Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Malabo pa rin ang paningin ko kaya wala akong maaninagan. Nakakarinig ako ng mga boses pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. 'Ano ito? Bakit ganito? Nakatulog ba ako?' Pinakiramdaman ko ang sarili, mabigat ang dibdib ko, parang may bumabagabag sa akin. Tila ba'y kakagising ko lang sa isang masamang panaginip. Nanatili lang akong nakikiramdam hanggang sa maalala ko ang lahat.
"Aaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!" sigaw ko kasabay ng pagbalikwas ko ng bangon. Nagsumiksik ako sa gilid. "M-may patay ... m-may b-bangkay, b-babae sa c-cr," pautal-utal kong anas habang nagpupumiglas ako sa humahawak sa akin. May tumatawag sa pangalan ko, pamilyar ang boses pero hindi ko pinansin. Patuloy lang ako sa pagsasalita.
Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapat ng kung ano sa mukha ko. Narindi ako sa sakit. Pero nakatulong ito para matauhan ako. Napatingin ako sa may gawa niyon. Tumambad sa akin ang nagaalala at umiiyak na mukha ng kaibigan ko.
"M-marge?"
Lumiwanag ang mukha niya at parang nakahinga rin ng maluwag. Walang sabi-sabing niyakap niya ako bigla. Gumanti na rin ako ng yakap. May kung ano sa yakap niya na nagpaluha sa akin. At hindi ko na nga napigilan ang sarili kong ilabas ang nararamdaman ko. Walang namutawing salita sa amin. Hinayaan niya lang ako umiyak ng umiyak habang panay ang hagod niya sa likod ko na parang sinasabing magiging okay din ang lahat.
Ilang saglit lang bahagya na siyang lumayo sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan niya ako sa mga mata ko. Ng masiguro niyang kahit papaano'y kumalma na ako, nagsimula na siyang magtanong.
"W-what happened back there, Hira?" she asked in a calculative tone. May pag-aalala pa rin sa mga mata niya pero nakikita ko rin na humihingi siya ng sagot at handa siya sa maririnig niya.
"I-I don't k-know. For a minute I was just re-doing my make-up and the next I was asking for help because I thought I was ..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil baka hindi ako paniwalaan ni Marge. Or worse, she might think I'm crazy.
"You were?" Kunot-noong tanong ng kaibigan ko. Ng maramdaman niya ang pagdadalawang-isip ko, mahigpit niyang hinawakan ang dalawa kong kamay.
Huminga muna ako ng malalim bago ako magpatuloy. "I thought I was h-haunted by ghosts. I saw a body. A dead body of a girl. She's wearing our uniform but it was soaked with blood, her b-blood. S-she's smiling at m-me. I was so scared." I break down into tears again as I remember her eerie face, her creepy voice and her blood in ... in my hands.
"Dead body? How did you know she's dead if she was smiling as you have told?" Tanong ng lalakeng nakasandal sa pader malapit sa kamang inuupuan namin ni Marge. Nakatingin siya ngayon sa ceiling na parang ito ang kausap niya pero naging dahilan naman 'yun para matingnan ko siyang mabuti. He's wearing a fitted jean, simple gray shirt and a leather jacket.
Dahil pinagmamasdan ko siya, hindi agad ako nakaimik para sagutin ang tanong niya. Naging dahilan tuloy ito para tumingin siya sa gawi ko. Agad akong nag-bawi ng tingin ng mahuli niya akong nakatitig sa kaniya.
"I-I just knew she's dead. She's a g-ghost, of course she's dead. What kind of question was that?" I tried to sound like I'm being rational but I knew I was so defensive. But jeez, cut me some slack. Kung siya kaya makaranas ng ganung ka-creepy na pangyayari, hindi siya magiging defensive?
"She's not a ghost, Hira." Agaw ni Marge sa atensyon ko. Huminga ng malalim ang kaibigan ko bago muling magsalita. "Wala na siyang buhay ng matagpuang katabi mo sa CR. S-someone must have killed her."

YOU ARE READING
Desiring Beloved
VampireHis arms tighten around her and his body close in on hers, making her tremble with ecstasy. His lips came down hard upon her mouth, and yes, she let this monster's hands sweep over her, intoxicating and electrifying her senses in a way she had never...