Chapter 17

198 85 47
                                    

Chapter 17

3 DAYS PASSED by and Roscoe was still missing. Hindi nila ito mahanap sa kahit anong sulok ng subdivision na kanilang tinitirhan. Hindi nila alam kung saan mahahanap si Roscoe at basta nalang itong naglaho na parang bula. Nagpahanap na sila sa mga police at sa isang dalubhasang detective, pero hanggang ngayon, wala parin silang nababalita mula sa kanila. Wala na sa sarili si Yrozze matapos ang pangyayari. Hindi niya alam ang gagawin.

"Asan ba kasi pwedeng magtago si Kuya Roscoe at hindi natin siya mahanap-hanap?" Namumugtong tanong ni Fairen. Kanina pa siya iyak ng iyak dahil ang favorite and trusted brother-like-bestfriend niya ay nawala.

Takot si Fairen. At gaya nga niya ay gano'n rin ang nararamdaman ni Yrozze sa mga minutong dumaan. "Hindi ko rin alam anak. Matagal na nating kilala si Roscoe. Kahit kailan ay hindi niya tayo niloko. Hindi siya yung uri ng taong nagtatago ng mga bagay. He's very honest and he's always sharing to us, even if that information requires secrecy and security. Kahit na sa mga maliliit na bagay ay nagsasabi talaga siya." Aniya ni Luscious.

Tumango rin si Yrozze, Fairen at Marquessa sa tinuran ni Luscious. Pawang katotohanan ang mga sinasabi niya kaya nagtataka sila kung bakit nawala ng parang bula ang taong lagi nilang minamahal?

Inip na inip na sila sa salas.

Just when Marquessa was about to stand up and head to her bedroom is the time when the main-door suddenly knocked. "Ako na," Ani Luscious at saka tumayo at naglakad papunta sa pintuan.

Marquessa just stilled at her place, still standing, while her eyes was glued on the door and her husband who is walking now towards it.

When Luscious opened the door, the police then appeared right before him, together with the detective. "Chief Superintendent Karrini and Detective Velasquez! Hali kayo, pasok tayo!" Magiliw na bati ni Luscious sa mga bisitang dumating.

Gumanti rin ng ngiti ang mga bisita at pormal na pumasok sa loob ng kanilang pamamahay. Pinaupo ni Fairen ang mga bisita habang dali-dali namang pumunta si Yrozze sa kusina para kumuha ng makakain at maiinom para ihain sa mga dumating.

Nang makaupo ang lahat ay biglang umiba ang ihip ng hangin. The ambiance was full of suspense and hope. They're eagerly waiting for the reason why the police and the detective visited their household-of course, they want to know the report.

"For you to know, we have searched every part of the said hospital for approximately 2 days and a one day to investigate through other means. And then we have found this," Ani Detective Damascus Velasquez at ipinakita ang isang blood test material na nakapaloob sa clear plastic packaging.

"Tiningnan rin namin ang mga cctv cameras ng ospital at isa lang doon ang nag match sa'ming imbestigasyon," Sirit ni Police Superintendent Martinez Karrini at kinuha ang isang cellphone mula sa kanyang bulsa at pinakita sa kanila ang video ng cctv na kuha sa isang camera ng ospital.

Kita sa video ang paglalakad ng isang lalaki na ani mo'y parang may hinahanap. Nakita ng mga nakasaksi ang hawak niyang blood test sa kanyang kamay.

Nang tumingin ang binata sa kaliwang bahagi ng hall sa ospital ay nahagilap nila ang mukha nito.

"Roscoe!!" Yrozze screamed when he saw the man identified in the video as Roscoe Santander. Gulat na gulat siya sa nakita. He vividly remembered that Doctor Vitales actually required Roscoe to have some blood tests prior to the on-going pregnancy test that they were about to conduct.

"Mabuti naman at nakilala niyo agad ang biktima." Pormal na pahayag ni Detective Velasquez. Nanatiling nakatingin sa cellphone video ang mga mata ng mga taong nanonood. Nakita nila na papasok na sana si Roscoe sa isang kubetang nakita niya nang may humablot sa kanya.

chasing the summer heartsWhere stories live. Discover now