"BRYAN'S POV"
Sobrang sakit ng ulo ko, pero mas masakit pa rin yung puso ko. Tanginang hang over naman oh! Umagang-umaga ang lakas maka-hugot.
Teka, paano nga pala ko napunta dito sa kwarto ko? Ah! Kasama ko nga pala si Alice kagabi malamang binuhat ako nun pauwi.
Bumaba na ako ng kwarto para kumain. Kumakalam ang sikmura ko tapos ang sakit pa ng ulo ko.
Nadatnan ko si Alice na naghahanda ng makakakain. Nakapusod ang kanyang mahabang buhok, mukhang galing ito sa pagluluto dahil nakasuot pa siya ng apron. Himala, sinipag ata ngayon ah. Hindi naman to mahilig sa mga gantong bagay.
Ngumiti siya ng makita ako.
"Oh Go! Andyan ka na pala, good morning gigisingin palang sana kita eh. Tamang-tama handa na tong pagkain, kain ka na tapos uminom ka nitong gamot."
Umupo na ko at sisimulan na sana ang pagkain nang mapansin kong parang may mali.
"Teka,teka. Bakit nga pala parang ang ganda ng mood mo ngayon? May binabalak ka bang masama sa akin?" tiningnan ko ang mga nakakahain na pagkain. Ngayon ko lang napansin na medyo sunog ang hotdog at may mga shell pang naiwan sa itlog. "Ano to? Pagkain ba to? Bak-- Araaay! Bakit mo ko binatukan?!"
Tangna ang lakas, umalog yata ang utak ko. Wala talagang konsiderasyon tong babaeng to.
"Bwisit ka kasi! Panira ka ng mood." ani niya saka padabog na umupo.
"Huh? Anong ginawa ko? Magtatanong lang naman ako kung bakit may shell-"
"Kakain ka ba or kakain ka?!"
Napalunok nalang ako saka kumain (nang sobrang maingat dahil baka mamaya may malunok akong shell).Baka isaksak niya pa saken yung hawak niyang tinidor. Nasaan na ba sila Skyler? Tulog pa ba sila? Salo-salo dapat kami dito uy!
Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig. Tahimik lang si Alice pero nakakunot ang noo at parang may binubulong sa ere habang patuloy na tinutusok ng kanyang tinidor ang kawawang hotdog. Sunog na nga, sinaksak pa. Tsk-tsk.
"I woke up early to cook for him tapos sasabihin niyang pagkain ba to? Anong bang ibig niyang sabihin, na hindi ito mukhang pagkain?! This damn jerk!" nagulat naman ako ng lumanding ang paningin niya sakin. "Tinitingin-tingin mo dyan?!"
"A-ah ano, ah.. masarap pala yung luto mo saka... pati itong tubig mukhang masarap." inisang lagukan ko ang isang basong tubig, tangna, ang sakit na ng lalamunan ko, may nakain yata akong shell dahil sa gulat.
Nang ibinalik ko ang paningin sa kanya ay nakangiti na siya.
"Huh, alam ko Go. Alam kong sasabihin mo talaga yan. Masarap talaga akong magluto pero tinatago-tago ko lang kasi baka mawalan ng trabaho yung mga chef natin dito. Pero dahil sinabi mong masarap akong magluto, dadalasan ko na to." pagmamayabang niya.
"DADALASAN?! Okay ka lang ba?! Eh halos ikamatay ko na nga tong pag--- I-I mean wag na Alice. Papagurin mo pa yung sarili mo--"
"No. It's okay. Kanina rin na realized ko, I'm starting to love cooking. Ahm,what do you think Go? Magpatayo na kaya ako ng restaurant?--"
"RESTAURANT?! Papatay ka pa ng mamamayan?!-- I mean, tamang dito ka nalang sa bahay m--"
"Bakit? Ayos naman magkarestaurant ha tapos iha-hire ko si Shana tapos pahihirapan ko siya katulad ng pagpapahirap niya sa'yo. Of course, hindi lang simpleng pagpapahirap ang gagawin ko, I'll make sure na-"
"Stop it Alice. Napag-usapan na natin to. Pabayaan mo na si Nami at wag na wag mo na siyang guluhin kung ayaw mong mag-away ulit tayo." seryoso kong sabi saka tumayo. "I'm done. Pupunta pa ko sa kompanya."
"ALICE'S POV"
Okay na sana eh, bakit kasi nasabi mo pa ang pangalan ng babaeng yun Alice. Foul move.
Jeez. Bryan Go. Alam kong hindi kita makukuha sa santong dasalan o kayay sa mga sweet sweet at nakakasukang bagay katulad ngayong umaga, oo sabi sa google sweet daw kapag pinagluto mo yung taong mahal mo kaya ginawa ko. Pero nakalimutan kong wala ka nga palang kasweet-sweet sa katawan kaya kukuhanin nalang kita in my own way. The Alice way.
"Oh, may pagkain. Tamang-tama gutom na ako." ani ng babaerong kaibigan ni Go na kadadating lang.
"Witwew! Ganda natin ngayo-- hehe! Hi Alice." sinamaan ko kasi ng tingin saka ako umalis.
"AUTHOR'S POV"
Napakamot nalang si Skyler dahil sa kasungitan ni Alice. Napatingin siya sa mesa at nagtaka kung bakit medyo sunog yung hotdog na nakahain kaya ang itlog ang tinira niya--ay parang ang bastos pakinggan-- scrambled egg ang kinain niya. At wala na rin siyang choice dahil gutom na gutom na siya. Tuloy na tuloy na siya sa kanyang pagkain.
At ayun alam niyo na po ang resulta.Nabilaukan sa dami ng maliit na shell na kanyang nalunok. Kawawang Skyler.
"Acccck! Anongck pagkainck batock?!" inubos niya ang isang pitsel ng tubig para maibsan ang sakit na nararamdaman ng kanyang lalamunan.
"Damn!! Kahit kailan hindi na ako kakain ng itlog!! Ayoko na sa itlog!! Yung Alice na yun!! Ayoko na sa itlog niya!!" pasigaw na sabi Skyler.
Saktong dating ng kanyang kakambal na si Tyler na nanlalaki ang mga mata.
"Bro! A-anong?! K-kaninong itlog ang kinain mo?!" takang-takang tanong ni Tyler. "Kailan pa to bro? Nagsawa ka na ba sa babae kaya lalaki naman?!"
"Anong pinagsasabi mo Tyler? Eh yung si Alice kas ---"
"ALICE?! MAY ITLOG NA SI ALICE?!" at nahimatay po si Tyler. Medyo may hangover rin kasi ang loko kaya ganun.
( Last cameo ng kambal, focus na tayo kila Bryan hahaha)
BRYAN'S POV
Nandito na ako ngayon sa harap ng kompanya. Oo mga tsong hindi ako naligaw. Hindi naman kasi ako bobo para maligaw no.
" Sir, susunduin ko po ba kayo dito mamaya? "(driver ni Bryan, oo kumuha siya ng isang driver para kung sakaling di niya kasama si Alice ay may tigahatid siya para hindi siya mawala haha)
Sinamaan ko ito ng tingin at sinenyasan na umalis na. Tuloy-tuloy na ako sa pagpasok sa kompanya, lahat ng makakasulubong ko ay binabati ako ng good morning dahil syempre boss na nila ako.
Nung graduation kase pinamahala na ni Papa sakin tong kompanya. Wag ka ng magtanong kung paano nakakabagot magkwento saka may trabaho pa kong dapat asikasuhin.
--------
AUTHOR'S POV
Nagsimula ng magtrabaho ang walangyang si Go. Pirma dito.. pirma doon.. Meeting dito.. meeting doon.
Nang bumalik siya sa kanyang opisina ay nadatnan niya si Alice na nakaupo sa kanyang swivel chair. Seryoso ang mukha nito at mukhang kanina pa hinihintay ang binata.
"Anong ginagawa mo dito?" - Bryan
Tumayo si Alice at tuloy na tuloy na naglakad papunta kay Bryan na umaatras dahil sa kilos ng dalaga, naisip rin niya kasing baka suntukin nalang siya bigla nito kaya siya umaatras, hanggang nacorner nalang siya sa pader. Pero hindi siya nito sinuntok o ano. Titig na titig lang ito sa kanyang mata.
Napakunot noo naman ang mukha ni Bryan at naweweirduhan na sa babaeng ngayon ay sobrang lapit na sa kanya.
"Mukhang pinagtitripan na naman ako nito ah." - sa isip ni Bryan
"Alice, ano bang--"
Hindi na nakaimik ang binata nang inilapat ng babae ang kanyang labi. She kissed him. And he kissed her back. Both of their eyes were closed as they were kissing passionately. Unang bumitaw si Alice at diretsong tiningnan mata sa mata si Bryan.
"You kissed me. Panagutan mo ko Go." - Alice
BINABASA MO ANG
His Direction ( Bryan Go's Fanfic Story )
RandomThis is a fanfic story of Bryan Clyde Go from the story Officially His Girlfriend. Namiss niyo ba siya? Ako kasi, namiss ko kaya ito gumawa ako. This is made by impulse kaya di ko alam kung san to tutungo. Ahihi! Enjoy Reading!