CHAPTER 9

10.7K 499 57
                                    

Kausap ko ang mga kaibigan ko sa Skype nang may kumatok sa pinto ko.

" Kumain kana." Napairap ako nang marinig ko ang boses nito. Naiinis parin ako sakanya.

" Later." Sagot ko.

" Sino 'yon? Si Baby Avi?" Mas napairap naman ako sa sinabi ni Raila.

" Kumain ka na nga. Anong oras na hindi ka pa kumakain. " Rinig kong sabi niya. Kasalanan naman niya talaga kaya hindi ko magawang kumain kanina!

Hindi ko nalang siya sinagot at nakinig nalang kay Dee tungkol sa crush niya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at seryosong mukha ni Devil ang bumungad saakin. Seryoso itong naglakad papalapit saakin kaya napalunok ako. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Dee.

" Kakain ka o kailangan mong buhatin pa kita pababa?" She ask with intensification. Napasimangot ako.

" I told you na later nalang diba? Ang kulit mo. Nakakainis kana" inis na sabi ko.

Napatingin ako sa screen ng laptop ko dahil biglang tumahimik ang mga kaibigan ko. Nakatingin lang din sila saamin.

" Nagugutom na ako pwede ba kaya huwag ka ng magmatigas." Napataas kilay naman ako.

" Then eat! My god dala ko ba 'yong pagkain?" I hissed. Gulo talaga ng babaeng 'to. Hindi ba siya makakain kapag wala ako?

I gulp when she lean forward to me at mukhang hindi niya alam na nasa video call ako. Amoy na amoy ko ulit ang pabango niya.

" Do you want me to carry you?" She ask huskily na ikinalunok ko. She smirk when she saw my reaction at akmang bubuhatin ako nang magsalita ako.

" Fine! " Nakabusangot pa ako bago tumayo mula sa kama ko kaya narinig ko ang mahinang tawa niya kaya kinuha ko 'yong unan malapit saakin at hinampas siya pero natatawang tiningnan niya lang ako. " I hate you, Devil. No let me rephrase it. I hate you Pervert Devil!"

" Whatever, Beast. Let's go downstairs." Hindi na niya ako hinayaang sumagot at kinuha ang kamay ko at hinila palabas ng kwarto ko. Naalala kong hindi ko pala napatay ang laptop ko kaya tumigil ako kaya napatigil din siya.

" What again?" Inis na tanong niya. Napairap nalang ako.

" 'Yong laptop ko—"

" Hindi naman 'yon mawawala. Nagugutom na ako at baka hindi ako makapagtimpi at ikaw nalang ang kainin ko since sabi mo Devil ako. " She smirk pero again ding lumaki ang mata niya nang may marealized kaya nagtaka ako. Napabitaw siya sa kamay ko at umiwas ng tingin saakin. She fake a cough at parang naging uneasy. Weird ng babaeng 'to. Hmp!

" Ewan ko sayo. Kumain na nga tayo!" Napasimangot ako at nauna ng bumaba.

Anong kakainin niya ako? Mukha ba akong pagkain? Yuck! Ano 'yon karne ng tao? Kadiri talaga ang Devil na 'yon!

Habang kumakain kami ay tahimik lang si Devil at sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ay umiiwas siya agad na ikinairap ko. Ang arte akala mo naman ikinaganda niya.

" Where's West?" Tanong ko dito.

She cleared her throat before answering me. " May inutos ako sakanya. "

Hindi na ulit ako nagtanong pa dahil ayaw ko naman siyang kausap. Mas maiinis lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay umalis narin agad ako at umakyat sa taas dahil 'yong laptop ko nakaon pa. Pagdating ko sa kwarto ay naririnig kong nag-uusap sila. Hindi pa pala sila nagleave.

" Anong pinag-uusapan niyo?" I ask nang kunin ko ang laptop at umupo sa kama bago pinatong sa hita ko pero mababa kaya kumuha ako ng unan para patungan ng laptop.

Dealing with the beast ( Valle d'Aosta Series 4)|COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon