- CHAPTER V -

2 0 0
                                    

Pag akyat ko ay nag linis na muna ako ng katawan at nag ready na para matulog.

Tinamad ako bigla mag sulat ng novel kays baka bukas nalang ako mag sulat ulit ng chapter.

Habang nakahiga ako ay biglang may nag bukas ng ilaw ko.

"Ang sakit sa mata, shit." Inis na sabi ko habang nakatakip sa mga mata ko dahil nga nasisilaw ako.

"Hi couz, about dun sa kanina... Sorry for being so harsh to you... Hindi ko napansin masyado akong nag enjoy... And hindi ko namalayang napalakas yung pag kapitik ko sa nuo mo, sorry for being unaware..." Sunod-sunod na pag sasabi nito.

"Ayos lang, di' mo naman ata sinadya... Di naman masyadong masakit e." Sagot ko naman.

"I wanna make it up to you... Gusto kong bumawi... Gusto mong lumabas at mag ikot-ikot? Ililibre din kita ng ice cream..." Nakangiting oag bati nito sakin.

"Okay, then" sagot ko sabay tayo at kuha ng cellphone ko.

"Ganyan lang suot mo?" Tanong nito.

Napatingin naman ako sa sarili ko sa salamin.

"Ayos naman ah" sagot ko.

"Ayos? your wearing a sando and super ikli na short." Pakikipag argue naman nito.

"Wait here." Maikling pag sasabi nito.

Tinitigan ko lang ang sarili ko sa salamin at nag intay na bumalik siya.

"Wear this... " sabi nito sabay abot ng hoodie niya sakin.

"Para san' naman to'?" Tanong ko dito at ibinuklat ang malaking hoodie.

"Suotin mo." Sabi nito habang nakatingin sa phone niya.

"Ipapatong ko nalang. Ang luwang naman nito." Reklamo ko.

"Okay nayan, mahalaga may maisuot ka." Sabi nito.

"Anong nilalaro mo?" Tanong ko naman dito.

"Codm..." Sagot nito.

Tumango nalang ako dito.

"Tara na" sabi nito sabay lagay ng phone niya sa bulsa ng pajama niya.

"Bakit ikaw... Naka sando ka nga lang din e." Reklamo ko dito habang nag lalakad kami palabas ng building.

"Lalaki ako, babae ka, mag kaiba tayo... Walang mawawala sakin... Sayo meron so better be careful, couz" sagot naman nito sabay akbay sakin.

"Nye-nye." Sagot ko, wala na naman kasi akong maikokontra sakanya... He always win.

"Wala ka ng masagot no'? Lagi ka namang talo pag dating sa mga argument e." Pang aasar nito.

"Tae mo!" Sugaw ko sabay siko sa tyan niya.

"Tingnan mo sa sobrang pikon mo nananakit ka na." Pahabol pa nito.

"Akala ko ba babawi ka! Ganto na ba way mo ng pag bawi pag nakakasakit ka? Pang aasar?" Tanong ko dito.

"Well, minsan... Ang sarap mo kasing pikunin... Ang cute mo" sabi nito at bahagyang natawa.

"Di' wow, tae mo dilaw." Sagot ko dito, lakas mambola e.

"Wow, may tae palang yellow? Astig ah? Anong kinain nun food coloring?" Pang sasarcasm nito.

"Oo, bat' di' mo itry? Para maospital ka." Pamimilosopo ko dito.

Malakas naman itong natawa. "Magaling ka ring mang asar ah? Kanino mo po namana yan master?" tanong nito na mapang asar parin ang tono.

"Tanong mo sa pagong" pang aasar ko pa.

"Gago" natatawang pag sasabi nito.

Nag ikot ikot nalang kami dun at ipinasyal niya ako.

"Gusto mo mag swing?" Tanong nito.

Agad naman akong tumango.

"Ay... Nakalock" sabi ko ng pag lapit namin dun.

"Lock, lock pang nalalaman kahit bata kayang akyatin tong bakod nila e." Sagot ni Aris.

"Gago, anong iniisip mo? Aakyatin natin?" Tanong ko.

"Sinong nag sabing aakyatin? Hahakbangan lang, tanga." Sagot naman nito.

Dahil totoo naman hahakbangin nga lang namin dahil nga hanggang bewang ko lang naman ano pa kaya sakanya na 6'0 diba?

Ako nga 5'7 lang e.

"Pero bago tayo mag swing bili muna tayo makakain." Sabay hila sa hood ng suot kong hoodie.

"Tara." Mabagal na pag lalakad nito habang naka hawak padin sa hood ko.

"Bilisan mo mag lakad." Reklamo ang bagal-bagal kasi.

"Malapit na tayo." Sagot naman nito.

Di' nalang ako umimik ulit at nag lakad nalang.

Pag dating namin dun ay kumuha na ng basket si Aris.

"Tara na." Hawak parin niya ang hood ko.

"Tama na kasi kakahila." Reklamo ko.

"Shh... Wag pasaway!" Sagot naman nito.

Ng tumapat kami sa ice cream section ay nag katinginan nalang kami at napangiti.

"Anong fave kong ice cream flavor?" Sabay naming oag tatanong sa isa't isa.

"Sabay tayo" aya ko sakanya.

"1...2...3..." Bilang namin.

"Vanilla!" Sabay naming pag sasabi, natawa nalang kami dahil tanda padin namin ang fave flavor namin.

Namili lang naman kami ng kaunting snacks at tig isang ice cream.

Pag tapos nun ay bumalik na kami sa palaruan na balak naming tambayan.

"Humakbang ka na." Sabi nito.

"Mamaya ma-out balance ako may dala pa naman akong ice cream." Sabi ko.

"Hawak ka sa braso ko." Sabi nito na agad ko namang ginawa.

Nakahakbang naman kami.

"Tingin tingin ka sa paligid... Di' kasi pwede dito mga tao pag gantong oras e. Kaya may guard na nag iikot." Sabi nito agad naman akong tumango habang kumakain.

"Ang ganda nung buwan!" Sigaw ko.

"Oo nga.." Pag sang-ayon naman nito.

"Buti dala ko phone ko." Kinuhaan ko naman ng litrato yung buwan.

Habang kumukuha ako ng litrato ay agad naman akong hinila ni Aris.

"Yung guard. Yuko ka lang." Agad naman akong tumango sa sinabi niya.

"Dun tayo sa taas may mga harang yun kaya hindi tayo kita dun." Sabi nito kaya sumunod nalang ako sakanya at umakyat dun sa may treehouse na kasya siguro ang mga 2-4 na bata medyo mataas yung punong aakyatin namin.

Buti naman at di' kami nahuli nung guard.

"Kita parin pala yung buwan dito." Nakangiting pag sasabi ko.

Sumandal nalang ito at nag tumingin sa ulap. "Ang ganda mo, luna." Mahinang pag sasabi nito agad naman akong napatingin sa direksyon niya.

Medyo malapit yung buwan kaya malaki at maliwanag ito.

Nag rereflect naman sa mukha niya yung liwanag nung buwan kaya mas lalong lumabas yung kagwapuhan niya.

I can't deny... Type ko siya... And I think kaya ako naiinis kung bakit iba yung trato niya sakin at sa taong gusto niya ay dahil nag seselos ako.

Pero hindi pwede... Kaya pipigilan ko hanggat kaya ko.

Pipigilan kong mahalin at gustuhin ang pinsan ko.

Hindi ko dapat nararamdaman to.

Hindi ko siya pwedeng mahalin ng higit sa naiisip ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forbidden love (Love In Baguio) Where stories live. Discover now