Daniel's POV
Sht. San ba ako pupunta? Ugh! Kairita naman kasi tong si Quen!!
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may humila sakin at napasok nalang ako sa isang room
"Shh." Sabi nito
Tinignan ko kung sino
"Ano kasing naisip mo bakit ka nandito?" Kath
Oo si Kath. Ang ganda niya lalo siyang gumanda pag malapitan. Yung lips nya ang kissable tapos yung mata niya.. Ang amo ng mukha niya..
*pak!*
"Aray!" Sabi ko habang himas himas pisngi ko.
"Helloooo! Tinatanong kaya kita!" Sabi nito
"Ano? A-ano ba tinatanong mo?" Tanong ko
"Kung bakit ba andito ka?"
"Ah, nag yaya si Quen" sabi ko nalang
Tumingin tingin ako sa labas. tinitignan ko kung nandyan pa yung mga babaeng humahabol.
"Wala na sila! Sinabi ko dirediretso kang tumakbo" sabi nito
Mindreader ba to?
"Hulata lang sa itsura mo"
*sigh*
"Iniwan kasi ako ni Quen, ugh. Bawal akong magstay dito! Panigurado kalat na sa internet na nandito ako" sabi ko
Napangiti naman siya saka hinila ako sa kung saan man.
Lakad lang kami ng lakad. At nagkkwentuhan din kami hanggang sa may nakita kaming nag iice cream. Sa beach meron? Tumakbo si Kath papunta dito kay kuya at bumili lumapit nalang ako.
"Kath iha, kamusta ka? Tagal mong bumalik." sabi ni Kuya. napatingin naman to sakin at ngumiti. "Artista ka na pala iho" Sabi nito. Nginitian ko nalang siya..
"Si Kuya Robert, siya tagabigay ng advice sakin haha tara na" sabi nito at nagpaalam na kami kay Kuya Robert.
Napansin kong padami na ang mga tao kaya yumuko ako.
Hanggang sa nakarinig kami ng bulungan.. "Tara na, namumukhaan ka yata nila marami pa akong sasabihin" sabi nito
Takbo lang kami ng takbo hanggang sa wala na kong nakitang mga tao
"Ang ganda dito no?" Tanong niya
"Sobra" sagot ko naman pero nakapgttaka dahil nakatingin ako sakanya
Humarap naman siya sakin at ako ay nagiwas ng tingin. "Ah may tanong sana ako, paano ako nakilala, i mean kasi yung tanong---"
"Ni Kuya Robert? Haha la yun. Siya kasi 2yrs ago, nawala nun ako sa beach nato. At nakita ko siya umiiyak nun ako. Tapos tinulungan niya ako, pero sabi ko ayoko muna bumalik kasi nga may kasalanan ako nun, sinagot ko si Mama at takbo lang ako ng takbo nun. Kaya ko siya sinagot kasi.... pinaglaban ko bestfriend ko.. 14 pa lang ako nun. Mag aartista kasi nun bestfriend ko at pinalayo ako ni Mama pero sinagot ko haha tas yun nga knwento ko yun kay Kuya Robert. Dinala niya ako dito sa tahimik na lugar na to at binigyan akong ice cream saka binigyan niya ako ng advice...." sabi nito habang tumitingin lang sa dagat..
Ako? Ano pa ba.. tahimik lang dahil may biglang pumasok sa isip ko... Nakatitig lang ako sakanya nang bigla siyang humarap sakin ng nakangiti.
"Mahirap ba maging isang artista?" Tanong nito saka umupo sa buhangin ginaya ko naman siya
"Sobra, pero nakakaenjoy naman. Dahil madami kang napapatuwa" sabi ko
"Pero mas masarap maging normal lang diba?"
"Oo—"
"Eh bakit ka nag artista?"
Napakunot noo ko. Anong problema ni be-- este Kath?
"Dahil gusto ko" simpleng sagot ko lang
"I know theres other reason" sabi nito saka tingin sakin sa mata "Alam ko may ibang rason kung bakit sumabak ka sa showbiz"
Meron nga. Ang kaso may pake ba sya?
"Tama ka nga. May ibang rason. Alam mo yung feeling na succesful ka na, pero siya wala parin pakealam sayo"
"Malay mo naman may care talaga siya, ayaw niya lang talagang sabihin. Dahil baka masaktan siya"
"Ewan"
Mga ilang minuto kaming nakatahimik ng bigla nanaman siyang magsalita
"Alam mo, hindi ko maintindihan ang mga tao. Kasi, konting galaw mo lang o kaya may kasama kang hindi sikat hindi artista icchismis na.Ganyan na ba talaga kababaw ang mga tao? Na handang manira ng isang inosenteng tao?"
Napatingin ako sakanya.
"Not everyone. Yung iba tinatago nalang. Kasi inisip rin nila yun kalagayan ng iba"
"No. Everyone! Lahat ng tao! Lahat ng tao may baho! At kahit anong sabihin mo lahat ng tao marunong manira! At hanggang kaya nilang manira gagawin nila"
"Ano bang problema mo?" Napatayo nako
"Problema ko? Problema ko na maintindihan ang mga artistang iddeny lang nila ang kasama nila na hindi sikat o hindi artista para mag stay lang yung fame sa buhay nila!" Sigaw nito
Umiiyak na siya.
Pero hindi ko alam.. Nakayakap nalang ako sakanya
"Shhh.. Never kitang idedeny... seb.." bigla ko nalang nasabi
——————————————————————————————————————————————————————————————————————————————
BINABASA MO ANG
Chances or Destiny? (Kathniel Fanfic)
FanfictionMagbestfriends sila. Takot ang isa sa mga tao, parang ganun pero hindi. Sobra siyang nasasaktan. Ilang years niyang tinago hinanakit niya sa puso. Kaya nang makita niya ulit ito naiyak siya. Sobrang nasaktan pa siya.