Awkward. There was uncomfortable silence between the two of us. Sa liit ng espasyo ng kotseng ito ni Kha—Pierre eh talagang ramdam na ramdam ko ang pagkailang naming dalawa. Pero sa totoo lang hindi ako naiilang, natatakot at nagtataka ako. Natatakot ako sa katabi ko. Nagtataka naman ako sa inaasta niya.
Kahit nakatutok siya sa daan napansin ko pa rin ang madilim niyang mukha at matalim niyang tingin sa harapan. Parang may gusto siyang patayin doon eh. Sino kaya?
Bilib lang din ako sa kaniya kahit na parang galit siya sa mundo eh hindi naman siya iresponsableng driver. Smooth lang ang pagmamaneho niya pero contrast talaga ang pinapakita niyang mood ngayon. He really is hard to read.
As far as I know, I haven't done anything wrong. Binanggit ko lang naman ang pangalan niya. He didn't quite like his name, ha. Ang ganda naman ng Khallel eh. Pero maganda din naman ang Pierre. Well, everything about him is beautiful. That's a fact!
Halos kalahating oras na kaming bumabyahe pero hanggayong ngayon hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Imposible namang ihatid niya ako kasi iba ang rutang dinadaan namin ngayon tsaka hindi naman niya alam kung saan ang bahay ko. Ang tanong ...
"S-saan tayo pupunta?" I finally asked.
Lumingon lang siya saglit sa gawi ko at tinutok na ulit ang paningin sa daan. "Who knows? But don't worry, I won't do anything to you unless you wished for it." Ngumisi siya habang sinasabi iyon. Unti-unti rin nawala ang pagdidilim ng mukha niya.
What the eff is wrong with this guy? For a moment he's furiously mad and the next he's flirting! Well just what the eff?!!
'Look at the bright side na lang Hira. At least nawawala na ang galit niya, pwede mo na siyang makausap ng maayos.' Iyon nga lang hindi ko pa alam kung saan niya ako dadalhin. Paano na lang kung gawan niya ako ng masama? Anong gagawin ko? Feeling ko pa naman I can't say no to him. Hihi.
Palihim kong kinurot ang sarili ko dahil sa kaharutan ko. Grabe, nahahawa na rin yata ako dito sa kasama ko sa pagiging bipolar. I was freaking scared and mystified back in the arcade and now I'm decisively flirting with this unpredictable guy! Nakakaloka!
Tinutok ko na lang ang paningin ko sa bintana. Sa tingin ko hindi naman kami aalis ng metro, hindi nga lang ako familiar sa dinadaanan namin. Maybe I should just sit back and enjoy. Di naman siguro ako gagawan ng masama ng kasama ko, baka nga ako pa gumawa ng masama sa kaniya. Hehe joke! I really should stop being a flirt worrywart.
Unti-unting bumagal ang pagmamaneho ni Pierre at tuluyan kaming huminto sa isang kilalang bar. Familiar ako sa bar na ito pero hindi naman ako nagagawi dito, masyado kasi akong busy sa pag-aaral ko at wala akong time to spare para sa ganitong bagay. Tsaka I prefer a cozy place, yung tahimik lang. Unlike this kind of bar na wala ka pa nga sa loob eh rinig na rinig mo na ang ingay.
"Pierre, I- uh I'm not into parties that much," I confessed before we go out of the car. Masusi niya akong tiningnan na parang sinusukat ang sinabi ko. Yeah, I know hindi halata sa akin na hindi mahilig sa gimik but that's who I am.
"I don't like parties too. I just need to do something here then I will take you home," paliwanag niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Ayoko kasi sa lalakeng mahilig mag-party, tho ganun ang mga ex ko. Kaya nga major turn off na sa akin ngayon ang gimikerong lalake. Pero ano nga kayang sadya ni Pierre dito?
Clueless man, ngumiti na lang ako. "Alright." Bumaba na kami tuluyan ng sasakyan. And of course, my perfect gentleman opened the door for me. Chivalry is not dead, everyone. Hindi ko tuloy napigilan ang pamumula ng mukha lalo na't pinagtitinginan kami. Madami rin kasing nasa labas ng bar, hindi ko alam kung anong ginagawa nila doon, ang alam ko lang nakuha namin ang atensyon nila. It seems like it's their first time seeing an overly handsome gentleman and an enticing maiden. Char! Ang yabang ko na naman.

YOU ARE READING
Desiring Beloved
VampiroHis arms tighten around her and his body close in on hers, making her tremble with ecstasy. His lips came down hard upon her mouth, and yes, she let this monster's hands sweep over her, intoxicating and electrifying her senses in a way she had never...