"Manyak na Multo:THE JUSTICE SHE DESERVE(Part 4)

112 2 0
                                    

"Where is she? Okay lang kaya siya?"

Malamang hindi, Blake! Bobo ka ba? Sobrang nakakagulat kaya yung nalaman niya...

Kanina ko pa nililibot ang buong paaralan pero hindi ko siya makita. Nasaan na kaya yun? Tiningnan ko ang hawak na notebook. Sinulat ko ang address ng lugar at bahay ng mga magulang ni Aliyah. Ngayong araw ko balak puntahan ang pamilya niya.

Naglakad ako ulit at napapad sa loob ng library. At nagulat ako nang makita ko siya, nakatingin ito sa kawalan. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanya. Napatingin ito sa akin nang umupo ako sa tabi niya. Inilabas ko ang ballpen ko at may sinulat sa notebook at pinakita sa kanya.

‘I found your family's address. Should we go now?’

Tiningnan niya ako sa mga mata nang matapos basahin kung anong nakasulat sa notebook.

Nagsulat ulit ako.

‘If you don't feel you want to go, maybe we should go there another day’

Seryoso itong nag-isip pagkatapos ay tumayo. "I should go see my mom and sister." She said.

Yeah right, because I know you miss them.

Sumakay kami ng bus papunta sa address ng bahay ng pamilya ni Aliyah. Malayo kasi kaya kailangan sumakay ng bus. Nang tumigil ang bus, sumakay naman kami ng tricycle dahil papasok ang lugar kung saan nakatira ang pamilya ni Aliyah.

Tumingin ako sa labas nang madaanan namin ang dating paaralan na pinapasukan ko noong high school, hanggang grade 11 lang ako sa paaralang 'yan—no, hindi pala ako nakapagtapos ng grade 11 diyan dahil trinansfer ako ng uncle ko sa ibang paaralan because of some reason.

_____

Tumingin ako sa katabi ko, "Ready?" I asked. Nasa harapan na kami ng bahay ng pamilya niya.

Huminga siya ng malalim bago tumango bilang sagot.

Pinindot ko ang doorbell ng ikalawang beses. Ilang segundo ang lumipas at may nagbukas ng gate. Nanlaki ang mga mata nang makilala ang taong nagbukas.

"Ate Alice?"
"Blake?" sabay naming bigkas.

"You know my sister?" Aliyah asked. Hindi ko pinansin ang tanong niya dahil gulat na gulat din ako.

"What are doing here, Blake? Teka, pasok ka muna," ani Ate Alice. Pumasok naman ako, pinatuloy niya ako sa loob ng kanilang bahay at binigyan ng maiinom.

Umupo siya sa upuang kaharap ko, "Kamusta ka na, Blake?" tanong niya.

Ngumiti ako, "Okay naman ho ako. Kayo, kamusta?"

She smiled, tipid na ngiti. "After what happened, i am proud to say that I can smile now but... I'm not happy at all. Sunod-sunod na pangyayari ang hindi ko inasahan 6 years ago..." At doon ko nakita ang malungkot na mga mata ni ate Alice.

"I'm sorry dahil wala ako sa tabi mo noong marami kang pinagdadaanan, ate Alice... Siguro nagalit si kuya Brian sa'kin noong hindi kita pinuntahan sa araw ng masasamang nangyari sa buhay mo," malungkot kong ani.

Si ate Alice ay ex-girlfriend ng kuya kong pumanaw 6 years ago. I didn't know why they broke up but I know how much ate Alice love my kuya.

"Don't be sorry, alam kong mahirap din sa'yo ang pagkawala ng kuya mo," aniya.

"Nga pala, anong pinunta mo rito?" tanong niya.

Paano ko ba eexplain sa kanya na nandito ako dahil kay Aliyah? Tumingin ako sa paligid at napa-pokus ang tingin sa isang picture frame. Apat na babae. May dalawang pareho ang mukha...teka—

Manyak na MultoWhere stories live. Discover now