"Ngayong darating na Friday, sa Leona Camp tayo. Two days do'n, timing dahil wala tayong pasok ng sabado." Nagliwanag ang paningin ko sa narinig. Tama ba ang sinabi ni Amber?
Two days?
Two days without him.
"Hell, that's good!" Ang kaninang natutulog kong diwa ay ngayon ay nag pa-party na.
"Now, we're talking, huh?" Tinaasan ko lang ng kilay ang nakangising Monica.
"Tsk! Hayaan mo yang isang iyan, kung pwede lang hindi pumasok ay baka araw araw ng nagawa niyan." Naiinis pa ring usal ni Stephen, iniwan ko kasi siya kanina. Psh! Kung diko lang alam punit na ang ngiti nan sa loob loob dahil buo kami ngayon.
"Nosy." Singit ng bagong gising na si Zia, nagising na ito kanina pero nakatulog ulit. Dati akala ko ako na ang pinakang tamad na tao, mahilig matulog at kung ano pa, pero ng makilala ko ang babaeng to, na realized ko na hindi pala, may mas bo-boring pa pala sa akin, diko nga alam kung ano bang kinakain nito at lagi nalang tulog, na-master na nga niya ang natutulog ng dilat, and that's really freaking me out. This girl.
Napa-iling nalang ako sa likod ng isip ko.
"This is it!! Malilinis kona uli ang bobby ko! Ilang linggo na tayong walang perform eh." Tsk! Si Allison lang ang nagbigay ng pangalan sa paborito niyang gitara, pero siya din yung klase ng keeper na walang sipag at alaga sa kaniyang mahahalagang gamit.
PE lang naman ang klase namin ngayon kaya marami ang oras namin para tumambay dito, nag order pa si Amber ng pizza at drinks na ngayon ay kasalukuyan ng nakakalat sa loob ng HQ.
Amber and Monica are part of Leona Student Council, hindi kayo maniniwala pero ang isang Demonica Louis ay isang presidente ng student council ng school na 'to. While on the other hand, secretary naman ang katayuan ni Amber. Na-kwento sa akin ni Stephen dati na si Allison ay kasapi din ng student council pero nag back out ito dahil na nga doon sa issue nito.
While Zia is being Zia, she don't care about almost everything, madalang siyang magsalita pero matakaw naman siyang ngumuya, mahilig siyang matulog na para bang yuon na ang pinakamagandang gawin. Pero siguro nga hindi kailangan ng madaming dahilan o nakakabilib na description para magustuhan ang isang tao, bagay o kahit ano pa. Mas mangangamba pa siguro ako kung bigla siyang gagawa ng bagay na out of her, I love her being her.
"Nabasa ko ang update ni Rico kagabi, mag pe-perform din daw ang Oreon." Nabalik ang atensiyon ko sa nagsalitang si Amber, may hawak na ito ngayong pizza at kasalukuyang pinagtutuuan ng pansin.
"Naiirita na talaga ako sa kanila! I don't know what's freaking going on behind their mask, what's their damn motive or fucking whatever! Lagi nalang silang sumusunod sa'tin, nabasa niyo na ba ang bagong pin sa Mi-mory Page? Tayo. It's fucking us again. Lalong nag-ingay ng ilagay ng admin sa caption ay 'We got Oreon this Friday to perform with us, and it's all thanks to our beautiful princesses, 'Leona!'. Mind me, but I think there's smtng fsy going on!!' damn them!" I understand Allison, kahit ako ay nagtataka din, ang Oreon ay katulad din namin, sa sobrang pagkakatulad ay inihahalintulad na. Leona ang unang lumabas kesa sa kanila, we hide our identities through wearing masquerade and our names are being filtered. Marami ang kasapi ng Mi-mory, everyone of them used it as a benefit or for the fame. Maliban sa Leona, ang lahat ay bulgar. They don't use any cover to hide their identities, well, hindi naman talaga kailangan pa.
It's just us who want that kind of setting. And I think that's quite cool.
Kaya nga noong last year ng bigla nalang lumabas 'yang Oreon nayan ay marami ng nakapansin, we don't care kung katulad namin ay may iniingatan din sila kaya sila gumagamit ng masquerade o kahit ng stage name, ang tinutumbok namin ay kung bakit lagi silang sumasabay sa mga perform namin, Mi-mory always hold many parties, it's almost like a living.
No Oreon if no Leona. That's what we all concluded.
"Baka may naging ex kayo sa isa sa kanila or something kaya nila tayo laging binubuntutan." Anas ni Stephen habang nakatitig ng husto sa kaniyang mga kuko.
Psh! I know all my exes like hell.
"I don't have one." Si Allison habang nakanguso.
Dang it, I don't care anymore! Itinuon ko nalang ang pansin sa nakabukas na bintana.
Kahit talaga dito ka lang tumingin makikita mona ang mga naglalakihang mga puno, nakakainis! kasi kahit ang mga pagkakapwesto ng mga ito ay nakakamangha, ang high-tech at parang upgrade ang lahat.
"Guys, Library." Nahuli ko lang na nag-ikot ng mata si Stephen pero hindi na umimik pa, ang iba naman ay tumango lang.
Okay, here I go!
It's been two weeks since we last visit here, noong nakaraan ay hindi pa ako nakapunta ng library dahil nga diretso alis agad kami para mag-perform sa isang beach party. Sa lahat ng library, dito na ata ang pinakang paborito ko, andito na kasi halos lahat ng mga hinahanap ko. Hindi kona kailangang magtungo pa sa mga bookstores para magpagod.
Kung sa Celestine Academy puno ang may galit at hinanakit sa akin, dito naman sa Leona, para akong celebrity.
Camera dito, camera doon. Hindi man sila nakalabas pero alam kong na-andiyan sila, Leona media. Hindi na ako magugulat kung mamaya sa site ng Leona ay puro muka ko na naman ang makikita. Natural na ito, pasalamat ko na nga lang at kung hindi ka students ng Leona ay wala kang access para makita ito.
I shrugged.
Nginitian ko lang ang librarian ng makasalubong ko ito.
"Florence! It's you! It took you so long my dear, I was about to leave, but because you're here to entertain my palace, old routine, you can borrow my key, you still remember where to find it, right?" I nodded, giving her a one final smile.
"Alright, goodbye my dear!" Hmm.
Got it!
Nakangiti ako habang binubuksan ang malaking pintuan ng Library. Kapag bago ka talaga, iisipin mong panahon pa ng hapon ang silid aklatan na ito, pero sa isang banda ay hindi din dahil marami dito ang mga librong napapanahon o uso, kung sa labas kasi puro upgrade ang lahat, dito naman sa loob ng silid ay sobrang luma, nakakamangha. Siguro dahil narin sa madalang ang mga estudyanteng pumaparito. Hindi na bago iyon. Mapapansin mo narin ang mga agiw at mga nagkakapalang mga alikabok.
Napa-iling nalang ako at dumiretso na sa section ng science fiction, katulad ng sinabi ko, ang library na ito ay hindi katulad ng sa iba, sa Leona, hindi lang puro dictionary, magazine, etch. ang makikita, bukas ito sa mga novels, Short story, fiction or nonfiction or any genre pa.
Kaya nga kung arts and literature ang pinakang forte mo advantage mona ang pagkakaroon nito.
Project: Yngrid
:Alesana Marie
Nakangiti kong kinuha ang isang libro, nabasa kona sa isang reading platform ang description nito at tingin ko naman ay hindi ako mabibigo, million ang views at may hundred thousand na vote.
Not bad.
Umupo ako sa pinakang gilid malapit sa bintana at maingat na ibinaba ang libro.
Might as well spend my time here.
*
Thgrlnprsn: I gained too much weight. ಥ‿ಥ
Support me by voting for this part and comment your insight about it. Adios~
![](https://img.wattpad.com/cover/317324513-288-k650593.jpg)
BINABASA MO ANG
Gray Lacson: Five Ways To Make You Notice Me
Fiksi RemajaI don't like him. He's not even my type. He's so freaking arrogant! Ang malamlam ngunit mapang-asar nitong mga mata na tila ba ay hinahamon ka sa isang d'welo. What a guy! Akala mo kung sino, eh hindi naman marunong ng kahit anong gawaing bahay, su...