"PROLOGUE"

65 0 0
                                    


"PIGIL ang hininga habang mahigpit na nakatakip ang nanginginig na kamay ng takot na takot na babae na nagtatago mula sa ilalim ng silong ng kawayang papag. Sinisikap niyang hindi makagawa ng kahit kunting ingay sa pag-iyak na ginagawa niya, sa takot na baka marinig siya ng lalaki na nakatayo sa harap niya. Gabi na ng mga oras na yun kaya kahit papaano kampante siyang hindi siya makikita mula roon, wag lang siyang gagawa ng ingay dahil siguradong pagsisisihan niya yun.

Hindi niya mapigilan ang panlalaki ng dalawang mata at paglalapot ng pawis sa marumi na niyang katawan dahil kitang-kita niya mula sa pwesto niya ang kahayupang ginagawa ng lalaki sa isa sa mga kasama niya. Gusto niyang masuka dahil kitang-kita niya kung paano nito hiwain na parang isang karne ng hayop ang mga parte ng katawan ng taong pinatay nito bago ihulog sa dalawang timbang tubig na nakapwesto sa harapan niya. Halos magkulay pula na  yun dahil sa sariwang dugo mula sa karne ng tao na kinakatay nito.

Nung una palang masama na ang pakiramdam niya sa lugar na pupuntahan nila pero hindi siya nagpadala sa masamang kutob niya at sumama parin siya kaya ito siya nanginginig sa subrang takot dahil sa mga nakikita niya.

Napaigik siya sa labis na gulat ng biglang mahulog mula sa harapan niya ang ulo ng kaibigan niya na saktong nakaharap sa kanya at dilat na dilat ang mga mata. Kitang-kita sa mata nito ang hirap, takot at labis na sakit na pinagdaanan mula sa kamay ng demonyong lalaki sa harapan niya.

Mas tinakpan pa niya ang bibig niya ng makita niya ang lalaki mula sa siwang ng sahig na natigilan sa ginagawang paghiwa sa laman ng tao na kinakatay nito. Subra-subrang kaba at takot ang nararamdaman niya dahil sigurado siyang narinig siya nito.

Kumalabog ang dibdib niya at nataranta siya ng bigla itong umalis sa kinatatayuan, hawak nito ang kutsilyo sa kanang kamay at dahan-dahang humakbang palapit kung nasaan siya.

Lalong bumuhos ang mga luha sa mata niya dahil siguradong makikita siya nito sa pinagtataguan niya. Halos mamanhid ang katawan niya ng dahil sa labis na takot na nararamdamdaman ng unti-unting yumuko ang lalaki para silipin siya mula sa ilalim ng silong ng papag na pinagtataguan niya.

Naipikit niya ang mga mata ng tuluyan itong makayuko sa harap niya, silip na lang ang gawin nito at siguradong makikita na siya nito.

Hanggang sa naidilat niya ang mata niya ng may pusang biglang mag-ingay sa ibabaw ng papag na pinagtataguan niya. Naagaw nun ang atensyon ng lalaking nakaupo sa harap niya.

Hindi niya alam kung papaanong paghinga ang gagawin niya ng tumayo ito at kunin ang itim na pusang bigla nalang sumulpot doon. Bawat paghinga na ginagawa niya ay mabigat kaya sa bawat buga ng hangin mula sa ilong niya ay ingat siya na makagawa ng ingay.

Ngayon niya napatunayan na mali ang sabi-sabi ng karamihan dahil hindi lahat ng itim na pusa ay malas. Laking pasasalamat niya dahil kung hindi sumulpot ang pusang yun, malamang ilang sigundo lang wala narin siyang buhay at diya na ang susunid na kinakatay ng demonyong lalaki na pumaty sa mga kasamahan niya.

Nagugutom kana ba? Ipaghahanda na kita ng pagkain dahil may ginawa akong masarap na giniling mula sa paborito mong sariwang karne na kinakatay ko palang ngayon, nasa timba pa nga ang ilang parte nun!" sabi nito na ang tinutukoy ay ang kaibigan niyang babae na kasalukuyan nitong kinakatay sa mga oras na yun.

Pigil hininga siyang humagulhol ng iyak dahil sa sinabi nito, paano nito nasesekmura ang kahayupang ginagawa nito. Paano nito nagagawang pumatay at kumatay ng tao na parang hindi man lang ito dinadalaw ni katiting na konsensya.

Umalis ang lalaki sa harap niya dala-dala ang pusa papasok sa loob ng isang bahay kubo. Kaya naisip niya na yun na ang pagkakataon niya para makatakas at makahingi ng tulong.

Mabilis na pagkilos ang ginawa niya, mula sa pinagtataguan agad siyang lumabas mula roon. Natakpan pa niya ang bibig ng makita ang mga lamang loob ng tao na nakalagay sa malaking planggana at ibat-ibang parte ng katawan ng tao na nakalatag sa sa kawayang mesa.

Inalis niya ang tingin doon dahil sigurado siyang hindi na niya mapipigilan pa ang sarili na maduwal kapag hindi pa niya inalis ang tingin doon. Nag-iingat siya sa bawat hakbang na gagawin niya habang pasulyap-sulyap ng tingin sa paligid lalo na sa kubo na pinasukan ng lalaki.

Ngunit sa hindi sinasadyang paghakbang, nasagi niya ang isang kalawangin at yupi-yuping lata na hindi niya napansing nakaharang sa dadaanan niya dahilan makagawa yun ng ingay.

Para siyang nabato sa kinatatayuan, mas tumindi pa ang takot na naramdaman niya at labis na panginginig ng katawan ng bumaling siya ng tingin sa kubo na pinasukan ng lalaki. Pero ilang sigundo ang dumaan, hindi lumabas ang lalaki mula sa kubong yun.

Laking pasasalamat niya dahil mukang hindi naman nito narinig ang ingay na nagawa niya kaya agad niyang inalis ang tingin doon para magsimula ng tumakbo pero agad din siyang natigilan ng sumalubong sa kanyang paningin at nakatayo sa kanyang harapan ang lalaki na akala niya ay nasa loob ng kubo. May hawak itong palakol habang seryusong nakatingin sa kanya.

Muling lumandas ang luha sa pisngi niya ng sumilay ang ngisi sa labi nito. Agad siyang tumalikod dito para tumakbo pero mabilis ang lalaki dahil agad din siyang nahataw ng palakol sa likod.

Naghihingalo siyang bumagsak sa lupa at sa mga tuyong dahon, sumuka ng dugo habang patuloy sa pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman mula sa tama sa likod sanhi ng pagpalakol ng lalaki sa likod niya.

Paupong yumuko ang lalaki sa tabi niya habang nakangising nakatingin sa kanya. Sinulyapan pa niya ng tingin ang palakol na may bahid ng dugo niya at hawak nito na pagkaraan ng ilang sigundo ay ibinaba nito sa lupa. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago ibalik ang tingin sa mata niya. Hindi niya magawang ibuka ang bibig niya dahil sa labis na panghihina. Nararamdaman narin niya ang unti-unting pamamanhid ng katawan. Unti-unti naring nanlalabo ang paningin niya habang nakatitig sa demonyong lalaki na nakaupo sa harap niya.

Pagmamakaawa ang bumakas sa muka niya habang patuloy sa pagluha ang mga mata na nakatitig dito. Pero parang wala lang dito ang kalagayan niya at ang ginawa nito sa kanya dahil pinaninindigan nito ang pagiging isang demonyo sa paningin niya.

Did you think you could escape?!" sabi nito sa kanya bago marahang natawa.

Alam kong kanina kapang nagtatago sa ilalim ng silong ng papag pero dahil sa abala pa ako sa ginagawa ko hinahayaan muna kita. Kampante ako na hindi ka makakatakas dahil wala karin namang ibang lalabasan kundi sa pwesto ko kanina." sabi nito.

A-ang sama m-mo! H-hayop k-ka! D-demonyo k-ka!" napalitan ng galit ang mata niya habang nakatitig sa lalaki na tumango at tinanggap lang ang sinabi niya. Mukang masaya pa ito sa narinig mula sa bibig niya.

Do you know the song Hide and Seek?" tanong nito na nagpakilabot sa buong katawan niya lalo na ng magsimula nitong kantahin ang kantang yun habang nakangising nakatitig sa kanya.

Ding dong
I know you can hear me
Open up the door
I only want to play a little

Ding dong

You can't keep me waiting
It's already too late
For you to try and run away
I see you through the window
Our eyes are locked together
I can sense your horror
Though I'd like to see it closer

Nakuha pa nitong hawiin ang ilang hibla ng buhok na humarang sa muka niya habang patuloy parin sa pagkanta. Maganda ang boses ng lalaking nasa harap niya pero hindi niya magawang mamangha dahil nangingibabaw ang takot sa buong katawan niya.

Ding dong

Here I come to find you
Hurry up and run
Let's play a little game and have fun

Ding dong

Where is it you've gone to?
Do you think you've won?
Our game of hide and seek has just begun

Dinambot nito ang palakol sa lupa at nakangisi itong tumayo habang nakatitig parin ang tingin nito sa kanya.

I hear your footsteps
Thumping loudly through the hallways
I can hear your sharp breaths
You're not very good at hiding.....

Nawala ang ngisi sa labi nito bago bigkasin ang huling linya na kinakanta nito.

Just wait, you can't hide from me!" gigil na saad nito kasabay ng paghataw ng palakol sa kanyang ulo.

Hide and Seek SalvationWhere stories live. Discover now