"Manyak na Multo" (Part 1)

645 8 0
                                    


Nakangiti kong dinidiligan ang mga alaga kong halaman sa harap ng bahay ko. Pagkatapos kong diligan ang mga halaman ay tumingin ako sa paligid, pinakiramdaman ang simoy ng hangin, at pinakinggan ang huni ng mga ibon, "Ah... ang ganda ng araw." Pabalik na ako sa loob ng bahay nang may bumato sa likod ko. Humarap ako rito at walang nakitang tao sa paligid. Napapikit ako sa inis, "Kapag hindi ka lumabas sa pinagtataguan mo, mawawala ka na sa mundong 'to."

Agad naman siyang nagpakita sa'kin. Tumingin muna ako sa paligid bago lumapit sa kanya, "Hindi ka pa rin ba aalis sa lugar na 'to?" tanong ko. Tatlong linggo na siyang namamalagi dito.

Umiling siya, "Wala akong mapuntahang ibang lugar eh tsaka ikaw lang ang nakakausap kong tao."

Napapikit ulit ako sa inis, "Hindi ako nag-iisa sa mundong ito na nakakakita ng mga multo. Kaya pwede ba, umalis ka na lalo na't lagi kang nasa harapan ng bahay ko. Naiinis ako." Yeah right, I can see and talk to ghosts.

Nakita ko ang pag-ungos ng labi nito. Goodness! Bakit ba ang kulit ng multong 'to?

"Aminin mo nga, may gusto ka ba sa'kin?" tanong ko.

Agad namang nandiri ang mukha nito, "Are you insane? Pareho tayong lalaki—"

"Eh bakit dikit ka ng dikit sa'kin?" may diin kong tanong.

Napatingin siya sa baba, "Eh kasi nga ikaw lang ang kilalang taong nakakausap ko."

Aish. This damn ghost.

"Fine. Stay here if you want to, pero huwag na huwag kang laging didikit sa'kin at huwag na huwag mo 'kong kakausapin kapag may taong nakapaligid sa'kin. Naiintindihan mo?" Tumango naman agad siya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at pumasok na sa loob ng bahay. Naligo at nagbihis ako. Tiningnan ko ang orasan. Hindi naman ako late sa first class ko. "Okay, it's time to study." Sumakay ako ng tricycle papuntang paaralan.

Tumigil ako sa paglalakad sa harapan ng gate. This is my very first school in college. Yeah, obviously I'm 1st year college student. Huminga ako ng malalim. "I hope there's no ghost in this school," sabi ko at pumasok na sa loob at hinanap ang gaganapan ng school orientation program.

Madami ng tao sa loob. Goodness, mahirap pa naman makilala ang mga multo sa maraming tao. Baka mamaya, yung kinakausap ko na pala eh multo. Baka mapagkamalan akong baliw rito, kaya kailangan kong mag-ingat at pakiramdam ang buong paligid ko.
Umupo na ako dahil malapit ng magsimula ang program. Napatingin ako sa tabi ko dahil ang likot-likot nito. Laking-gulat ko ng malamang multo pala ang katabi ko. Masaya itong nakatingin sa lalaking katabi niya sa kaliwa. Kung makatingin ito ay parang pinagnanasaan ang katabi niya. Umayos ako ng upo at tinuon na lang ang atensyon sa harapan dahil nagsasalita na ang principal. Kinuha ko ang bote na laman ay tubig sa bag ko pero laking gulat ko nang magtama ang mga mata namin ng multong katabi ko. Goodness gracious! Muntik na akong atakihin sa puso. Okay, kalma lang Blake. Hindi ka dapat magpahalatang nakikita mo siya. Uminom ako ng tubig at nagkunwaring hindi siya nakikita.

"I thought he saw me. Maybe nagulat lang siya sa katabi kong sobrang pogi. Pero, wait wait. Hindi naman siguro siya bakla para magulat sa kagwapohan ng lalaking katabi ko, no? Hindi pwede! Sobrang gwapo niya para maging bakla. Kyahhh!"

Goodness! Ang daldal naman ng multong 'to! Kailan ba matatapos ang program na 'to? Baka masira tainga ko dahil sa babaeng multong katabi ko.

Nanlaki na naman ang mga mata ko nang maramdaman ang kamay ng multong katabi ko sa tiyan ko. Fuck! Is she insane?!

"Gosh. Six pack abs! Amazing!"

Sunod nitong hinawakan ang braso ko.

"Ang tigas, gosh. So manly! Bet kita!"

Manyak na MultoWhere stories live. Discover now