Chapter 1

15 0 0
                                    

"Ano ba ang ingayyy! Ang aga pa jusko namaaaaan!" Napahilamos ako sa aking mukha habang nakapikit pa ang mata. Bwiset! Saan ba nanggagaling yung ingay? Bitin tuloy ang tulog ko huhuhu.

Bumangon ako sa aking kama at pagbukas ko ng pinto nakita ko siyang sumasayaw ng As If It Your Last. Infairness she's good, sanaol.

She's my cousin/ best friend/kapatid. Claire Aira Justine A. Jimenez, 14 years old. She's thin, morena, short hair and bubbly.

"Oh, Ate! Good morninggg! Ba't naka busangot yang mukha mo?" tanong niya.

"Ano sa tingin mo? Hindi ba obvious?" Sa sobrang lakas ng speaker niya kailangan kong sumigaw. "Sinira mo ang tulog ko eh! Dalawang araw palang ako dito pero iniimbyerna mo na agad ako!" Sinipa ko siya sa tagiliran niya.

"Lagi kang nagagalit eh lagi naman akong maingay? HAHAHAHAHAHA."

"Siraulo ka talaga! Alam mo ba 'yon ha?" Sigaw ko habang nakataas ang isang kilay.

I know everyone don't want to ruin their sleep, right? At isa ako doon! Myghad.

"Oo teh, matagal na." sabi niya na parang normal lang iyon. "Okay lang yan, dapat nga gumigising ka nang 6am eh. Anong oras na oh 12pm, may hindi ka tuloy nasisilayan sa umaga." sunod-sunod niyang sabi habang nililigpit ang gamit niya. Ngayon ko lang din napansin na naka sports wear siya at may dala pa siyang yoga mat. Nag-exercise yata, iba na talaga ang mga 14 years old ngayon dinaig pa ako. Tsk tsk.

"Eh? Ano naman yon?" tanong ko sa kanya at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig sa ref.

Hindi kaya si Kuya Roel? Yung nagtataho? Matagal na siyang nagbebenta dito sa amin kaya suki niya na si Claire. Nakwento niya kase sa akin kahapon na binibigyan siya ng additonal arnibal at sago basta sobrang aga ka bibili sa kaniya.

"Secreeet! Gusto mo malaman?"

"Oo, binigyan ka nanaman ba ni Kuya Roel ng additional?" pinanliitan ko siya ng mata.

"Hindee, hindi naman secret yun eh. Mga batang kagaya ko lang ang nakakatanggap nun." pinagpagan niya yung balikat niya na parang sinasabi niya na maliit na bagay yun. Porket morning person siya at ako hindi?

Bukas simula 12 am gising na ako BWHAHAHAHAHAHA.

"Eh, ano na nga 'yon?" mamaya may kapitbahay pala kaming artista. Sayang naman kung puro tulog lang ang inatupag ko.

"Secret, no clue. Bleh!" tumakbo siya palabas nang kusina at hinabol ko siya. Pinagtitripan ba ako neto?

"Gusto kong malaman, dali na kase."

"Edi gumising ka nang maaga para malaman mo! HAHAHAHAHAHA." tapos dumila siya sa akin sabay takbo pauwi sa bahay nila.

Anak ng! Kahit kailan talaga loko- loko tong babaeng 'to!

Napuyat kase ako sa unang gabi ko dito dahil nagbinge watch kami ng Stranger Things. Nung bandang 7pm kasama sina Shaun, Eli at Mizzy mga pinsan ko din pero hindi nagtagal umuwi din sila sa kanila. Itong si Claire naman nakitulog sa amin at tinulugan niya lang ako! Palibhasa 'di marunong magpuyat dahil hindi pinapayagan ni Tita Caroline.

Muntikan ko pang matapos nang isang upuan yung Season 4, buti nagtira pa ako ng last two episodes yung Volume 2 mwehehe.

And.... I'm Rienna Keziah A. Gonzales, 17 years old. I'm here in Pangasinan for summer vacation. I studied here from nursery to 2nd Grade, then started to live in Manila with my family in 3rd Grade dahil doon work ng parents ko. This house was my Lola's but she passed away nung Grade 6 ako, so kami na ang nanirahan sa bahay na ito. Dati every holidays lang kami bumibisita dahil sobrang busy ng parents ko pero simula ngayong bakasyon, dito na kami.

Not My Typical Summer (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon