JHOANA
Jho, nakakkatawang isipin pero gusto kong makitang binabasa mo itong mga sulat ko sa'yo pero wala akong lakas ng loob para maibigay ito sa'yo. Nga pala, ang ganda ganda mo ngayon, hindi ko aakalain na makakasalubong kita. Hindi ako dumaan sa lagi kong dinadaanan para makaiwas sa mga nambubully saakin dahil ayaw kong isipin mong lagi ko itong ginagawa para maipagtanggol ako at makuha ang atensyon mo pero ikaw naman ngayon ang nakasalubong ko. Ikaw pa nga ang kumuha ng salamin kong nahulog pala ng magtama ang katawan nating dalawa.Bakas sa mukha mo ang pag-aalala saakin pero nagmadali akong kunin sa'yo ang salamin ko. Tinanong mo pa ako kung ayos lang ako ngunit tanging tango lamang ang aking naisagot.
Nabigla ako sa ginawa mo dahil bigla mo akong tinulak kaya natumba ako at napaupo sa sahig, hindi naman ako nasaktan,pero nalungkot ako. Biglang dumating ang mga kaibigan mong bully. Dahil ba sakanila? Kaya mo iyon ginawa? Naglakad na kayo palayo pero tumingin ka ulit saakin na may pag-aalala. Are you feel sorry?
-Bea
Happy Birthday to Jhoana's other half, May you have more birthdays to come! 🖤🎉