Part-41

7 3 0
                                    

* * *








Tyler PoV*



Maaga kaming pumasok nag aalala kasi kami kay ian,  naka tanggap din ako ng message mula sa group chat namin na aagahan namin si Lincoln ang nag sabi nun na sinang-ayunan namin lahat pati nga si Zoe.

Kaya naman alas sais pa lang nasa campus na kami ni Tyree naupo muna kami sa may waiting area  para kung dumating man mga kaibigan namin makita namin sila agad.

Sa campus page namin usap-usapan pa rin ang nang yari,  maraming naawa kay Ian at nainis kay Charlotte sa ginawa nya. Pero mas lamang ang awa kay Charlotte dahil niluko pala ito ng boyfriend nito nabuntis nito ang Best friend ni Charlotte.

Awa kay Charlotte at inis kay Arya marami din nag sasabi karma ni Charlotte dahil sa ginawa nito kay Ian.

May pangilan ngilang studyanteng dumadating na rin,
Maya-maya pa dumating na sila Lincoln at Axel pag baba ng mga ito kumaway pa ang mga ito. Sumunod naman ang kotse ni Wyatt at panay ang kaway sa mga babaeng studyanteng nag papansin sa kanya.

"Si ian?" Tanong ni Axel ng makalapit na ang mga ito sa amin.

"Wala pa, si Zoe wala pa din" sagot ni Tyree sa mga ito.

"Ayan na si Zoe!" Maya-maya sigaw ni Wyatt sa akin na nakangiti parang may ibig sabihin ito.

Bumaba si Zoe sa sasakyan nito saka dumeretso na lumapit sa amin. Matapos mag batian napag pasyahan namin na sa may tambayan na lang namin hintayin si ian.

Malalaman naman namin pag dumating ito may mga fans ito na updated sa pag pasok nito.

"Kumain kaya kagabi si ian? May breakfast kaya sya?" Nagaalalang tanong ng kakambal ko.

"Tanong natin sya pag dating saka bilhan na lang natin sya ng lunch mamaya." Sagot naman dito ni Axel

" oo pag di pumayag batukan natin!" Masungit na dagdag ni Lincoln.

"Oo! . . .tama!" Pag sang-ayun ni Zoe sa sinabi ni Lincoln na kinatawa na lang namin ni Wyatt.

"Grabe! Ang tibay ni ian noh?!. . .Kung ako yun baka sumuko na ako" Bulalas pa ni Wyatt at tumingala pa sa langit.

"Kaya nga! . . .Dagdag Ganda points na naman si ian!" May pag hangang usal ng kakambal ko.

" Kaya crush na crush ko si ian eh!" Birong sabi naman ni Axel.

"Hey!. . .Ian is my crush!!" Bulalas na wika ni Tyree kay Axel " you have Louise na ahh!" Dagdag na sabi pa nito, tinawanan lang naman namin sya .

"Wag kang madamot Tyree! . . .maraming may gusto kay Ian!" Sabi ni Zoe na nakangiti. Malaki na talaga pinag bago ni Zoe mula ng makilala nito si ian.

Matyaga kaming nag hintay kay Ian, ngunit tumunog na lang ang bell wala pa ito, kaya naman wala kaming nagawa kundi ang pumasok baka late lang sya.

Lumipas ang lunch at pauwi na lang kami walang ian na dumating, nag tingin din kami sa page marami din naghahanap dito.

"Trending ang hashtag where's ian!" Bulalas na wika ni Wyatt mukhang tumingin din ito sa page.

Napabuntong hininga na lang kami hindi rin pumasok ang grupo ni Charlotte pati na ang boyfriend nito. Kung alam ko lang ang bahay ni ian baka pinuntahan ko na sya.

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon