Chapter 10

276 101 11
                                    

Chapter 10

ROSCOE WAS facing Yrozze at the moment while they're waiting for their orders to be served. Nandito sila sa isang magarang restaurant at nakakagulat na imbes si Roscoe ang magbabayad para sa kanilang mga inorder na pagkain ay si Yrozze na ang gumawa nito. "Woah, its the first time I saw an Yrozze Minrod Capaldi actually paid for the dine! Its a miracle!" Roscoe teased. Yrozze just sighed and looked at him. "I realized something." He said.

"And what would be?" Roscoe asked. "I mean, you always pay every time we purchase something. And even though you don't flaunt it, alam kong napipilitan kalang magbayad kasi nga wala akong pera. And I could always see your face slowly changing into a negative one." Sagot niya.

Dahil dito, biglang tumibok ang kanyang puso. Hindi mawari ni Roscoe kung dahil ba ito sa kanyang rason o dahil sa paano niya hinahawakan ng mabuti ang isang relasyon. Pero na-touch siya sa sinabi ni Yrozze.

It was the first time that Roscoe ever heard those words spoken by a man in front of him. Dati kasi, sa kada meron silang bilhin, either sa mall o sa divisoria o di kaya ay sa mga boutiques or online shopping.

Walang panahon na si Yrozze ang bumabayad. Hindi naman pwedeng umayaw si Roscoe dahil marami naman rin siyang pera. Pero sa mga sinabi ni Yrozze ay pawang katotohanan iyon at nararamdaman niya iyon lagi.

Roscoe just smiled it off. "Ano ka ba, its okay. As long as, I'm with you, as long as ikaw lang yung gumagastos ng pera ko, okay lang talaga." Sagot niya nang nakangiti.

"Kahit na," Yrozze pouted.

Hearing this, Roscoe sighed and reached his cheeks and pinched it.

"Stop being so cute, it doesn't fit your handsome look." Saad nito.

Yrozze pouted more and looked straight at his eye. Just then, both of them heard some complains from the cashier area, accompanied by a giggle and a chuckle. "Tingnan mo sila, napakadiri nilang tingnan! Nakakasakit sa mata." Aniya ng isang babaeng taga-cashier.

That actually stopped Roscoe from pinching Yrozze's cheeks.

But then...

"Ang ganda kaya nilang tingnan. At least sila, they're real, they're true to their relationship. Hindi katulad mo, landi ng landi. Ayan tuloy, iniiwanan ka ng mga boyfriend mo. Ikasampung beses ka nang nagkaboyfriend, pero ikasampung beses ka na ring iniwanan. Huwag ka ngang makialam sa kanila, pa'no pala kapag gwapo yung jowa nung cute na cute na lalaking iyon? Wala ka namang pakialam." Ani nung isang babae na katabi nung babaeng nandiri sa kanilang dalawa.

"Meron! Dahil gwapo yung lalaki! Dapat maganda ang babae! Dapat babae!" Naiinis na sagot niya.

"Hindi mo naman hawak ang isip nila. Hindi mo rin hawak ang puso nila. Hindi karin diyos para pilitin silang maghiwalay. You know, love isn't about between a man and a woman. Sadyang makitid lang talaga yang utak mo kaya ang pagtingin mo sa romantic relationship is only about a man and a woman loving each other. Sino kaya ang nakakadiri, ikaw o sila? Syempre ikaw." Dipensa nung babae.

Nakita ni Roscoe na umalis yung babae sa cashier at naiwan yung babaeng dumipensa kina Yrozze at Roscoe.

Nakita pa ni Roscoe na bumuntong hininga ang babae at napatingin sa kanilang gawi. Hindi rin napansin ni Roscoe na nakahawak pa siya sa isang parte ng pisngi ni Yrozze.

Ngumiti ang babae sa kanya at saka naglakad kung saan.

Nang lumabas ang babae ay pumunta siya sa harapan nila.

chasing the summer heartsWhere stories live. Discover now