Prologue

535 17 9
                                    

PHILIPPINES 1894

Ang kulay-kahel na buwan at ang naggagandahang mga butuin ang tanging matutunghayan sa kalangitan. Napakaganda nga nitong pagmasdan ngunit ayon sa nakararami, ang penomenang ito raw ay isang babala. Tila ba’y nagbabadya ito na may darating na delubyo o sakuna sa isang pook o lugar.

Dahil sa labis na takot at pagkabahala, ang lahat ay nagkulong lang sa kani-kanilang bahay at nagdasal. Iisa lang ang dalangin ng lahat, ang maiadya sila sa kapahamakang hatid ng kulay-kahel na buwan.

Ngunit walang pakialam sa buwan o sa anumang sakuna at delubyo ang isang binatang nakasakay sa kabayo at naglalakbay patungo sa isang masukal na kagubatan. Hindi niya alintana ang katahimikan sa paligid, ni hindi nga niya binigyang pansin ang panganib sa gubat. Wala siyang ibang iniisip kundi ang madadatnan niya sa pupuntuhan. Ang paghahangad na makulong sa bisig ng kaniyang mahal.

Kapansin-pansin ang ngiti sa labi ng binata habang walang-patid pa ring naglalakbay. Ibayong saya ang nararamdaman niya sa gabing ito dahil sa wakas ay wala ng makakahadlang pa sa kanilang pag-iibigan. Ang gabing ito ang simula ng kanilang kalayaan.

Huminto ang kabayong sinasakyan ng lalake sa isang maliit na kubo sa gitna ng kasukalan. Agad siyang bumaba rito at nagmamadaling dumiretso sa pinto ng kubo. Hindi pa man siya nakakatok sa pinto nang bigla iyong bumukas. Tumambad sa kaniya ang babaeng kamisola lang ang kasuotan. Maiksi lang ang kamisola, ni hindi nga ito umabot sa tuhod ng babae. Naaaninag niya ang hubog ng katawan ng dalaga sa manipis na panloob.

Ilang beses ang binata kumurap upang masiguro kung hindi siya pinaglalaruan ng paningin. Sa lamig ng panahon ng gabing iyon, kakatwang pinagpapawisan siya. Tila’y may bumara rin sa kaniyang lalamunan na nagpapahirap sa kaniyang lumunok.

Walang pakundangang tinawid ng dalaga ang distansya nila. Patakbo itong lumapit at mahigpit siyang niyakap. “Usted vino, mi amor. Akala ko’y hindi ka na darating, akala ko’y nagbago na ang iyong isipan.” Pahikbing saad ng dalaga. Nakasandig ang ulo nito sa matipunong dibdib ng binata.

Nahabag naman ang puso niya ng marinig ang pag-alala ng kasintahan. Ginantihan niya rin ito ng mahigpit na yakap. "Perdón por llegar tarde. Hinintay ko pa ang paglalim ng gabi upang walang makasaksi sa aking pag-alis. Batid mo namang mahigpit akong pinamamatyagan ni Visconde sa kaniyang mga tauhan, lalo pa ngayong ika’y tumakas sa kaniyang tahanan. Sinugurado ko munang hindi nila ako masusundan rito.”

“Patawad kung nabahala ka. Pero huwag ka sanang mag-iisip na magbabago ang aking desisyon. Hinding-hindi iyon mangyayari, mahal ko. Bukas na bukas rin ay aalis na tayo sa bansa. Ilalayo na kita sa iyong hayop na asawa at magsisimula tayo ng panibagong buhay.” Pangako ng binata.

Umangat ang mukha ng dalaga at tinitigan sa mga mata ang yakap-yakap na binata. Ngumiti ito ng makita ang determinasyon sa mukha ng lalake. “Tara na’t pumasok sa loob, mahal ko. Malamig rito sa labas, maari tayong abutin ng sakit kapag nagtagal pa tayo rito.” Bumaklas sa pagkakayakap ang dalaga ngunit agad rin niyang hinawakan ang kamay ng binata at hinila sa loob ng kubo.

Muli na namang nabagabag ang damdamin ng binata ng mapansin ang kasuotan ng sinisinta. Hakab na hakab rito ang manipis na panloob kaya’t wala na rin itong itinago sa kaniyang paningin.

“Bakit ganiyan ang iyong suot? Nasaan ang iyong damit?” Nag-aalangan niyang tanong. Bahagya pang namula ang kaniyang pisngi. Madali siyang nag-iwas ng tingin bago pa siya mahuli nitong nakatitig.

“May masama ba sa aking kasuotan?” Inosente nitong tanong at muling humarap sa kaniya. Parang wala itong ideya sa epekto niyon sa binata.

Desiring BelovedWhere stories live. Discover now