HD- 1

1.1K 45 13
                                    

" Bryan's POV"

( Ito yung araw pagkatapos, ikasal si Nami at Bryle.)

" Cheers para sa nagdurugong puso ni Go! Wooo! Hahahaha" - Skyler na itinaas ang baso niya.

" CHEERS!" sabay namang sagot ni Tyler at Cloud.

"Eh kung pagsasaksakin ko kaya yang mga puso niyo! " sigaw ko. Mga gagong to! Pinagtitripan pa ko. Nyemas! Hindi ko nga tinawagan si Alice kasi alam kong aasarin lang ako nun pero itong mga ugok na to nakisali pa. Buti pa si Sho, ang himbing himbing ng tulog syempre yakap-yakap ang pinakamamahal niyang potato chips, sana pala siya lang ang tinawagan ko. Tsk!

Nasa bar nga pala kami, nag-iinuman. Puro may mga tama na ng alak, kaya kung ano nang pinagsasabi. Lagot sakin tong mga gunggong nato, akala siguro di ko na to maalala bukas. Huh!

Inakbayan pa ko ng lecheng Skyler. " Haha! Fafa Bryan naman, wag ka ngang bitter. Move on pare! Move on. Masaya na si Shana kay Standford. Hmmm.." tumingin siya sa itaas na waring nag-iisip " Ano kayang ginagawa ng dalawang yun ngayon? Bagong kasal sila, eh di syempre nags-- aw!! "

Natigil siya ng siniko ko siya ng malakas. Puro kabastusan talaga ang utak ng isang to.

" At dahil gusto mo kong magmove on. How about, magmove ka na rin ng bahay? Ha Skyler? Ayokong makita ang pagmumukha mo sa mansion ko! Naiintindihan mo?! " sigaw ko. Saka inisang lagok ang isang baso ng alak.

" Waah! Fafa Bryan. Nagbibiro lang naman ako, sorry na. " - Skyler na pinagdikit ang dalawang kamay na nakaharap sa akin. Nagpuppy eyes pa ang mokong, nakakadiri ang mukha niya, mukha siyang aso. -___- Huh! Serves him right! Bryan Go? Pinagtitripan niya? Tsk!

Patuloy lang ako sa pag-inom ng alak.

" Bryan, ayoko namang matulog sa labas. Huhu! Di ka ba naawa sa akin? Pagpepyestahan ako ng lamok. Bro Tryler, tulong naman diyan oh. " - Skyler

" Patawad bro, di kita matutulungan. Ikaw naman kase! Pinagtatawanan mo ang pinakapipitagang  si Bryan Go. Alam mo namang broken hearted yan dahil sa nangyari sa kanila ni Shana. " - Tyler

" Aba't-- " - ako

" Wahahaha! Ang harsh niya diba? Isang boto mo lang sa akin Skyler, maliligtas ka na sa paghihirap nyang si Bryan. Just vote " Cloud ( space)LEADER" to 2388. Nangangako ako dude! Magiging mapayapa ka sa kamay ko kapag ako na ang naging leader ng grupo natin. Bwahaha" - Cloud. Isa pa tong baliw na to, wala na talagang pag-asa. *facepalm

" Talaga Cloud? " - Skyler na naglight bigla ang mukha.

" Talagang-talaga. Bwahaha! Nasa akin na ang boto ni Sho, at kapag kumampi ka sa amin. 3 is to 2 na. Leader na ko pag ganun! Hahaha diba Sho? " - Cloud sabay hampas sana kay Sho, at dahil nga medyo lasing na siya yung potato chips ang nahampas niya dahilan para mahulog ito sa sahig, sakto namang may dumaang mataba sa table namin at natapakan ang banal na potato chips ni Sho. Nagsoslowmo sa paningin namin ang pagkalasog-lasog ng potato chips.

Sabay sabay nanlakihan ang mga mata namin. Nagkatinginan sa isa't isa. Si Sho naman na nagkukusot pa ng mata, nagpalipat-lipat ng tingin sa amin. Clueless pa ata siya sa nangyayari. Dadako na sana ang mata niya sa potato chips nang humarang si Skyler.

His Direction ( Bryan Go's Fanfic Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon