Chapter 2

6 0 0
                                    

CHAPTER 2

Pagkauwi namin hindi pa rin ako tinitigilan ni Claire sa mga tanong niya.

"Hindi 'yon koryano pero naangasan ka noh? HAHAHAHAHA. Ano ba kase nangyari kanina Ate Ynna?" Patulog na kami ngayon pero itong katabi ko nangungulit pa.

"Wala nga yon, ang kulit mo. Matulog ka na nga diyan." tinalikuran ko siya.

"Yieeee, ikaw ah! Sa supermarket lang pala ang true love mo HAHAHAHAHA" kinikiliti niya pa ako.

"Ano ba tigilan mo nga ako. Wala nga 'yon okay?" Nagtalukbong na ako ng blanket para mabawasan yung ingay na naririnig ko.

"Pero ate infaireness ang pogi niya."

"Lahat naman sayo pogi e."

"Eh sa paningin mo pogi ba siya?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam."

"Ay sus, um-oo ka nalang sana."

"Oo na, pogi siya. Happy ka na?" nakapikit kong sabi. Hindi ko alam kung kailan hihinto si Claire kaya sinabi ko nalang yung gusto niyang marinig.

"Ayieeee, bagay kayo non ate Ynnaaaa!!" Anak ng.. Dinaganan pa ako.

"Umalis ka nga! Isa... papauwiin kita!"

"Eto na aayos na, chill ka lang HAHAHAHA."

Naramdaman kong umayos siya ng higa at sinilip ko siya nakapikit na agad. Ayan ganyan dapat masunurin.

"Good night, panget." sabi ko.

"Nyytttt."

Lumipas na ang apat na araw at paulit-ulit lang yung ginagawa namin. Kain, tulog, nuod, kain, tulog pero hindi ko pa rin makalimutan yung kalokohan na ginawa ni Claire nung isang araw. Inistalk niya yung crush niya. Ang malupet pa doon hindi sa Facebook, kung 'di sa bahay talaga!

Flashback****

Kinabukasan pagkatapos ng pangyayari sa supermarket nandito kami ngayon sa dining table para magdinner nang biglang magsalita si Claire "Tita, kaibigan niyo po ba yung nakita niyo sa supermarket?" tanong niya kay mommy.

"Ah yes, she's Irene my college friend. May bahay rin sila dito malapit lang."

"Oh ganun po ba, saan po yung bahay nila Ta? Taga dito po ako pero hindi ko sila kilala eh."

"At bakit mo tinatanong?" pinanliitan siya ng mata ni mommy.

"Wala po curious lang Tita Jo hehe."

"Sa left side natin bahay nila, six house from our compound kapag nakita niyo yung bagong bahay na color black ang gate sa kanila yun." explain ni mommy.

Kinabukasan, pinilit niya akong pasamahin para magjogging. At dahil no choice ako, sumama na din ako. Bandang 5:45 am kami nagstart at iniikot lang namin yung subdivision. Pero nung pauwi na kami tuwang tuwa siya dahil may naisip siyang kalokohan.

Tumakbo siya nang mabilis at akala ko hihinto na siya sa gate namin pero hindi iyon nangyari. Tumuloy siya ng takbo para hanapin yung bahay nila Tita Irene. At ngayon, nasa tapat na kami nito.

Actually, ngayon ko lang ito nakita. Dead end na kase sa left side na ito kaya hindi na kami nakakarating dito. Ang masasabi ko lang ay ang laki ng bahay nila pang mayaman, may second floor ito at may balcony. Nakalandscape din yung mini garden sa harap nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not My Typical Summer (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon