CHAPTER FIVE

30 1 0
                                    


"Hindi parin magawang kumilos ni Bella habang nakikipagtitigan sa matanda na nakatayo sa harap niya. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit kakaibang kilabot ang nararamdaman niya habang nakatitig sa mata ng matanda. Pilit niya mang alisin o iiwas ang tingin dito, hindi niya magawa dahil parang nakapako na ang paningin niya sa mata nito. Tila ba isa siyang bakal at ang matanda ang magnet na siyang humihila sa kanya para hindi makawala sa titig nito. Para bang kahit anong gawin niyang pag-iwas ng tingin dito ay hinihila ang tingin niya pabalik dito.

Bella!" napaigtad siya ng may humawak sa palapulsuhan niya at doon palang siya nabigyan ng pagkakataon na makawala sa seryusong titig ng matanda. Wala sa sariling naibaling niya ang tingin sa tumawag ng pangalan niya at walang iba kundi si Kairo na nakatuon naman ang tingin sa matandang nakatayo sa harap nila.

May hindi ako magandang nakikita  na mangyayari----naibalik niya ang tingin dito, bumilis na naman ang tibok ng puso niya ng muling magtama ang paningin nila ng matanda dahil nakatitig parin ito sa kanya----, hindi ako sigurado kung ikaw nga ang babaeng yun na nakita ko. Kakaiba ang awra na nakikita ko sayo kaya may posibilidad na ikaw yun!"sabi nito habang nakatingin sa kanya.

Pagsasalubong naman ng kilay ang tanging naisagot niya sa matanda dahil hindi niya maunawaan kung ano ang ibig nitong sabihin.

N-nanay, ano po ba ang ibig niyong sabihin----

Hindi naituloy ni Almira ang sasabihin nito ng ito naman ang tingnan ng matanda dahilan para ito naman ang makaramdam ng takot, muling nagsalita ang matanda habang isa-isa silang tinitingnan.

Basta mag-iingat kayo----muli itong tumingin kay Bella bago ipinagpatuloy ang sasabihin pero bago yun dahan-dahang umangat ang kamay nito sa ere at itinuro siya nito----, ipapahamak niya kayo!" sabi ng matanda na siya namang ikinagulat ni Bella pati narin ng mga kasama niya. Dahil sa sinabing yun ng matanda, natuon dito ang atensyon nilang lahat.

Lola Maring!" naagaw ang atensyon nila ng isang babae kaya sabay-sabay nilang naibaling ang tingin dito. Kung titingnan sa itsyura kasing edaran lang din nila ang babae, maganda, maputi. Mabilis ang mga hakbang nito at nakatingin ito sa gawi kung nasaan ang matanda.

Carmela! Kunin mo ang lola mo dito at natatakot ang mga turista!" sabi ng matandang lalaki.

Pasensiya na po tatay Waldo, hindi ko alam na nakalabas na ng bahay ang  lola!" sabi nito habang naglalakad palapit sa lola nito.

Lola bakit po kayo lumabas, sinabi ko naman sa inyo na wag kayong lalabas?!."nag-aalalang sabi nito at hinawakan ang kamay ng matanda.

Lola, wag niyo pong titigan ng ganyan ang mga turista. Ilang beses na po namin kayong sinabihan ni tatay Waldo tungkol dito pero hindi kayo nakikinig----sabay hila sa matanda palayo kay Bella bago tumingin dito----. Pagpasensyahan niyo na ang lola ko, sa mga nasabi niya sa inyo lalo na sayo. May sakit kasi siya kaya hindi niya alam kung ano ang ginagawa  at mga sinasabi niya!" nahihiyang sabi nito.

O-ok lang!" nauutal na sabi ni Bella dahil nakatingin parin sa kanya ang matanda.

Carmela, dalhin mo na sa loob ng bahay ang lola mo dahil baka lalong matakot ang mga turista." sabi ng tinawag ng matandang lalaki na tinawag nitong tatay Waldo.

O-opo tatay----aligagang sabi nito bago tumingin ulit sa kanila----, pasensiya na ulit, sige isasama ko na sa loob ang lola ko." sabi nito bago akay-akay palayo sa kanila ang matanda.

Nang makalayo, doon palang nakahinga ng maluwag si Bella.

Ok kalang?" nag-aalalang tanong ni Kairo na nakatayo sa tabi niya.

Nakangiti naman niyang tinanguan ang lalaki bago nabaling ang tingin nila kay Ivan ng magsalita ito.

That's old woman is weird." birong sabi nito habang nakatingin sa matanda na kasalukuyan ng papasok ng bahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hide and Seek SalvationWhere stories live. Discover now