ATS 6

329 18 29
                                    

Pirena's POV

Nakaraan ang ilang araw matapos ang aming pagsasalo ni Ybrahim. Sa totoo lang ay wala namang naganap. Panay patungkol sa kaharian lamang ang aming napagusapan. Gayunpaman ay di ko maitatanggi na tila ba mas napalapit kami sa isa't isa. May mga araw na magyayakag siya sa kung saan-saang lugar. Naisin ko mang humindi ay tila ba binabalot ako ng engkantasyon ng kanyang tinig at titig. Na sa tuwing siya ay magtatanong ang tanging lumalabas lamang sa aking bibig ay pagsang-ayon sa kanyang mga alok.

Kasalukuyan akong nasa aking silid. Nakaupo sa malambot na kama. Pinili ko munang mamahinga ngayong araw upang ako'y makapag isip-isip. Napatingin ako sa aking dib-dib. Duon namalagi ang kwintas na kanyang inihandog sa akin. Agad itong nagbigay ng ngiti sa aking mga labi. 'Hindi ito maaari.' Napa buntong hininga ako at saka agarang iwinaksi ang aking damdamin. Tila napakalalim ko na. Hindi ko mawari kung ito'y nakabubuti pa. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Pagkat tila emosyon na ang kumokontrol sa akin.

'Ybarro, tila ba ako'y ibinalik mo sa kahapon.'

Isang tikhim ang nakapagpatigil sa aking pagiisip. Nang lingonin ko ito ay nasulyapan ko si Jinni. May tipid siyang ngiti sakanyang labi. Pinagtaasan ko ito ng kilay na tila nagtatanong kung ano ang kanyang pakay.

"Tila kay lalim ng iyong iniisip, Hara?" Simula niya habang dahan dahang papalapit sa akin.

"May patungkol ba ito sa Rama ng Sapiro?" Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran nito. Bumungis-ngis naman ito na tila nakakaloko atsaka umupo sa tabi ko.

"Di ko--" bago pa ako makasalita ay agad siyang sumabat "Bago pa humiling ang isang nilalang sa akin, ay alam ko na kung ano ang kanyang mga nais."

Tila ba nanlamig ako sakanyang mga sinabi. Di ko alam kung ano ang wiwikain. Para bang nahuli ako sa isang krimeng di ko naman ginawa. Iiling-iling ako rito. Tumikhim at inayos ang aking tindig.

"Di mo alam ang iyong sinasabi."mariin kong ani dito.

Malambing na ngumiti si Jinni. "Hara, maaari ba kong magtanong?"

Sa pag wawaring mababago nito ang usapan ay dali-dali akong sumagot. "Ano iyon?"

"Anong nakaraan ang nais niyong maibalik kasama ang Rama ng Sapiro?" Saksi ang ngisi niya sa nagulantang kong ekspresyon.

'Hindi maaari.' "Shedda! Tumigil ka." Napatayo ako sa galit. Tila ba ay pinapasok nito ang utak ko. Ako'y nayayamot sa kung anong sinasabi nito.

"Walang katotohanan ang iyong mga tinuran!" Tahol ko rito. Akmang lalapit siya sa akin ngunit ako'y mabilis na umatras. Nakita ko ang pagsisisi sa kanyang mga titig. 'Dapat lamang.'

"Hindi ko ibig na galitin ka, Mahal na Hara. Ngunit nakikita ko ang iyong pangungulila. Ako'y nagaalala." Saad niya.

Tiningnan ko siya ng puno ng pagtataka. Sa aking palagay ay agad niyang nakuha.

"Ang dating nakaraan, may nabago diba? Isa yun sa gusto mong balikan. Ang tamis ng yakap ng--"

"Pashnea!" Sigaw ko at agad na naglaho para umalis.

Para akong sinasakal. Di ako makahinga. Bakit niya kailangan ibalik ang mga ala-ala, gayong di naman ito sakanya?

Iyon nga ba ang aking gusto? Maski ako ay di ko na maisip. Nang makarating ako sa pasilyo ay para bang nanghina ang tuhod ko. Walang malay na tumulo ang aking mga luha. Hindi ko lubos isipin na sa tagal ng panahon ang sugat ay di parin pala naghihilom. Sariwa at mahapdi kahit ang masasayang ala-ala ay lumalatay. Masakit at tila ba pinapaso ako.

"Pirena?" Nangatal ako ng marinig ko ang boses na iyon. Tila tinamaan ako ng kidlat. Di ko alam kung paano siya lilingonin. Gayung naglalaban ang aking nararamdaman.

A TWISTED STORYWhere stories live. Discover now