SOH:2

5 0 0
                                    

Andito kami ni Kelly sa coffee shop ng ate niya, and sympre nagbabasa kaming dalawa. Friday ngayon at wala kaming schedule na dalawa.

"Ang borring naman... mag mall kaya muna tayo?" aya sa akin ni Kelly

"Ano naman ang gagawin natin don? wala akong bibilhin ikaw nalang.. may tinatapos pa akong libro eh" sagot ko sa kaniya

"Alam mo? ang borring mo na masyado po , kaya hindi ka pa nagkaka boyfriend eh. Ang ganda-ganda mo tapos hay nako... 4th year na tayo let's give ourselves some time naman" sabi niya sabay tabi sa akin.

"Alam mo Tori may point namn si Kelly, pero hindi dun sa part na boyfriend boyfriend" sabi ni ate Clary ng mapa daan sya sa amin..

"Ate alam mo? pareha talaga kayong dalawa ni Tori eh.. tatanda talaga kayong dalaga niyan" kontra ni Kelly sa ate niya

"May point namin si ate CLary eh, and having a jowa is not my priority no..." sagot ko namn sa kaniya sabay inom sa Hot chocolate ko, hindi kasi ako umi-inom ng coffee kasi I believe na nakakabobo yun.

"Ewan ko sa inyo..Tara na Tori, hwag na umangal" sabi ni Kelly sabay hila sa akin papasok sa kotse niya

"Need natin ng pamper.."sabi niya ng maka pasok siya ng kotse

"Pamper? may time kapa talaga dyan ha.." inis kong sabi sa kniya at sinuot nalang yong seatbealt. Nang dahil sa kaniya hindi ko nanamn natapos yong binabasa ko.

Hindi nag tagal naka rating na din kami sa mall. And guess what? subrang dami ng tao ngayon.

"Ang daming tao" sabi ko pagkapasok naming dalawa

"Ay.. edi sana nirent mo nlang yong buong mall HAHAH" natatawang sabi ng katabi ko

"Salon muna tayo, Gora na" excited niyang sabi saka ako hinila ulit, hindi ako inform na mahalig pala tong manghila ah!

"Ibahin natin yong hairstyle natin" aya niya sa akin at namili na sya ng gusto niyang style.

"Ikaw nalalng, wala akong balak ibahin yong hairstyle ko" sabi ko at namili ako ng magazine na pwedeng basahin.

"Napaka mo talaga, palitan na antin 2 months na yang hair mo eh" insist niya sa akin

"Ayoko nga, baka masira pa tong buhok ko eh" eh pano ba namn isinama niya din ako dati dito sa salon, at ang akala ko sasamahan ko lang siya... Yun pala pati ako ..

Last time nag pa curl kaming dalawa ng lashes, nagpa facial.. basta ang dami nun full package na ata eh may pa nails pa nga

"Hello? gora na ikaw na mauna.. and I will decide kaya sit na doon" sabi niya sabay hila sa akin at pina-upo dito sa may chair.

"What style do you prefer ma'am?" tanong sa akin nong hairdresser

"I'll choose, sguro this one..i wavy lang natin and pa highlight lang natin nitong color nato" sabi ni Kelly don sa hairdresser.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AFTER HOW MANY HOURS.... natapos na din lahat.. As in lahat.....

"Diba? ang pretty natin..." tsss...

"Tara umuwi na nga tayo, gabi na at baka hinahanap na tayo" sabi ko saka na una ng maglakad

"Ito namn, para kang kinder ha.. para hanapin sa inyo sus, ang pretty pretty mo tas naka busangot ka diyan" mhmhmh.. Nakakapagod talaga ang umopo lang buong hapon.


Naka uwi na rin ako after naming magbangayan sa kotse niya.. Hayyyy.. ako lang pala ang naka tira dito sa bahay. Nasa ibang bansa kasi ang parents ko, kaya lumaki ako sa Nana ko. Siya ang tumatayong 2nd mother ko. Sa kaniya kasi ako lumaki kayo ganon..

"Oh Tori Mabuti at nandito kana, tinext ako ni Kelly kanina na malalate daw yong uwi mo" sabi ni Nana Marlyn habang naglalagay ng mga pagkain sa mesa.

"Oo nga po eh, saan saan ba namn ako hilain" tugon ko sa kaniya

"Umopo kana dito at kumain na, ng ikaw ay makapag pahinga ng maaga" sabi niya at bumalik dun sa kitchen

Nilapag ko naman yong mga gamit ko sa kabilang upo-an at nag umpisa ng kumain

"Ang ganda ng ayos natin ngayon ah?" napatingin ako sa taong pumasok sa dinning

"Si tatay Ben naman! yong ayos lang po talaga?" maktol ko sa kniya. Tawa lamang ang isinukli nito sa akin. Si tatay Ben ang asawa ni Nana Marlyn. Si Tatay Ben ang hatid't sundo sa akin lagi.

"Ikaw Ben, hwag mo na ngang ina-ano si Victoria" saway ni Nana Marlyn sa asawa

Palagi akong sinasabayan nila Nana Marlyn at Tatay Ben sa pagkain dahil ayokong kumakain ng mag isa pag andito sa bahay. Kumain kami ng masaya dahil pala biro talaga si Tatay Ben at palagi nitong bini-biro si Nana Marlyn.


~~~~~~~~~~~~~

Mag isa akong naglalakad sa hallway patungo sa department ko. Dahil ewan ko kung bakit hindi ako hinintay ng bruhildang si Kelly. Palagi kasi talaga ako non hinihintay sa parking lot o sa gate. Pero ngayon ewan ko kung bakit nawawala yun, Hindi naman litteral pero ganon na yun HAHAH

Papunta ako ngayon sa room for my first subject ngayong umaga, and it's Salvation History or Religion. Nagtataka ba kayo kung bakit nuring tas may RE? Itong University kasi namin ay isang Catholic School, pero it doesn't mean na catholic lang dapat ang nag-aaral dito.

And for more info taga Mindanao ako, hindi naman gaanong ka sikat yong city kong nasaan ako pero i search niyo nalang yong Koronadal City, dahil diyan ako nakatira. And yong school naman na pinapasukan ko is........ secret muna.

So saka daldalan ko hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng room kung saan yong first subject ko.

Papasok na sana ako ng may nagmamadaling pumasok at nabangga niya yong balikat ko.

Hindi man lang ako nito pinansin at dire-diretsong pumasok sa loob ng room

"Tsss" napaka naman..

"Sorry Tori in behalf sa kaibigan ko" napatingin ako sa pinanggaluingan ng boses at hindi nga ako nagkamali. Siya nga, kaya pala napaka familiar ng boses.

"Kael?" akala ko ba umalis to?

"It's a long story but to make it short.. hindi ako tumuloy sa Italy..." sabi niya na parang ewan, hindi kasi siya maka tingin sa akin

"Save it, explain yourself to someone who needs it" sabi ko saka pumasok na ng room. Ano kaya ang magiging reaction ni Kelly kong malalaman niyang hindi tumuloy si Kael sa Italy?

Ay ewan, mukhang absent naman ata yun dahil mag-uumpisa na yong class namin.

Pero, mukhang familiar yong lalaki na nakabunggo sa akin kanina, and wala naman ata akong naaalala na may kaibigan si Kael na iba. Iba kasi yong mga palaghi niyang kasama at kahit kelan hindi ko pa siya nakikitang kasama yong lalaking yun, hindi ko kasi nakita yong mukha eh, dire-diretso kasi siya and maklatalikod sa akin. Aisshhhh kahit sino pa yon hindi naman importante yun. Mkapag focus na nga lang...





_______________________________

A/N: guys please vote naman po.. sorry po sa mga wrong typos... naninibago kasi ako sa wattpad and bagong account ko po kasi ito. Hindi ko na kasi maalala yong dati kong account. pero please support po. THANK YOU!


~CYTHEUM

Stitches of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon