KABANATA 2

13 1 0
                                    

Kabanata 2

       HINDI NAMAN sumira si Kiel sa usapan niya at ng mga kaibigan ko. Nanlibre si Kiel at mas piniling gastusin ang perang pinagkitaan nito sa pamamasada ng sasakyan.

Alam kong mahirap ang pamamasada, kaya nakakaramdam ako ng awa para sa kaniya sa tuwing gagastusin niya ang pera niyang pinaghirapan hindi para sa sarili niya, kundi para sa mga kaibigan ko dahil lang tinatokot ng mga ito siya na hindi ko sasagutin kung hindi ito manlilibre.

Sa totoo lang, naiinis—nagagalit ako sa pagiging uto-uto niya, pero wala naman ako sa posisyon para pagbawalan siya. Choice niya naman 'yun e. Tsaka bakit ba ako nakakaramdam ng ganito?

"May pera kapa, Kiel? Libre mo pa ako  ng balat." sabad ni Jasmin habang may nguya-nguya ito.

"Oo nga, libre ka pa maman dyan, Kiel." segunda pa ni Zhai.

"Pasensya na kayo, wala na e. Naubos na." sambit ni Kiel.

Napairap naman sa hangin ang mga kaibigan ko.

"Ganito na lang, kakantahan ka namin, tapos sasayaw ka? Para kay, Ange. Malay mo kapag ginawa mo 'yun sagutin kana ni ng kaibigan kong si Ange." pasubong naman ng kaibigan kong si Melanie, at lahat sila sumang-ayon.

Naiiling na lang ako. At dahil nga mga kaibigan ko sila, partner in-crime ika nga. Ay nakisabay na lang ako sa kanila.

"'Wag na kaya. Nakakahiya." ani Kiel na bahagyang kumakamot pa sa ulo nito.

"Hindi ka nga nahiyang ligawan si, Ange, tapos pagsayaw lang hindi mo magawa? Sige na sayaw na." tudyo ni Jasmin.

At dahil doon. Walang ibang nagawa si Micheal kundi ang sumayaw sa harapan namin. Habang kinakantahan namin siya.

"Sayaw, Kiel, Kiel. Sayaw Kiel, Kiel." sabay-sabay naming pagkanta.

Habang ito naman parang may sira sa ulo, talagang sinabayan ang trip naming mga magkaka-ibigan. Sumayaw ito, at ang pangit nitong mukha ay mas lalo pa nitong pinapapangit.

Sobrang sakit ng tiyan ko at batid kong pati ang mga kaibigan ko. Tawa-tawa ng tawa na animo'y anumang oras ay mamawalan kami ng hangin sa katawan.

"Sige sayaw pa. Sayaw, Kiel, Kiel. Sayaw, Kiel, Kiel." sabi ng kaibigan kong si Jasmin na nag-vi-video na pala.

Hinayaan kona lang ang kaibigan ko at nakikanta na lang din sa kanila.

Parang mababaliw kaming lahat sa katatawa. Sobrang laugh trip makitang sumasayaw ang pinaka-pangit na tao sa mundo, na talagang may lakas pang mas lalong papangitin ang itsura.

Hanggang sa pag-uwi ay hindi parin ko parin mapiligan ang sarili ko sa palihim na pag-tawa. Para gustong sumabog ng puso ko sa labis-labis nakakatawa.

And as usual nga, hatid na naman ako ni Kiel, pabalik sa bahay namin, gamit ang pedicab niyang ipinapasada, upang magka-pera habang iginagastos lang sa mga kaibigan ko.

Nakunot ang noo ko ng mapatigil kami sa isang pansitan. Ito 'yung palagi kong pinupuntahan dahil paborito ko talagang kumain ng pansit. At alam kong alam iyon ni Kiel, dahil ilang beses na niya akong binibigyan ng pansit sa tuwing mapapadaan siya sa bahay ko, o 'di kaya naman ay bibilhan niya ako nito sa tuwing ihahatid na niya ako sa bahay ko.

Napakunot lang ang noo ko kung bakit kami pumara dito, gayong alam kong wala naman siyang pera? Lalo't sabi nito naubos na dahil naibili na nito sa mga kaibigan niya. So..ano pang ginagawa namin dito?

Gusto ko sana siyang tanungin ngunit hindi kona nagawa. Kausap na niya 'yung tindera.

Nakita kong bumili siya ng pansit, at dumukot ng pera sa bulsa niya. Sa napapansin ko'y iyon na siguro ang last na pera niya.

When The Earth Touches The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon