ATS 5

487 28 46
                                    

Pirena's POV

Naririto ako ngayon sa sukal ng kagubatan. Naglalakad patungo sa kawalan. Tirik ang araw ngunit tila napakalimig ng aking pakiramdam. Ano nga bang ginagawa ko rito? Di ba dapat ako'y nasa palasyo? Diba dapat sinasanay ko ang aking anak at hadia? Bakit mas pinili kong magpunta rito?

Iisa lang naman ang sagot na alam ko at hindi ito ang sagot na nais ng aking isipan. Isang engkantadong gusto kong iwasan. Hangga't kaya ko pa. Hangga't may parte pa sa loob-loob kong nagsasabing kailangan ko itong labanan. Napabuntong-hininga ako. Teka bat tila natatakot ako? Wala naman akong dapat katakutan diba? Nagugulohan lang siguro ako dahil sa kakaibang pakikitungo niya sa akin. Wala to. Wala akong nararamdaman kay Ybrahim. Wala na para kay Ybarro.

~

Sa aking paglalakad ay may napansin akong isang engkantada sa gilid ng daan. Makulay ang kasuotan niya, maraming palamuti sa katawan at panay koloretes ang mukha. Palinga-linga ito at tila balisa. Tumikhim ako na agad na nakakuha ng atensyon niya. Napatalon ito sa gulat nang makita ako. May paghawak pa ito sa dib-dib niya.

"Anong ginagawa mo?" kunot-noo kong tanong dito. Sumenyas ito na tumahimik ako bago ako hilahin pababa sa mga malalagong halaman.

"A--" bago pa ako makasalita ay  bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Akmang manlalaban na ako nang may narinig akong mabibigat na mga yabag. "Hanapin ang bihag!" sigaw ng isang lalake. Na sa aking palagay ay matipuno at malaki ang pangangatawan. Nagtatakbo ang mga ito at nang makalayo na ang tunog ng mga yapak. Ay binitawan naman ako agad ng  dilag.

Tumayo ako ng tuwid at agad na   bumaling dito. Pinanlakihan ko siya ng mata habang nakapamay-awang pa na tila naghahanda ng sermonan siya. Ngumiti lang ito ng pilit. Binunot ko ang espada mula sa aking likuran. "Magpaliwanag ka." mariin kong wika dito habang itinututok ang aking sandata sakanya. Napataas ang mga kamay nito.

"A--ako si Jinni."aniya. Iginalaw ko ang aking armas nagsesenyas na magpatuloy siya. "I--isang bihag mula sa kanluran."utal-utal ang kanyang pagsasalita at tila kinakabahan.

"Anong ginawa mong kasalanan at binihag ka nila?"taas-noo kong tanong rito. Agad itong umiling-iling. "Wala diwata. Malinis ang aking konsensya. Bata pa ako nang ako'y kanilang bihagin. Dahil sa--" napatigil ito sakanyang pagsasalita at alangang tumingin sa akin.

"Dahil sa ano?"kunot noo kong tanong dito.  Kataka-taka ang mga ikinikilos nito. Anong lihim mo?

"I--ipangako mo munang di mo ko sasaktan pag nalaman  mo."tiningnan niya ang ang aking espada na tila takot sa talim nito. Ibinaba ko ito bago suminghap. "Siguraduhin mong makabuluhan ang iyong isasalaysay; kung hindi ay ibabalik kita sa mga mambibihag mo."pagbababala ko dito

Napalunok ito ng laway sa kaba.
"Binihag nila ako dahil sa aking kapangyarihan."saad niya na nakapagpaarko ng kilay ko. "Anong kapangyarihan?"aking tanong.

"Kapangyarihang tumupad ng kahit na anong hilingin ng iba."walang pag-aalinlangang sagot nito. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Walang bakas ng pagsisinungaling sa ekspresyon niya. Ngunit napaka "Imposible" ng sinasabi ng dalaga.

"Di ko alam kung maniniwala ako sa sinabi mo. Dahil unang-una sigirado akong hindi ka isang bathala. Pangalawa di ako basta-basta naniniwala lang sa salita."saad ko rito habang  naka-krus ang mga braso sa dib-dib. Bumuntong-hininga ito at tumango-tango.

"Alam kong mahirap paniwalaan. Ngunit pawang katotohanan lamang ang sinasabi ko. Tila sumpa nga ito sa akin. Pagkat wala akong ibang pamimilian kundi ang tuparin ang kanilang hiling mabuti man o masama ay aking didingin."malumbay niyang saad. Tumingin lang ako dito di parin talaga ako makapaniwala sa sinasabi nito. Paano nangyari iyon?

A TWISTED STORYWhere stories live. Discover now