CHAPTER TWO

43 1 0
                                    


"NAPAG-USAPAN nila na sa subdivision kung saan nakatirik ang bahay ni Nicole sila magkikita-kita. Bukod doon sa subdivision ding yun nakatira ang isa pa nilang barkada nasi Stephanie. Halos magkalapit lang ang mga bahay ng dalawa, isang bahay lang ang distansya ng pinagtitirikan ng mga bahay ng mga ito.

Nag-aantay narin doon sina Ivan at Zen na magkasamang dumating sakay ng Van ni Ivan na siyang gagamitin nila. Pagkaraan ng ilang minuto, magkasunod namang dumating sina Almira at Jones na nagpahatid sa kani-kanilang driver.

Ang tanging inaantay nalang nilang dumating ay ang dalawa nina Kairo at Bella na hindi na nagdala ng kotse at nagcommute nalang papunta sa bahay ng kaibigan.

Kasalukuyan silang nasa living room, kanya-kanyang pwesto ng upo doon.

Habang inaantay ang dalawang pang kaibigan na wala pa sa mga oras na yun, tahimik at malalim na nag-iisip si Almira habang nakasandal ng upo sa couch sa harap ng tatlong lalaki at naglalaro ng online games.

Sa subrang pag-iisip, hindi man lang naagaw ang atensyon niya ng tatlong kaibigan na bahagyang gumagawa ng ingay sa harap niya kung nasaan sila.

Napaigtad ng dahil sa bahagyang gulat si Almira ng umupo sa tabi niya si Stephanie dahilan para maibaling niya ang tingin dito. Nanggaling ito sa kwarto ng kaibigang si Nicole, hindi pa kasi tapos mag-ayos ng gamit si Nicole ng dumating sila kaya tinulungan na ito ni Stephanie. Likas din kasi sa babae nilang kaibigan ang mabagal kumilos kaya laging nahuhuli.

Pansin ko kanina kapang tahimik, may problema ba?" tanong ni Stephanie ng makaupo ito sa tabi ng kaibigan.

Bahagyang humarap ng pagkakaupo si Almira sa kaibigan bago sagutin ang tanong nito.

Wag na kaya tayong tumuloy!"sabi niya dahilan para maagaw ang atensyon ng tatlong lalaki sa harap nila.

Hindi kasi ako mapakali, masama talaga ang kutob ko sa lugar na yun!" nag-aalalang sabi ni Almira.

What?" sabay napatingin ang dalawang babae sa harapan nila ng magsalita si Zen.

Naagaw nila ang atensyon ng tatlo at nakatingin na ito sa kanila.

Diba napag-usapan na natin na wala ng magbaback-out. Isa pa nakahanda ng lahat ng dadalhin at gagamitin natin, ngayon kapa aatras?!" dagdag pa nito.

Alam ko naman yun pero masama lang talaga ang kutob ko sa lugar na yun, isa pa guys. Nanaginip ako ng masama kagabi at talagang kahit sino hindi magugustuhan ang panaginip ko." sabi ni Almira.

And what did you dream about?!" kunot-noong tanong ni Ivan na itinigil na ang paglalaro at itinutok nalang ang atensyon sa kaibigan.

Sinulyapan pa ni Almira isa-isa ang mga kaibigan bago sumagot sa tanong ni Ivan.

Subra kasing nakakatakot yung panaginip ko, as in parang totoo. Nasa cristobal nadaw tayo at may mga puno-----

Humalakhak ng tawa si Zen kaya hindi niya naituloy ang nais niyang sabihin tungkol sa panaginip niya.

Malamang probinsya yun, saan kaba nakakita ng probinsya na walang puno!"natatawang sabi ni Zen na ikinatawa din naman ng dalawa pang lalaki na kasama nila doon.

Dahil sa sinabing yun ni Zen, hindi naiwasang magsalubong ang kilay ni Almira habang nakatingin sa mga lalaking tumatawa sa harapan niya.

Hindi! Pakinggan niyo muna kasi ako!" naiinis na sabi niya kaya natigil sa pagtawa ang tatlo.

Ok, relax! Masyado namang mainit ang ulo mo, nagbibiro lang naman----

Pwes hindi sa lahat ng oras at pagkakataon pwede kang magbiro Zen. Ilugar mo naman ang mga biro mo!" galit na sabi ni Almira.

Hide and Seek SalvationWhere stories live. Discover now