Favor

304 17 0
                                    

Chapter 21

Winter Pov.

’Kailangan matapos ang report na 'to ngayong araw'

Marahas akong natawa sa text message ni ashong, kakatapos lang ng lunch break at eto ay may mensahe na agad sya, ano bang akala nya sakin, robot? Hindi naman ako ganoon kabihasa sa kurso nya, malay ko ba sa bussiness na 'yan.

Napapailing ako at hindi sya nireplyan, nakafocus naman ang tingin ni deborah sa akin habang hawak ang notebook na iniwan ni ashong.

”Sa library ka ba didiretso?” bumuntong hininga ako bago tumango, hindi naman bigdeal ito dahil may kapalit ang gagawin ko, mas mainam na sigurong makatipid kahit isang buwan lang.

Kahit hindi nais ni calix na bayaran ko ang uniform ay pag-iipunan ko pa rin ito.

Nakakahiya naman din kay tita raquel kung humingi pa ako ng pera kay lola perla, nagpapadala kasi ito kada buwan ng budget ni lola.

Sila erpats naman ay wala pang ani ngayon, matumal ang trucking dahil sa lamig ng panahon, siguro sa darating na october pa sila makakapag-padala ng pera ko.

"Mauuna na ako doon, kailangan kong makahanap ng topic nito.." ani ko, nililigpit na ang mga kalat sa mesa.

"Magkasundo na pala kayo?"

"Hindi sa ganoon, masyado kasing kumplikado, hindi ko masasabi sa ngayon.."

Ngumuso sya. "Wala namang masama kung magkakasundo kayo, gwapo nga ni falcon, ang swerte mo nga at kinakausap ka nya.." natawa ako bago mag-iwas ng tingin.

"Kung alam mo lang, deborah. Maraming itinatago ang lalakeng 'yan.." tumayo ako dala ang aking bag, kinuha ko ang notebook sa kanya bago magpa-alam na aalis.

"Mauuna na ako, kita tayo sa susunod na klase.."

Lumisan ako habang binubuklat ang notebook ni ashong, madali lang naman siguro ito kung napapag-aaralan nya, ngunit mukhang tamad syang aralin ito kaya't humingi na ng tulong sa iba.

Paano niya papasukin ang trabaho kung sakaling makapag-graduate ito?

Mukhang nahuhulaan kong hindi ito ang kursong ninais ng lalakeng to.

Katahimikan ang bumabalot sa library ng makapasok ako, tiningnan ko pa ang message ni ashong kung narito na ba sya, ngunit wala itong text kaya nireplyan ko ang message nya kanina.

To ashong.
'Nasa library ako, hindi ka ba tutulong para sa topic nato?'

Madali kong isinend iyon, sinenyasan pa ako ng librarian na isilent ko ang aking cellphone. Ginawa ko iyon matapos ibulsa, tahimik pa rin sa gawing pinuntahan ko habang naghahanap ng libro tungkol sa gagawin ko.

Pasado alas dose na, at mamayang alas dos pa ang susunod naming klase hangga alas kwatro.

Biyernes ngayon, alam kong wala naman gaanong gagawin ngunit paniguradong mag-iiwan ng takdang aralin ang huli naming professor mamaya.

May napili akong tatlong libro na maaaring makatulong sa report ni ashong, mahaba-haba ang kanyang gagawin at ang daming meaning na kailangan i-explain.

Kinuha ko ang mga iyon habang nagtitingin pa, nais ko pa sanang dagdagan ngunit nasa itaas na bahagi na ang kailangan ko.

Bakit ba kasi ang tataas ng mga bookshelf dito?

"Iyan ba ang mga librong gagamitin natin?" muntik pa akong mapasigaw sa biglaang boses na nagsalita sa likuran ko, narito na si ashong at sa mga hawak ko sya nakatingin. "Ang dami naman, sigurado ka ba dyan?"

Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon