately.. I dont want someone hovering over my private business.." He said and bigla na itong tumayo at lumakad paalis.. So iniisip nga niya chismosa ko? Hovering? My goodness.. Kapal ng mukha.. Masama bang mapatingin lang sakanila.. Nakakaloka!! This trip will be longer than I thought.. Bat ba kasi nandito yun.. Haaaaay
A/N::
Okay waley ang chapter na to hahhahahaha..
BINABASA MO ANG
Someday, Somewhere, Someone
RomanceI remember back when I was still in high school, I've always believed in the saying "BEST THINGS IN LIFE ARE FREE.", Now that Im in college I still hold on to that. Though Im not sure if I could still believe in it. Yes Im Happy, I feel loved by my...