KABANATA 1

28 0 0
                                    

Kabanata 1

          HINDI NAMAN mabilang ang kilig ng tatlo kong mga kaibigan ng bigyan ako ng bulaklak ni Mike.

Siya 'yung lalaking nasa kaniya na lahat, guwapo, maganda ang hubog ng katawan, and take note, na humaling pa sa'kin. Ang ganda ko talaga no?

"Best, paamoy nga ako ng bulaklak." hinablot sa'kin ni Zhai 'yung bulaklak na ibinigay sa'kin ni Mike at mabilis nitong inamo'y. Gusto pa yatang isuot sa ilong nito 'yung bulaklak. Hindi nakuntento sa pag-amoy ng hindi dinidikit sa ilong e. "Ang bango, amoy Mike." anito na halos mamatay na sa kilig.

Napairap na lang ako sa hangin. "Sa'yo na lang 'yan, basta akin itong tsokolate." sabi niya.

"Talaga? Akin na lang itong bulaklak?" ulit pa nito na naniniguradong totoo ang narinig. Tumango-tango naman ako.

"Pa'no naman kami, Ange? Anong matatanggap namin?" maktol ni Jasmin.

"Paghati-hatian niyo 'yung bulaklak." sarkastikong sabi ko.

Natawa na lang ako ng gawin nga ng tatlo. Pinag-agawan 'yung bulaklak na ibinigay ni Mike, kaya ang ending, ayun. Nagka-gutaygutay.

Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga at hindi na pinansin ang tatlong nagsisihan pa. Na kesyo kasalanan daw ni Jasmin dahil hinigit nito, na kesyo kasalanan daw ni Zhai dahil pakialamanin.

Haystt.

Natigil lang ang tatlo sa pagtatalo ng dumating na ang guro namin. At iyon, obligado ang tatlong linisin ang mga nagkalat na bulaklak.

Matapos ang nakaka-boring na pagtuturo ng mga guro ay natapos na rin kami.

Sabay-sabay kaming apat na lumabas ng paaralan.

Hindi na ako nagulat ng makita si Kiel sa labas ng school, nakaparada ang pang laban nitong pedicab.

Nagtama ang mga mata naming dalawa, masaya at matamis ang pinukol nitong pagngiti sa'kin.

"Hoy, Ange, ang haba talaga ng buhok mo. Nandiyan na 'yung prince charming mong walang palasyo." sabad ni Zhai na pinag-umpog pa talaga ang balikat naming dalawa.

"Ang guwapo niyang ngumiti no? Para siyang aso." singit naman ni Jasmin dahilan para ikatawa ng lahat.

"Hindi siya aso, panglaban nga 'yung kaguwapuhan niya, hindi sa mr. Pogi huh? Panlaban sa boxing. E, pambugbugan 'yung mukha niya e."

Hagalpakan naman ng tawa ang mga kaibigan ko. Maging ako ay hindi na rin napigilan ang sarili kundi ang tumawa. Pa'no ba naman, sobra-sobrang nakakatawa talaga.

"Lika, lalapitan natin. Papalibre tayo ng soft drinks." pasubong na sabi ni Zhai.

Aawatin kona sana sila pero hindi kona nagawa. Sinundan kona lang sila hanggang malapitan namin si Kiel.

"Hi, Kiel." anang tatlo na pinapasungaw pa ang mga pekeng ngiti.

"Hi," sagot naman ni Micheal/Kiel habang ang tingin ay nasa akin nakatuon.

"Libre mo naman kami ng soft drinks. Nauuhaw na kami e." ani Zhai. "Sige ka, hindi ka sasagutin ni Ange kapag hindi mo kami nilibre.

At dahil sa uto-uto naman itong si Kiel, ay walang nagawa kundi ilibre ang mga may kalog kong kaibigan.

May kalahati ng parte ng katawan kong gustong pigilan sila, dahil 'di ba nga. Pinaghirapan niya ito, tapos igagastos lang sa mga kaibigan ko.

Kung hindi ba naman ito uto-uto. Tatlong taon na ang lumipas ngunit nauuto parin ito ng mga kaibigan ko. Laging panakot ay hindi ko raw siya sasagutin kapag hindi ito nanlibre. Kaya ayun, walang nagawa ang uto-uto kundi ang ilibre ang tatlo.

When The Earth Touches The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon