KABANATA 11

7 0 0
                                    

Kabanata 11

          LUMIPAS ANG MGA ARAW. Ang paglipas ng araw ay naging paglipas ng linggo. Ng linggo at ng ilan pang mga linggo. Nagtataka na ako. Naiinis na ako, nagagalit na ako but at the same time nag-aalala na ako.

Ilang beses ko ng tinawagan si Kiel at ilang beses din akong nagpadala ng mensahe ngunit hindi niya sinasagot. Kahit ni 'Ha' ni 'Ho' ay wala akong natanggap mula sa kaniya.

Clueless ako, kasi naman, ilang linggo na si Kiel walang paramdam. Hindi kona siya nakikita sa labas ng bahay namin tuwing umaga sa pagpasok ko. Wala na rin siya sa labas ng gate ng school tuwing uuwi ako. Walang Kiel na naghatid at walang Kiel na sumundo sa'kin. Walang Kiel na nanlilibre ng pansit. Wala akong Kiel na nakita ng mga nakaraang linggo. As in—wala.

Wala akong ideya kung saan namamalagi si Kiel. Kaya ng minsang isang araw habang papauwi ako sa bahay namin galing sa pagpasok ay nakita ko 'yung lalaking kasamahan ni Kiel sa pamamasada. Si Jayson, isa ring pedicab driver.

"Jayson.." pagtawag ko pang ganiyan.

Lumapit naman sa'kin 'yung pedicab ni Jayson since nakasakay siya doon, kaya maging siya nakalapit na rin sa gawi ko.

"Sasakay ka? Angelica?" tanong sa'kin ni Jayson.

Kilala na rin niya ako, kilala kona rin naman siya. Si Kiel ang dahilan kung bakit kami nagkakilala. Tulad ni Kiel ay mabait din si Jayson.

"Alam mo ba kung nasaan si Kiel? Ilang linggo kona kasi siyang hindi nakikita e." tanong kopang ganiyan matapos ang ilang minutong pag-iisip kung itatanong kopa ba o 'wag na lang. Pero mas nanaig ang pagpapasiyang itanong dito.

Nagulantang ako sa mga sinagot sa'kin ni Jayson. Naramdaman ko 'yung lungkot at awa ng marinig si Jayson.

Sabi ni Jayson, ilang linggo na raw ang lumipas simula raw ng mamatay ang lolo ni Kiel. Hindi daw matanggap ni Kiel 'yung pangyayare sa kaniyang lolo, since ang lolo na lang niya ang nag-iisang natitira nitong tinuturing na pamilya. Kaya labis-labis raw ang lungkot ni Kiel. Ilang linggo na raw si Kiel nasa loob ng bahay nila matapos mailibing ang lolo niya, puro pag-iyak at pag-iinom lang daw ang ginagawa nito. Madalang na rin daw itong kumain since wala na daw itong gana.

'Yung mga natitirang pera ni Kiel ay ginastos niya at binili ng alak imbes na ipambili niya ng pagkain para sa sarili niya. Tanging mga abot-abot na pagkain ng kapit bahay ang bumubuhay kay Kiel. Minsan nga ay hindi pa nito kinakain sa tuwing maiisip ang namayapang pinaka-mamahal nitong Lolo. Ang tindi ng naging pagkalugmok ni Kiel. Down na down si Kiel ng mga panahong iyon. Pakiramdam niya ay wala ng saysay ang buhay niya. Sa puntong gusto na rin niyang sumunod sa mga mahal niya sa buhay na namayapa na.

Sino pa nga ba naman ang taong gustong mabuhay kung wala na ang mga mahal sa buhay nila na nagsisilbing lakas upang bumangon sa umaga? Sino nga bang tao ang gaganahang mabuhay mag-isa? Ano'ng saysay ng pananatiling buhay kung wala kanang dahilan para mabuhay?

Bakit ba naman kasi kinuha pa kay Kiel 'yung nag-iisang pamilya nito? Pinagkaitan pa sa binata na makasama pang matagal ang Lolo.

Nang minsan kong dalawin si Kiel sa bahay nila sakay sa pedicab ni Jayson since malayo 'yung bahay nila sa bahay namin. Magkabilang baryo. Nag-abot nga ako ng bayad kay Jayson ngunit hindi nito tinanggap. Isipin na lang daw na tulong na lang nito ito para kay Kiel.

Pagpasok ko palang sa bahay ni Kiel ay mga nagkalat ng bote ng alak 'yung mga nadatnan ko. Ang dumi-dumi at ang kalat-kalat sa loob ng bahay nila. Parang may ilang bagyo ang nanalasa doon.

Nakita ko si Kiel may hawak ng bote ng alak habang pikit ang mga mata nito. Pilit pinagkakasiya ang sarili nito sa maliit na sofa na gawa sa kahoy. Baluktot na ang katawan nito. Halatang nakatulog sa kalasingan.

When The Earth Touches The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon