Headshot

424 20 0
                                    

Chapter 2

Winter Pov.

Umaatras ako sa paglapit niya, ngunit hinila niya ang aking kamay upang makalapit sa kanyang distansya. Napalunok ako, langhap ko ang matapang niyang pabango habang nakangisi sa'kin.

”Bitawan mo'ko!”

”Ni minsan walang tumawag ng ganon sa'kin, alam mo ba?” hinawakan niya ang pantalon, hindi ako mapakali habang hawak niya ng mariin ang aking pulsuhan. At bago pa kami dumating sa puntong iyon ay itinulak ko na siya palayo, But he have a power to pull me. Hila niya rin ako na naging sanhi upang bumagsak ako sa kanyang ibabaw.

Kasabay ng mga palakang nagluluksuan sa paligid ang siyang pag-echo ng boses mula sa pinto.

”VILLAPANIA!”

Nang dahil sa ashong na 'yon ay nag-lagi ako ng halos isang oras sa dean office, bawal ang ginawa naming iyon sa silid. Ngunit wala naman kaming ginagawang masama, aksidente lamang na napunta ako sa kanyang ibabaw dahil sa paghila niya sa'king kamay.

Umiinit ang ulo ko sa kanya ng magtagpo kami sa dean office, I'm third year collage. Education, high average pero ng dahil sa lalakeng ito ay tila masisira ang puri ko.

”Bagong lipat ka pa lang dito ay gumagawa ka na ng eksena..” iyon lang naman ang isang salita na ilang ulit ko'ng narinig, hindi ako ang gumawa ng eksena. Hindi ako mahilig gumawa ng eksena dahil tahimik lamang akong tao.

Minalas nga lang ng makasalamuha ko ang lalakeng 'to.

”Ashton Philip Falcon, your two weeks suspended..”

”Dean naman!” umapila ang binata, hindi ko alam kung bakit natuwa ako dahil hindi rin lang ako ang mapaparusahan, after all wala naman akong ginawa. Nananahimik lang ako at eto siya ay ginugulo ako, napaka-isip bata.

”And you winter, if you don't want to be like him. Clear all the comfort room and glass wall in the theater!”

I sighed for my punishment, hindi na ako umangal dahil mas gugustuhin ko'ng maglinis kesa masuspendi, Ayoko rin naman malaman ni mudra ito, baka bigla niya na lang akong pauwiin sa probinsya, kawawa si lola. At siguradong magwawala si pudra kung sakaling mabalitaan niyang may lalakeng nagbully sa'kin.

I consider this is bullying. Binigyan niya ako ng mahigit sampong palaka. Inaano ko ba siya, hindi ko naman intensyong sumalpok lahat ng libro sa kanya noong huling araw pa.

”Anong nangyari?” i was alone on garden when calix came up, balita na kasi ang nangyari. At alam niyo ang chismis, Sumampa daw ako kuno kay ashong dahil crush ko siya.

Pasaway na bunganga kung sino man ang nagkalat.

”Si ashong, kasalanan naman niya 'yon!” natural na dipensahan ko ang sarili, totoong kasalanan niya. Nakakairita, nakaka-init ng ulo.

”Kailan pa kayo nagkita ni philip?”

”Last week pa, 'nung first day..”

”And?” hinarap ko siya, nakaupo sa tabi ko habang naghihintay ng sagot.

”Hindi ko naman sinasadyang mahulog ang mga libro noon, malas niya lang na naroon siya sa likuran at sa kanya sumapol..”

Bumuntong hining ako, naalala ko na naman ang araw na 'yon. Ang gwapo niya sana kaso lang pang grade five ang isip.

”You need to avoid him, masyadong malako ang lalakeng 'yon..”

”Hindi ko naman inaano ang sigarilyong 'yon, humingi na nga ako ng paumanhin sa nangyari. Ang kaso lang hindi yata makapag-move on!”

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon