Chapter 22
Third Person Pov.
Tahimik ang binata at dalaga habang nakasakay sila sa kotse, walang nais magsalita dahil sa eksenang nangyari sa loob ng mall.
Biglang nawalan ng imik si winter dahil sa hindi inaasahang pag-aalala sa kanya ni philip, ganun din ang nararamdaman ng binata.
Nagtataka sya kung bakit nito nararamdaman ang bagay na 'yon, hindi rin niya maiwasang mainis dahil sa nangyari doon sa fitting room.
Nakaramdam sya ng malaking pagkaka-irita ng makitang suot iyon ng dalaga, hindi naman iyon ang unang beses na makakita siya ng ganoong kasuotan.
Karamihan pa nga ay nakahubad na babae pa ang kanyang nakakaharap, ngunit nakakapagtaka lang ng ganoon bigla ang kanyang inakto.
Nailing ang binata bago bumaling kay winter, diretso ang tingin ng dalaga dahil matapos nilang magtagpo sa loob mula sa tulong ng mga gwardya ay agaran ng nagyaya sa labas ang binata.
Naghihimutok sya habang titig na titig sa harapan ng kotse, gutom na ang dalaga.
"Hindi bat sinabihan kitang huwag aalis sa likuran ko, bakit ba humiwalay ka? Muntik ka ng mawala, ano na lang ang sasabihin ko kay lola perla?" masamang tingin ang ipinukol ng dalaga kay philip, salubong ang kanyang kilay at sa paraan ng titig na yon ay masisindak talaga si philip.
"Ako pa ang may kasalanan, sino ba kasing nagsabing magmadali ka? hindi mo man lang inisip na may kasama ka, ang bilis mong maglakad!"
"Sino ba ang hindi nakasunod?"
"Hindi ako nakasunod dahil nagmamadali ka, bigla na lang uminit ang ulo mo samantalang ginawa ko naman na ang gusto mo!"
Natahimik ang binata habang humihinga ng malalim, hindi na nya nais humaba pa ang pagtatalo dahil maging sya ay naiisip na mali ito.
Ngunit hindi niya matanggap na naguguluhan sya ngayon, kung dati ay walang epekto ang presensya ng dalaga sa kanya, ang mga ngiti nito, lalo na ang ayos nya kanina na ngayon lang nito nasaksihan.
Napamura sya ng mahina bago buhayin ang makina, wala syang pagpipilian ngayon kundi isama ang dalaga pauwi, hindi pa natatapos ang report nya na sa lunes naman na ipapasa.
Hindi niya iyon nais gawin ng sabado at linggo, dahil ang motto niya sa buhay ay rest day on weekend, aral na nga sa lunes hangga biyernes, maging ba naman sa sabado at linggo?
"Sa bahay tayo didiretso, may study room kami at doon ka mananatili.."
"Siguraduhin mo lang na pagkatapos ng pinagagawa mong ito ay lulubayan muna ako sa mga walang kwentang pakulo mo, ayoko ng ganito sa totoo lang.."
Sa pandinig nya ay napaka-angas ng dalaga, bihira nyang marinig sa normal na babae dahil madalas nyang makasalamuha ay malambing at banayad kung magsalita, at itong kasama nya, ay kakaiba.
Iniisip nya kung paano magugustuhan ng isang lalake ito? Nanununtok, malakas pa yatang manapak sakin..
"Basta't matapos mo lang ang report ko, hindi na kita guguluhin pa.."
Mataman kung tingnan sya ng dalaga, sinusuri nito kung totoo ba ang sinabi nya. Hindi ito makalingon dahil nakakaramdam sya ng strangherong pakiramdam, hindi iyon madalas mangyari kay trixie, pero itong kay winter. Parang ayaw nyang magtama bigla ang kanilang mata.
Kinagat nya ang labi at halos murahin nyang muli ang kanyang isip, bumilis din ang kanyang pagmamaneho na hindi naman binigyan reklamo ng dalaga
Alas singko pasado na ng marating nila ang mansyon ng falcon, ipinarada ni philip ang kotse sa loob mismo ng bakuran. Tahimik ang dalaga sa loob ng kotse habang nagmamasid sa paligid, maraming bulaklak at halamang tanim sa paligid, dahil mahilig sa halaman at kalikasan ang ina ni philip ay nais nitong bumusilak sa bulaklak ang kanilang harapan.
BINABASA MO ANG
Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETED
RomanceSi Ashton Philip Falcon ay kilala bilang bully na binata. Maraming rin ang humahanga rito dahil sa taglay niyang karisma at dating. Sa sobrang sikat niya sa unibersidad ng fatima ay halos nakukuha niya lahat ng atensyon. Nabibilang siya sa mayamang...