Chapter 1

27 8 0
                                    

Nakakagigil! Nakakasura! Nakakasuya!

I really hate him!

Akala mo kung sino, eh hindi naman marunong ng kahit anong gawaing bahay, sunod lahat sa luho palibhasa ay nag-iisang anak. Psh!

Hindi na nga mataas ang grade, pero akala mo kung umasta ay kaya niyang pag-harian ang lahat ng bagay. Akala niya hawak niya kami sa mga kamay niya. Tsk!

Ang yabang talaga!

Tapos akala niya hindi ko naririnig 'yung mga paninira na sinasabi niya patungkol sa akin, kakaiba talaga ang kakapalan niya!

"Vy, 'lam mo ba na narinig ko mula kay dando kahapon na may gusto ka daw kay Gray? Usap usapan na sa department natin te, sabi pa nito, baliw na baliw ka daw dito, pero syempre di ako naniniwala, gusto ko sayo ko maririnig talaga, knowing you, lampas langit ang inis mo kay Gray.,.. So?...." Kamuntikan ko ng maibuga ang iniinom kong mineral sa biglaang balita na inilahad sa akin ni Stephen.

Damn that guy!

I know! Sino ba ang baliw at mayabang ang may lakas ng loob ang magpapakalat ng mali at kahindikhindik na impormasyon na iyon? Nakakairita ka talaga Gray Lacson! Hindi mo na ako inilayo sa kahihiyan!

".. at sa tingin mo magkakaroon ako ni katiting na interes sa mahangin at mayabang na lalaki na 'yon? Stephanie Madrig, pakatatandaan mo ito, Gray fucking Lacson is out of my league, walang wala siya sa listahan ng mga gusto ko, psh!" Yun na lang ang nasabi ko bago tumayo mula sa kinauupuan ko.

Magtutuos kami ng mahangin na 'yon.

Wala namang ibang pupuntahan ang lalaking 'yon kundi ang mga kalahi niya, malayo pa ako mula sa mga nagkumumpulang mga estudyante ay alam kona na isa siya sa mga naandon.

Tuwing oras talaga ng lunch break o kahit hindi man ay andito sila sa isang bench area na sa kakapalan nila ay yung pinakang malawak talaga ang sinunggaban, akala nila sila ang may ari non, psh!

At putakte lang, kahit sa malayo ay nakikita ko na ang pag-arko ng labi nito, nakatutok ang mga malamlam nitong mata sa akin na tila ba ay hinahamon ako nito, ha?! Hindi ko nga alam kung paano niya nagagawang painitin yung dugo ko sa pamamagitan lang ng mapang-asar nitong mga mata, lintek kasing mga mata 'yan.

Sa kaka-titig ko sa mga mata nito ay hindi ko namalayang nasa harap niya na pala ako, insert natin ang matatalim na mata ko na nakatutok sa mga malamlam niyang mga mata.

Ha!

"What? Nanliligaw ka nanaman ba?" I blink once, and then twice. Hanggang sa naging sunod sunod ang mga naging pagkurap ko.

"Seriously?! Ang kapal! Ang hangin mona nga, ang yabang mo pa! Lac--son!" Nanggigigil kong binanggit ang apelido niya. Mariin iyon at mabagal. Pakiramdam ko nagtataasan na naman ang mga dugo ko.

"Hm? I didn't know that you're like that when you're in love. Well, that's cute." Napa-palatak ako ng wala sa oras, hanggang sa napalitan iyon ng tawa, nanunuya ang mga ito, hanggang sa hindi kona napigil pa at mas lumakas pa iyon, I don't fucking give a shit, kung sa tingin ng mga nakamasid sa akin ay para na akong nababaliw, well, kung ako lang ang magsasabi, siguro nga malapit na akong mabaliw kung itong lalaking ito lang ang makikita at maririnig ko sa araw araw.

Gray Lacson: Five Ways To Make You Notice MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon