ATS 4

636 29 48
                                    

Pirena's POV

"Ano ba Lira?! Ayusin mo ang paghawak ng iyong sandata!"

Napahilamos nalang ako sa aking mukha sa irita. Kanina pang malamya ang kanyang mga galaw.

Ako'y nababahala sa balita ni Cassiopeia. Nararapat lamang na mas mag-sanay sila upang mapatunayan na sadyang sila ang karapat dapat. Bakit ba kasi kailangan pa maghanap ni mata ng mga taga-pangalaga? Gayong naririto naman ang aking anak at hadia.

"Ashti naman. Alam niyo namang di ko nais na humahawak ng espada eh. Atsaka kanina pa kaming nageensayo. Pwedeng time-out muna? Pahinga muna?"hihingal-hingal na wika nito habang nakatuon sa kanyang espada.

"Siya nga Ina. Maski ako'y pagod na."singhal naman ni Mira.

Iiling-iling ko silang hinarap. Hindi ba nila maintindihan na ito rin nama'y para sakanila?

"Hindi kayo mapipili kung kayo'y tatamad-tamad lang. Umayos kayo. Hindi na kayo mga bata. Kaya sa ayaw at sa gusto niyo isa pa!"maawtoridad kong wika sa mga ito.

Napayuko na lamang si Mira. Napansin ko namang umirap si Lira at bubulong-bulong  ng di ko maunawaan. Napakunot ang noo ko dito.

"Ano yun Lira?"taas kilay kong wika

Ngumiti siya ng ilang na siyang nagpaarko pa sa aking kilay.

"Wala po Ashti."wika niya atsaka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

"Mga kawal. Esta Sectu!(maghanda)"utos ko

Agad na naghanda ang mga kawal kaya wala ng nagawa ang mga ashtading sanggre kundi maghanda para sa isang ensayong labanan.

Nagsimula sila at makikitang malamya parin ang galaw ng mga ito. Iiling-iling ko silang pinanood. Marami pa sadya silang dapat matutunan.

Napatigil ang labanan nang nagbukas ang pinto ng silid na aming kinatatayuan. Agad na iniluwa ng pintuan si Ybrahim. Na tiyak akong kagagaling lang ng Sapiro.

Ayan nanaman ang mga pashneang nagliliparan at nagdidiwang sa aking tiyan. Ang aking pisngi ay tila nagaalab dahil sa init. Ang aking puso ay tila nagtatatalon sa tuwa ng masilayan siya. Hindi ito maari. Hindi na dapat iyon maulit.

"Itay!"

Sigaw ni Lira na gumising sa akin sa reyalidad. Nagtatakbo ito patungo kay Ybrahim at agad itong niyakap.

Umupo si Mira sa isang tabi at nakangiti silang pinag-masdan.

"Kamusta ang inyong pageensayo?"tanong nito.

Tumingin ito kay Lira patungo sa amin. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Ngiting di ko pa nasilayan nitong mga nakaraang taon. Tinatraydor nanaman ako ng pashnea kong puso. Tumitibok ito ng pagkabilis na tila wala nang bukas. Pakiramdam ko tuloy ay kahit anong oras pwede akong sumabog. Paano mo ito nagagawa Ybrahim? Bakit sayo ulit nababaliw itong aking pashneang puso?

"Oh bakit tila malulungkot ang aming mahal na mga Sanggre?"

Nagising ang aking diwa nang siya'y magsalita. Napatingin ako sa dalawang Sanggre na ngayon ay animo'y pinagsakluban ng langit at lupa.

A TWISTED STORYWhere stories live. Discover now