- CHAPTER IV -

2 0 0
                                    

"Aris may nag doorbell na" sigaw ni manang na nasa kusina.

Agad namang tumayo si Aris at tumakbo papuntang pinto.

"Eloise, tuloy ka" masayang pag sasabi nito.

Agad namang huminto sa harap ko yung dalawa at bumaba yung tingin ko sakanila patungo sa mga kamay nilang mag kahawak.

"Hello, Eloise nga pala" masayang pag bati naman nito sakin.

"Hi, pinsan ni Aris, Eve" nakangiting pag bati ko din dito.

"Pwede ba kong' umupo sa tabi mo?" Tanong nito.

"Sure, di' ko naman bahay to', your his girlfriend?" Tanong ko dito.

"Uhm-" napigilan ito sa pag sasalita ng biglang sumingit si Aris. "Best friend." Sagot nito.

Tumango nalang ako.

Tingin ko kasi nag sisinungaling siya e.

Halata namang may gusto si Eloise sa kanya.

Ayaw pang umamin.

"Kumain ka na ba?" I asked habang hinihiwa yung steak na ulam namin.

"Ah, I'm fine, nagulat lang talaga ako ng bigla akong iinvite dito ni Aris." Sagot nan nito na agad ko namang sinagot ng tango.

Habang kumakain kami napansin kong walang ginagawa si Eloise kung hindi ang tumingin lang sa paligid.

"Gusto mo bang manood ng tv?" Tanong ko.

"Pwede din, salamat sa pag alok" sagot naman nito.

Agad namang tumayo si Aris sa kinauupuan nito at sinamahan si Eloise patungong sala para nga malibang naman ito.

Pag balik ni Aris ay agad niya namang dinampot ang steak niya na hindi pa nga kalahati.

"Tapos na ako." Pagamadaling pag sasabi nito.

Pag lapag niya ng mga pinag hugasan niya sa lababo ay dali dali itong tumakbo papuntang sala.

Napalingon nalang ako dito at bumalik sa pag kain.

Siguro napansin nila manang na kumakain ako mag isa kaya sumabay nalang sila.

I admit! I really hate being alone. Kaya nga ako nandito para mag karon ng kasama para di' ako mag isa.

Pero.

Bakit parang mag isa parin ako?

Paakyat na sana ako ng bigla naman akong tawagin ni Aris.

"Couz, tara uno." Alok nito sakin.

Ayaw ko namang mag mukhang isnob kaya I joined.

Pag lapit ko dun ay agad naman akong hinila paupo ni Aris.

"Dito ka sa tabi ko." Sabi naman nito.

Umusog naman ako. Mamaya anong isipin ng gf niya or ano pa naman niya si Eloise.

"Game na, si unang mag bababa?" Tanong ni Aris.

"Ak-" sasagot na sana ako ng bigla namang sumingit si Aris.

"Ikaw nalang Eloise." He happily said.

"Ah, si Eve nalang, mukhang gusto naman niyang mauna." Sagot nito.

"Ikaw na, sunod nalang ako sayo."  Mahinang sagot ko naman dito.

Nag baba naman siya and blue na reverse card yung binaba niya.

Kaya imbis na ako ang sumunod sakanya ay si Aris.

At nag baba naman si Aris ng block.

Nag baba naman si Eloise ng 4 at nag baba ulit si Aris ng block.

Nag baba naman si Eloise ng changed color and red ang napili niya.

Nag baba naman ng reverse card si Aris at nag baba si Eloise ng block card.

Sila patapos na habang ako... 10 parin yung cards.

Nag patuloy naman yung pag lalaro namin.

Natalo kaming dalawa ni Eloise.

"Pitik ka sakin" mapang asar na pag sasabi ni Aris.

Napatakip naman si Elpise sa nuo niya.

Pinanood ko lang silang dalawang mag lokohan.

Ang tagal nga e.

Ang gentle nung pag pitik niya sa nuo ni Eloise.

"Ikaw naman, couz." Agad naman siyang tumapat sakin at walang pasabing pinitik ang nuo ko.

Hindi nalang ako nag salita at napahawak sa nuo ko.

"Marami pa akong gagawin, kayo nalang." Dali dali akong tumayo at umakyat para pumunta sa kwarto ko.

Aaminin ko, nagalit ako.

Nagalit ako dahil hindi niya manlang inisip na babae din ako.

Na kailangan niya ding maging gentle sakin.

Hindi lang kay Eloise, hindi lang naman kasi siya yung babae, e'.

Tumingin ako sa salamin at tiningnan ko yung pitik niya sakin.

Sobrang pula nung nuo ko.

Nasobrahan kasi masyado yung exciment niya na pati ako di' niya na napansin, hindi niya na naalalang maging gentle sakin.

I understand naman na may gusto siya kay Eloise and I'm happy for them.

Nag utos nalang ako kay manang na mag pakuha ng ice pack or kahit ano para Malessen lang yung pamumula nung nuo ko.

Nag akyat naman si manang ng ice pack.

Mga 10 pm narinig kong nag paalam ng umuwi si Eloise.

Pero narinig ko din na pinigilan siya ni Aris at sinabihan na umakyat sa taas.

Akala ko tapos na silang mag usap kaya lumabas na ako para kumuha ulit ng yelo at ilagay sa ice pack.

Napadaan naman ako sa kwarto ni Aris naka bukas ito ng kaunti.

Narinig kong nag uusap sila tungkol sa bracelet.

Kaya sumilip ako kaunti para makita kung anong itsura ng bracelet.

"Maganda? What do you think?" Nakangiting pag tatanong ni Aris.

"It's wonderful, you should give it to the person you truly love." Sagot naman ni Eloise.

"That's why....I'm giving it to you" lumapit siya kay Eloise at isinuot yung bracelet.

"What do you mean?" Nag tatakang tanong ni Eloise.

"Eloise... Since we we're kids, gusto na kita, don't worry I'll wait... You don't have to feel pressured... I can wait" sabi nito sabay kuha ng kamay ni Eloise.

"Aris...I'm glad that you're willing to wait for me... And don't worry I won't let you down, we just have to wait for the right time... We just have to be in legal age before rush everything." Sagot naman ni Eloise bago lumapit at hawakan ang mulha ni Aris.

"O, Eve, anong ginagawa mo jan?" Sigaw naman ni Ate Sienna.

"Kukuha lang ako ng ic-" naputol ito ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Aris.

"Eve, ate Z, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Aris.

"Kukuha lang ako ng ice para dito..." Sagot ko.

Agad namang umangat ang mga tingin nito sa ice pack na hawak ko patungo sa nuo ko.

"Napalak-" agad akong sumingit para di' na niya matuloy ang sasabihin niya.

"Kukuha na ako, mamaya nalang" sagot ko naman at agad na nag madaling bumaba.

Sumunod nadin saki sila Eloise at Aris pababa.

At nag paalam na naaalis.

Well I'm happy for them especially for Aris. Pinsan ko yun e.






















Forbidden love (Love In Baguio) Where stories live. Discover now