Pinunasan ni Jho ang kanyang mga luha habang binabasa ang mga sulat. Hindi siya makapaniwala na tinapos nga ni Bea ang kanyang buhay.
"H-hindi, Hindi" nanlalambot siya dahil sa sakit na nararamdaman.
Sobrang galit siya sa sarili niya. Siguro ay kung nagpakita lang siya ng linggong iyon ay hindi mawawala si Bea.
"B-Bea... I-.." niyakap niya ang mga sulat ni Bea.
Naging usap usapan ang pagpapakamatay ni Bea sakanilang paaralan, ang pinsan niyang si Audrey ang nagsabi sakanya dito. Gustong gusto niyang makita si Bea, miss na miss niya na din ito pero hindi niya ito pwedeng kitain. At ngayon wala na ito, pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya. Pakiramdam niya ay para na rin siyang pinatay. She's broken. She lost her chance.
Nang malaman niya ang nangyari, humingi siya ng tulong sa kanyang ina, isa ang kanyang ina sa mga stockholder ng kanilang paaralan, hiningi niya ang tulong nito na ipatigil ang pangbubully kay Bea. Si Jhoana ay isa ring bully, noon pero nagbago ang lahat mula ng makilala niya si Bea. Umalis siya sakanyang mga bully na kagrupo dahil mas pinili niya ang maging mabuti ,at alam niya naman na fame lang naman ang nais ng mga ito sakanya.
Ang tatay ni Bea ang unang nakakita sakanya na duguan ang dalawang pulsuhan habang nakabitay ito sakanyang kama, he was guilty, inamin niya sa mga pulis ang kanyang mga ginawa. Gustong patayin ni Jho ang tatay ni Bea ng malaman ito kay Audrey. Si Audrey ang nagbigay sakanya ng mga sulat dahil may pangalan ito niya ito, ang tatay nito at ang pulis na nagiimbestiga sa kaso ni Bea ang nagbigay kay Audrey ng mga sulat at ibinigay niya lang ito kay Jho.
"Jhoana anak, tahan na. Alam mong masama yan sa kalusugan mo" sabi ng kanyang ina at hinapls ang ulo niyang walang buhok. Tinulungan siya niyong humiga sa hospital bed para makapagpahinga.
"Pahinga ka anak. It's okay, kung nasaan man si Bea ngayon, alam ko masaya na siya"Binigyan lang ni Jho ng simpleng tango ang kanyang ina.
"Hindi ko man lang nasabi sa'yong gusto din kita" bulong ni Jho habang mahinang umiiyak.
Her eyelids became heavy, her arms weakened as her breathe became heavy too, she tried not to let go of the letters. She hugged it tight and slowly closed her eyes as the cardiac monitor beeps.
THE END.