Chapter 11
Winter Pov
Hindi na ako nagkaroon ng kibo matapos maihatid ni calix sa bahay, nagtatampo ako ngunit alam ko namang hindi ko ito dapat maramdaman, calix and i are just friends. Hindi yata required na magselos kung mapalapit man siya kay shaira.
Sino ba naman ako?
Isa lang naman akong certified bff from chilhood until now, ako lang yata ang nag-level up ng feelings from friends to crush.
Samantalang si calix ay kaibigan lang talaga ang turing sa akin, it hurts to feel that you fall for him, but he really only thinks of you as a friend. Pero hindi naman kailangan isipin pa iyon, kung iyon ang gusto niya siguro'y hangga kaibigan na lang talaga kami.
KINABUKASAN.. Maaga akong naghanda dahil sa isang message na nabasa ko. Dahil nakasaad ang numero ko sa form ay hindi sila nahirapang tawagan ako.
Kaya't madali akong kumilos para ipaghanda ng makakain si lola, gaya dati. Ay nakahapag na ang pagkain ng bumaba si lola, nagtataka pa ito dahil bihis ako ng makita niya.
”May pasok ka?” i shook my head, pilit ang aking ngiti habang pinagmamasdan siyang maupo.
”May practice kasi kami ngayo, la. Tutungo ako ng fatima ngayon..”
”Practice?” lola glanced at me with a frown, nagtataka siguro kung saan tungkol ang ensayong sinabi ko.
”Pumasok po kasi ako sa cheering squad, yung volunteer ng grupo ay tumawag na sa akin kaninang umaga..”
”Tungkol saan yan?”
”Sa foundation po ng fatima, cheering po kami..” lola still doesn't seem to understand what I'm talking about, pero hindi na ito nagtanong pa. Tumango siya bago ako yayaing kumain.
”Kumain ka muna bago umalis..” tumango ako, I accompanied grandma to eat while thinking that cheering squad. Medyo hindi ako kumbinsidong pumunta ngunit naiisip ko ang mga grupong sumali ng kusa ang loob.
Ngunit paano naman akong nasali lang?
Kumbaga ay nadawit lang ako doon at hindi naman kusang sumali, naiinis pa rin ako hangga ngayon kay ashong.
Iniisip ba nitong matatalo niya ako sa ganito lang? He really wants to tease me, masyadong isip bata ngunit hindi na ito tama.
Napabuga ako ng hangin habang pinupunasan ang mesa, nakaupo na muli si lola doon sa sala. Nanunuod ng balita habang may ginagansilyo.
Matapos iyon ay lumapit ako sa kanya. "Aalis na po ako, la..” she looked up at me, halatang may nais sabihin ngunit ipinagsawalang bahala na lamang.
”Anong oras ka uuwi?”
”Hindi pa po ako sigurado, pero meron pong mga frozen food sa ref, wag na po kayong magluto ng marami..”
”Sa labas ka ba kakain?”
”Siguro, la. Sige po, mauuna na ako..” tumango itong muli, hindi na nag-usisa pa kaya't naisipan ko ng lumisan, ngunit sa bungad pa lang ng daan ay nakita ko na si trixie na naglalakad.
Medyo nagulat ako dahil mas gusto niyang sumasakay ng tricycle or grab, basta h'wag lang maglakad patungo rito. O kaya naman mainitin, nasa alas siete y'media na rin. Mainit init na ang araw.
”Hi!” trixie greeted me with a beautiful smile, napaka-ayos niya at todo kung pomorma. Hindi ito naka-uniform, highwaisted 'yung pants niya at croptop ang damit nito, samantalang ako ay simpleng blouse lang at pantalon.
”Are you going to school?” tumango ako, bahagyang nakangiti.
”O-oo..”
”Let's go together, I'm about to go to school too. it's pretty boring if I walk alone..” pilit ang aking ngiti, yung pagsasalita niya ay ang lambot. At medyo nakakahiya kung tumanggi pa ako.
BINABASA MO ANG
Accidentally, We fall SEASON 1 (Adonis Series 3) COMPLETED
DragosteSi Ashton Philip Falcon ay kilala bilang bully na binata. Maraming rin ang humahanga rito dahil sa taglay niyang karisma at dating. Sa sobrang sikat niya sa unibersidad ng fatima ay halos nakukuha niya lahat ng atensyon. Nabibilang siya sa mayamang...