PROLOGUE

3.1K 79 32
                                    

Maraming nagsasabing bobo ako kasi wala ako nang tinatawag nilang " sense of direction". Eh anong pake ko? Eh wala naman talaga akong kaalam-alam diyan.

Aba't kasalanan ko bang nalilito ako sa kanan at kaliwa? Tsk! Kanan, kaliwa.. kaliwa,kanan.. wala naman talaga silang pinagkaiba maliban sa spelling nila. Google map? Eh wala rin yung kwenta.

Palagi akong naliligaw, oo . Obvious naman siguro diba? Tss!

Nakakatawa lang isipin na pati sa lovelife ko, oo, sa lecheng lovelife ko, maling daan ang tinahak ko. Pano ba naman? Akala ko yun na yung RIGHT DIRECTION, kung saan magiging masaya ako. Akala ko SIYA na. Sino siya? Siya si Nami Shanaia Fajardo San Jose Stan-- nevermind, basta, siya si Shana, ang first love ko.

Nangako nga kami eh! Nangako kami sa isa't isang kami ang magpapakasal. Pero things turned the way around. May dumating na lintek na itago natin sa pangalang BRYLE CALEB STANFORD. Pangalan pa lang ang pangit na diba? Tss! Yung gagong yun. Mas minahal siya ni Nami kesa sa akin, sa akin na first love niya. Well, totoo nga siguro ang kasabihang First love never dies, but true love can bury it alive. Ipinasa lang yan ng mga katext clan ko. Ang pangalan ng clan namin ay #Br0k3n4koBh3 Clan. Nakakabwiset nga eh, tamaan ako sobra!

Ewan ko nga ba kay Shana, wala akong nakikita miski katiting na rason kung bakit pinili niya si gagong Stanford! Mas gwapo naman ako dun ng isang daan, mali, isang bilyong paligo, mas mayaman,mas habulin ng mga babae, saka bobo yun sa english. Tss!

Pero kahit ganun, masasabi kong maswerte siya. Kasi siya, kasama niya ang babaeng mahal ko, kasama sa paglalakbay sa daan patungong happily ever after.

Eh ako? Wasak! Sabog! Naiwan lang nakatayo sa isang daan, nag-iisa, at di alam kung saan pupunta. Sa kanan man o kaliwa, sa unahan man o sa likod, alam kong walang pinagkaiba. Dala-dala ko parin ang durog kong puso. No bitterness, okay lang sa akin kung di ko kasama si Shana, alam ko naman kasing masaya na siya sa piling ni gagong Stan--

* tenentenentenen*

Panirang text, kitang di pa ako tapos sa sinasabi ko eh. *tingin sa cellphone*

From unknown number:

HAHAHAHA! KAWAWANG GO! DUMAAN KA NA LANG SA DAANG MATUWID, KASAMA MO SI PINOY! HAHAHAHA. CAPSLOCK FOR SENTENCE!
- GWAPONG STANFORD

Imbis na maasar, natatawa na lang akong nagrereply sa bobong si Standford.

To unknown number :

HAHAHHAHAHAHA! MAS KAWAWA KA BOBONG STANDFORD! INTENSE HINDI SENTENCE! TANG INA! ANG TANDA MO NA DI KA PARIN MARUNONG MAGENGLISH! BOOOOO!

- MAS GWAPONG GO

Ibinulsa ko na ang cellphone ko with ngiting tagumpay. Napatingin ako sa paligid at napawi na lamang ang ngiti. " Teka, nasan nga ako? "


-----------------------------

A/N : So ayun, dahil namiss ko na ang characters ng OHG specially si Bryan Clyde Go, *____* Gumawa ako ng fanfic story niya. Hahahaha! Ok. Di ko alam kung saan tutungo tong story na to. HIhihi. Ate yam, pwede bang pahirap sandali si Bryan? :)

Ginagawa ko pa po yung chapter 1. ^_^

His Direction ( Bryan Go's Fanfic Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon