Chapter 8

35 2 0
                                    

Kathryn's POV

Matapos ng aksidenteng yun.. Yung magsagutan kami, yung nagkasama kami kahit sa konting oras lang  hindi ko na siya nakita..


Mabait si Dj, gwapo, marespeto. Gusto ko na ba siya? Kahit sa sandaling oras lang kami nagkasama...



I guess not. Infatuation lang yan Kath. Wag kang magpadala sa naiisip mo lang.



*knock knock*



"Kath? Ready ka na ba? Tara na aalis na tayo" sabi ni Ate Juls



Dalawang araw lang kami dito sa beach at sa dalawang araw na yun hindi ko na siya nakita.

Sa tingin ko umalis na siya. Sa tingin ko nga tumakas siya, pero sabi niya hindi niya ako iddeny diba? Tsaka siya.. ugh ayoko na muna siyang isipin. Naguguluhan ako, bakit nagbago kasi lahat? Simula nung..



"KATHRYN" sigaw na ni ate kaya nagmadali nako



"A-ah o-oo sandali" sabi ko saka sinara na yung bag ko at lumabas na



"Wala ka na bang nakalimutan?" 



Nag double check ako pero feeling ko may nakalimutan ako..

Ahh! Alam ko na!  Yung sulat!



"Sandali" sabi ko saka pumasok ulit



Kinuha ko yung envelope na may letter na hindi ko parin binabasa. Atsaka lumabas na, hindi ko kasi alam kung ano to, hindi ko pa nababasa hindi ko kilala kung sino nagbigay.



"Tara na" sabi ko saka umalis na kami.



Daniel's POV

Tititigan ko nalang ba siya? Sht. Sana hindi niya pa nakikita

May nagpost kasi sa internet na kumalat. Na magkayakap kami buti nalang nakatalikod siya at mukha ko yung nakita.



"Pare tara na" sabi ni Quen



Tumango nalang ako saka umalis na.

2days kaming nandito at 2days ko narin siyang iniiwasan. Hindi ko alam pero kasi hindi ko mapapangako sakanya na hindi ko siya maddeny.

Ano ba kasing naisip ko at bakit yun yung sinabi ko?! Ang hirap talaga kapag hindi mo pinag iisipan yung mga sasabihin mo nakakainis nakakaewan.



"Iniisip mo yang Kath na yan no?" Bigla naman tanong ni Quen kaya napatingin ako sakanya


"Oo e. Hindi ko alam. Hindi siya maalis sa isip ko!"


"Gusto mo na ba siya?" Napatingin naman ako skanya



"Hindi.. Hindi ako magkakagusto sakabya at hindi pwede.." hindi nga ba? aish.



"Ikaw bahala pare"

Ugh! Nakakinis naman e! Bakit ganito pa kasi! 

Kauwi ko ng bahay agad naman akong sinalubong ni Mama

"Dj! What did you do?" Tanong nito



"I didnt do anything" malamig kong sagot



"Sino yung babae?" Ang tanong naman!



"A friend" irita kong sagot



"Really? Dj ha. Yang pag artista mo ayusin mo! Malay mo gusto lang maging sikat nung babae!"

Hah? So tingin nya manggagamit si Kath?


"Ugh! Ma! Hindi lahat ng tao ganun! Nakakainis naman e! Kung gusto nyong manatili akong sikat hayaan niyo ko sa desisyon ko!" Sigaw ko saka umakyat na


Pero naririnig ko parin siya na nagsasalita.

"LAYUAN MO YANG BABAE NA YAN! HINDI SIYA MAKAKABUTI SAYO!"


Tama nga si Kath.. Tama nga siya..


Na lahat ng tao kayang manira ng isang inosenteng tao.

Sorry Kath.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chances or Destiny? (Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon