ATS 7

305 19 45
                                    

Ybrahim's POV

Lumipas ang mga araw, mga linggo ngunit hindi ko parin mawari kung ano bang nangyayari kay Pirena. Ako'y naguguluhan sa kanyang mga tinuran.

"Layuan mo ako, layuan mo ako gaya ng dati, Ybarro."

Ano't tila lahat ng ito'y may laman?

Ano't tila nasaktan ko na siya dati nang hindi ko nalalaman?

Ako'y sobrang naguguluhan. Anong nangyari Pirena?

Ano't tila may kulang, may pagitan sa aking isipan?

"Itayyy"

Isang tawag mula sa aking anak ang nakapag pukaw sa aking diwa. Ngi-ngiti ngiti siya na agad ko namang ginaya. Yumakap ito ng mahigpit sa akin.

Ilang araw na akong namamalagi rito sa Sapiro sa kadahilanang nararapat asikasuhin ang mga armas na naiangkat mula sa mga Punjabwe. Kaya ganun na rin ang gaan ng aking loob nang ako'y bisitahin ng aking anak na si Lira. Nakakapawi ng pagod.

"Kumusta naman ang itay ko na yan?" Nakakauto nitong sambit.

Naisip kong muli si Pirena. Maayos na kaya siya? Kumusta na ang Hara?

"Maayos naman ako, anak. Kayo ba? Kumusta ang inyong pag-eensayo?"

Nakita ko ang pag-babago ng kanyang emosyon. Mula sa maliwanag na mga ngiti ay napasibangot ito. Mukhang pagod at tila naiinis siya.

"Itay yun na nga, walang tigil ang training namin. Nakakapagod. Parang warka si Ashti. Hindi niya kami binibigyan ng panahong makapagpahinga." Natawa ako sa tuloy-tuloy niyang wika. Ganan talaga si Lira, pana'y lagi ang reklamo patungkol sa pagsasanay nila ni Pirena.

Ngunit malamang sa malamang ay totoo rin naman ang kanyang tinuran. Sadyang mahigpit ang Hara sa pageensayo. Para sakanya isa itong kasanayan na dapat lamang isa-puso.

"Hayaan mo na ang iyong Ashti, Lira. Gusto lamang niya na mas maging mahusay kayong dalawa ni Mira." Nakangiti kong turan dito.

Nagpalabas naman ang aking anak ng buntong hininga at saka muling yumakap ng mahigpit sa akin.

Hindi ko maiwasang di mapaisip. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa aking anak. Malamang sa malamang ay doble pa ang pagod ng Mahal na Hara.

Nagpapahinga kaba Pirena?

~

Pirena's POV

"Nahihilo, nalilito, asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo~"

Nanaig ang himig ni Lira habang nagtatalong, papalakad ito sa pasilyo ng palasyo. Papikit-pikit pa ito na animo'y nasa sarili niyang imahinasyon.

Gabing-gabi na at kahina-hinalang nasa labas pa siya. Saan nanaman kaya nanggaling ang warkang ito?

"Oo nga pala, di nga pala tayo. Hanggang dito lang ako. Nangangarap na mapasayo~"patuloy nito sa pagkanta. Nakapikit at nakahawak pa sa dib-dib niya.

Napangiwi nalang ako dito. Hindi ba siya nahihiya? "LIRA."mariin kong tawag dito

Napamulat naman ito at tila nakakita ng ivtre. "A-ashti" muntik na kong matawa. Ang mukha niya'y sadyang namula. Tila ba'y pinamuuan ng mga pangkulay na pula. Mukha siyang kamatis.

"A-ashti naman e, bakit naman kasi kayo nanggugulat?"inis na saad nito. Namumula parin hanggang ngayon.

Hindi ko na napigilan ang aking tawa. Humagikhik ako sakanya. Nakita ko naman ang pag-rolyo ng kanyang mga mata. Warka.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A TWISTED STORYWhere stories live. Discover now