CHAPTER FOUR

30 1 0
                                    


"ILANG MINUTO ang dumaan na nakaparada lang ang sasakyan sa lugar kung saan sila biglang huminto.

Patuloy si Bella sa mahinang pagtawag sa pangalan ni Almira habang pinapaypayan naman ni Stephanie ng kartong papel ang kaibigan, hindi parin kasi ito nagkakamalay. Binuksan din nila ang pinto ng Van para makapasok ang sariwang hangin sa loob ng sasakyan, mas mainam kasi yun kaysa sa hangin na nagmumula sa aircon ng sasakyan.

Nagsilabasan din ang mga kasama nila sa sasakyan dahil sa pagkabagot habang nag-aantay na muling magkamalay si Almira.

Almira! Almira!" mahinang tawag ni Bella sa kaibigan, nakasandal ito sa balikat niya at nagbabakasakali siya na gisingin ito.

Almira! Wake up!" sabi naman ni Stephanie na nasa kabilang tabi naman ni Almira.

Hindi pa ba siya nagigising, nababagot na ko----ouch!" reklamo ni Nicole ng kasabay ng paghampas nito sa braso ng kagatin ito ng lamok sa bahaging yun ng katawan nito.

Ano ba yan! Ang liwa-liwanag pa ang lamok lamok na! Ganun ba ako katamis para pagkaguluhan ng mga lamok na ito!" nakasimangot na reklamo nito habang patuloy sa paghampas at pagpispis sa braso at binte nito.

Inuna mo kasi yang kaartehan mo, nagsuot-suot ka ng ganyang damit tapos magrereklamo ka!" puna ni Zen sa maong shorts at puting sando na suot ni Nicole.

Natigilan sa ginagawa si Nicole bago taas kilay na ipinaling ang tingin kay Zen.

Hindi ko hinihingi ang opniyon mo Zen at syaka inaano kaba ng suot ko ha! Bakit, pinakikialamanan ko ba yang suot mo----

Pwede ba, tumigil nga kayong dalawa!Kung mag-aaway lang din kayo mas mabuti pang manahimik nalang kayo dahil hindi kayo nakakatulong!" salubong ang kilay na sabi ni Stephanie habang patuloy sa pagpaypay sa kaibigan na wala paring malay hanggang sa mga oras na yun.

Masamang tingin ang ipinukol ni Nicole sa lalaki na sinuklian naman nito ng mapang-asar na ngisi. Dahil doon lalong nakaramdam ng inis si Nicole pero sa halip na komprontahin pa ito, inikutan nalang nito ang lalaki ng mata bago ibinaling ang tingin sa tatlong babae na nakasakay sa loob ng Van.

Almira! Almira!" muling tawag ni Bella sa pangalan nito. Marahan niyang tinatapik ang pisngi at niyuyugyog ang balikat nito para subukang gisingin.

Almira!" tawag din ni Stephanie sa pangalan nito na sinusubukan din itong gisingin. Dumaan pa ang ilang sigundo hanggang sa mapansin ni Stephanie na maglumikot ang mga mata nito, senyales na nagkakamalay na ito.

Almira!"sambit ni Stephanie kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi dahil sa wakas nagkakamalay na ang kaibigan nila.

Nagigising na siya!" sabi nito sa mga kasama, hindi naman yun kita ni Bella dahil sa balikat niya nakasandal ang ulo nito.

Dahil sa sinabi ni Stephanie mabilis na nagsilapitan ang mga kaibigan nila. Pumasok sa magkabilang pinto sa bandang unahan sina Jones at Ivan. Dahil naman sa sabay na paglapit nina Zen at Nicole , hindi sinasadyang nagkabanggaan ang braso ng dalawa dahilan para samaan ng tingin ni Nicole ang kaibigan. Hindi na nakipagtalo si Zen, nakataas ang kamay na umaatras ito para magpalamang sa babae. Muling inirapan ni Nicole ang lalaki bago sumakay sa loob ng Van kung saan ito nakaupo kanina para makiusisa sa lagay ni Almira. Nanatili naman sa labas ng sasakyan sina Zen at Kairo at hindi na muna nakigulo.

Almira ok kalang?!" tanong ni Bella.

Nagulat sila ng biglang bumalikwas sa pagkakaupo at umalis sa pagkakasandal sa balikat ni Bella si Almira. Naguguluhan man pero nakaramdam sila ng pag-aalala ng magsimula na naman itong mataranta. Bumaling ito ng tingin kay Bella na makikitaan naman sa mata ang pag-aalala habang nakatingin dito.

Hide and Seek SalvationWhere stories live. Discover now