Jhoana-5

226 5 1
                                    

JHOANA,

     
Hindi ko alam kung ipinaglihi ka ba sa kabute dahil bigla bigla ka nalang sumusulpot kung saan saan sa tuwing nabubully ako. Siguro napapagod kanang nakikitang nabubully ako at hindi ako lumalaban.

Pero ngayon ay iba. You asked me. No more on you ordered me to come with you in one of the smoothie parlors nearby the school.

Natawa ako ng makitang kumislap ang mga mata mo ng dumating ang order natin. Pero teka? Bakit namamaga ang mga mata mo? Umiyak kaba? Bakit? Sino ang nagpaiyak sa'yo? Nabigla ako ng sabihin mong ang tagal tagal mo nang hindi kumakain ng smoothie. How I wish I can always treat you a smoothie.

Hindi ko nalang inisip pa ito at kinausap ka. Sobrang saya mo habang nagkkwento  saakin, I love how your smile flashed on your face. You're so... Pretty.

Hindi ako nakapag salita ng sabihan mo akong alisin ang aking salamin kaya sinunod ko ang utos mo, siguro sa pamamagitan ng pagsunod ko sa'yo ay makapagpasalamat ako sa kabutihang ginagawa mo. Pakiramdam ko'y namula ako ng makita ang reaksyon mo ng alisin ko ang aking salamin.

Natawa ka sa reaksyon ko ng sabihan mo akong maganda. Alam kong namula ang aking mga tainga dahil doon.

Fuck! You always made me feelthis way.

I want you to know that it was the best day of my life so far.

                                                 -Bea

JhoanaWhere stories live. Discover now