KABANATA 3

9 0 0
                                    

Kabanata 3

       SAME DAY, SAME LIFE, SAME EVENTS, paulit-ulit lang 'yan nangyayare sa buhay ko. Bakit pa ba ako magtataka?

Lumilipas ang mga araw, ganun parin si Micheal sa'kin tulad ng dati. Malaki parin ang gusto niya sa'kin, at hindi ko alam kung magbabago pa ba 'yon.

Ganun ulit, hatid sundo parin niya ako. Umay na umay na nga ako, kung tutuusin lang. Umay na umay na akong makita ang pangit niyang mukha. Walang bago, paggising kona lang siya parin 'yung nakikita ko. Pati ba naman sa pagtulog ko siya parin 'yung nakikita ko?

Hayst. Binabangungot na siguro ako ng kapangitan niya. Siguro kung guwapo siya, baka masabi kopang isa 'yung fairytale na panaginip, pero dahil nga pangit siya. Hindi iyon fairytale. It's more like, nightmares. Bangungot. Masamang panaginip na hindi kona ipapanalangin na muli ko pang mapanaginipan.

Ayun na nga, sabado ng umaga ng mga araw na gabi ng araw na 'yon. Hindi naman masyadong gabi, siguro mga alas sais palang noon. Puputok na ang gabi anomang oras. Nang pumunta si Michael sa bahay namin.

Wala namang bago, ilang beses na ba siyang pumunta sa bahay namin? Sa loob ng tatlong taon ay hindi kona rin mabilang.

Lakas din ng loob ano?

'Yun na nga, kapag pumupunta siya, siya lang 'yung manliligaw ko na naging magalang sa mga magulang ko.

Babati ito ng magandang gabi, o magandang araw, depende sa araw 'di ba?

Panay din ang pag 'po' at 'opo' niya sa mga magulang ko sa tuwing kinakausap siya ng mga ito.

Ganun pa man, kahit ilang beses magpunta si pangit sa bahay namin, ay agad din namang pinauunlakan ng mga magulang ko.

Not because they want Micheal for me, but because ginagalang ng mga magulang ko na si Micheal ay isa sa mga manliligaw ko.

Hinahayaan din naman ng mga magulang ko na kausapin ko si Kiel, hinahayaan nila na makipagkita ako sa kaniya, na ihatid at sunduin niya ako pagpasok at pag-uwi ko ng bahay. Hinahayaan din ng mga ito na pumunta si Micheal sa bahay namin. Dahil tawala raw ang mga magulang ko na hinding-hindi ko papatulan si Kiel, na siya naman talagang totoo.

Nangako ako sa harapan ng mga magulang ko at sa sarili ko na hinding-hindi ako magkakagusto kay Micheal. Na hinding-hindi ko siya mamahalin, kahit ano pang ipakita niya sa'kin. Kahit ilang corny na banat pa ang i-text niya sa'kin. Kahit mapudpod pa ang mga daliri niya sa pagpapa-abot ng corny pick-up lines. Hinding-hindi ako mahuhulog sa kaniya. Never.

"Tita, Tito, aalis na po ako. Salamat po sa pagpapatuloy ninyo sa'kin." magalang na pamamaaalam ni Micheal.

"Sige, hijo." sagot naman ng mga magulang ko.

Tumingin siya sa'kin at ngumiti. Nairik kona lang ang mga mata ko sa hangin.

"Paalam, Angelica. Bukas ulit." sambit pa niya bago tuluyang lumisan.

Hinayaan kona lang siya na lumabas mag-isa. Siya ang pumunta dito mag-isa kaya siya rin ang dapat lumabas mag-isa. E-e escort ko pa ba siya palabas? Hindi naman siya guwapo.

Matapos niyang makalabas ay pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Nag-prepare na akong matulog, nakakain na rin naman ako.

Ilang minuto pa nakatanggap ako ng mensahe sa cell phone ko.

Out of curiosity, sinuri ko agad ang cell phone ko at tiningnan kong sino ang nag-message.

And as expected, walang iba. At sino pa ba? Kundi ang nag-iisang masugid kong manliligaw. Walang iba kundi ang pinaka-pangit sa buong mundo. Micheal St. Romana.

When The Earth Touches The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon