2. Dinner

44 7 0
                                        

Chapter 2: Dinner

Alexis' POV

Nasa school ako ngayon para tapusin ang lahat lahat ng requirements ko sa course ko. 3rd year collage na ako sa pasukan at last sem ko na ito para sa Business Administration Management sa Kingdom High University. Kasama ko ang buong tropa ko. Dito sa school na ito ay kami ang may-ari. Ewan ko ba kay Dad kung paano nagkaroon ng School eh. Ang pagkakaalam ko walang hilig yun sa mga ganito sila Tito Laurence and Tita Elizea lang naman ang may mga schools eh.

"Dude! May laban daw ah?" Sabi ni Erol. Sya ang pinakamatanda sa amin.

"Oo nga daw tanda. Saan daw ba?" Poker face na sabi ko. Naiinip na kasi ako eh. Ang tagal ng prof ibigay yung requirements.

"Tss. Ngayon daw. Mamayang gabi" napatingin ako sa kanya.

"Di ako pwde. Kaya niyo na yan"sabi ko sa kanya at sumandal sa railings.

"Hindi pwde. Bakit ba?"sabi niya habang sinusuntok yung pader ng mahina. Parang baliw lang.

"May family dinner kami."Sabi ko sa kanya sabay alis dahil nakuha ko na yung mga requirements.

Kilala niyo naman ako diba? Ako si Alexis Zee Lee. Ang gara nang pangalan ko diba? Hahaha! Half-Chinese, Half-Korean and Half-Pinoy. 21 years old na ako. Rank 1 at Leader sa 'Zoui'. Oo, Gangsters kami. Legal naman kaming mga gangster except kay Alexa. Ayaw na ayaw niya ang mga gangster eh. Ewan ko ba dun sa babaeng yun. Hahahaha!

Si Erol naman ay Rank 2. His full name is Erol Hade Vasquez. Sya ang second hand ko, kapag wala ako sya ang pumapalit. Kung ako maladragon kung magalit siguro sya kapag magalit ay pinagsama ang aso at pusa. Hahahaha! Nangangalmot at nangangagat yan! Hahahaha. Joke! Pero para syang Ahas. Makamandag sya!

Si Justine Lloyd Diaz naman ang Rank 3 sa grupo. Sya ang nagschedule kung kelan ang meeting at sya ang laging nagpapatawag samin. Kapag magalit yan ay cheeta kung tawagin dahil mabilis at matinik.

Si Troy Jan Cruz naman ang Rank 4 sa grupo. Sya ang namamahala sa first aid kit namin. At kapag magalit yan parang tigre.

Si Dyan Keint Angeles ang Rank 5 sa grupo. Sya naman ang namamahala sa mga teachers namin kapag kami ay ieexcuse para sa mga laban. At sya naman kapag nagalit para siyang isang lobo. Mabangis.

Lastly, si Lance Matthew Evans ang Rank 6 sa grupo. Sya naman ang namamahala minsan sa mga pagkain. Hahaha! Mayaman eh. May Restau kasi sila. At huwag itong gagalitin dahil para siyang Pating. Hahaha! Oo. Mababangis kami.

At kapag ganyan lang kami katulad sa mga hayop na yan kapag mga kalaban namin ay weak! Pero kung kami ay kakalabanin niyo. Daig pa namin ang Leon kung makaasta at makalaban kaya nga kami ang Rank 2 sa mga Gangsters. Rank 2 lang kami dahil yung Rank 1 di pa namin makalaban laban. Ewan ko hectict mga sa mga schedule ang mga iyon. Hahahaha. Ang Rank namin sa grupo namin ay walang kwenta dahil hindi naman namin ito pinapansin dahil turingan namin ay magkakapatid lamang.

"Andyan na pala sila Tito at Tita?"sulpot ni Dyan. Lagi lagi na lang ito sumusulpot parang kabute -____-

"Narinig mo naman diba? Andito na sila kaya nga may 'Family Dinner' eh" sabi ni Troy na may gestures pang qoutation. Ang kukulit naman nila! -_____-

"Pakikamusta ako kila Tita at Tito." Ngiting sabi ni Justine. Tss. Crush niya lang si Mom eh. Gorgeous ba naman! -___-

"Nakooo. Crush mo lang si Tita eh. Tss Tss. Hahahaha!"Sabay batok ang mga ugok kay Justine ako naman napapailing na lang sa kanila.

"Mga Dudes! Sge na. Paalam na! Kaya niyo na ang mga iyon. Basta tandaan ang kaisa isang rule ha!?" Sabi ko sa kanila.

"Paalam Master!" Unison na sabi nila. Ngumiti ako at sumakay na sa kotse ko. At nung sumakay na ako sa kotse ko may isang anino akong nakita sa malayo at may nakita akong kuminang. Ngayon ko lang narealize na iyong kumikinang ay kutsilyo. Agad akong sumakay sa kotse at may nakita akong isang kahon sa passenger seat binuksan ko ang kahon at may nakita akong isang maliit na kutsilyo. Paano ito nalagay sa kotse ko? Hay! Hayaan na nga lang. At yung kaisa isang rule pala namin ay ang huwag makapatay. Dahil minsan kapag nakikipagsuntukan kami kulang na lang patayin na namin ito.

Let The Love Begins!Where stories live. Discover now