She's here!
The nerve! Galit-galitan pero baliw na baliw naman pala!
I pity her tactics, so damn old!
Huwag kayong maingay, nakatingin siya sa'tin.
Early in the morning, yeah, yaan agad ang bumungad sa akin.
I don't know them, but I'm sure as hell that they freaking know me. Hindi ko napigilang ipaikot ang dalawang mata ko. Umagang-umaga ay na-ha-highblood agad ako.
Mahihina lang naman ang mga bulungan nila, pero kasi kapag alam kong ako ang subject nila biglang lumilinaw ang pandinig ko.
The nerve daw! Galit-galitan daw!!
Aba'y may mga tama ata sila eh, sino ba ang lumalapit? Sino ba ang kulang sa pansin? Ako ba? Ako ba ha?
Putakte lang! Ni hindi konga gustong nakikita ang muka ng mayabang na iyon.
I know, binulong kona kagabi sa sarili ko na hindi na, hindi kona siya pag-aaksayahan ng oras. Na magbibingibingihan nalang ako, Na mag fo-foc--
"Vy!! I've been waiting for you like hours, kanina pa ako sa bench na yun oh, tapos ikaw ano? Para kang naglalakad sa b'wan! At tignan mo sila, kanina ka pa nila pinagmamasdan."
Pabulong nitong sigaw, boring kong inikot ng tingin ang nasa paligid ko at katulad nga ng sinabi nito, nakatuon ang mga mata ng ilan sa direksiyon ko.
May mga nakamasid na nakataas ang kilay, meron ding naiinis na tunay, may mga nakangisi na nakakairita, at marami pang iba. I rolled my eyes bago tuminging muli kay Stephen, magkasalubong ang mga kilay nito na tila isang daga na inagawan ng keso.
"Yeah, let's go. May PE daw ba tayo ngayon?" Yung PE teacher kasi namin, minsan nasa mood minsan naman nasa ibang planeta. Masungit ito at kung minsan naman ay parang tulala na ewan tapos bigla nalang tatawa. Psh!
"Nope, inabot siya ng baltik kanina, may tumama kasing ligaw na panyo habang naglalakad siya kanina kaya ayun nag transform, lumabas yung dalawang sungay at nag ingay sa loob ng gym. HAHAHAHAHA!" Just like that.
May one time nga ako yung napag-initan niya, during class non. May binigay siyang topic, hinihingi yung insight namin, aba'y ang loko nagalit, sana binigyan niya nalang kami ng ABCD option na nakaayon sa kaniya, hindi yung kapag hindi niya nagustuhan ay pagiinitan niya. Umuwi nalang sana siya kung ganon, at kung hindi naman mas nakakaasar pa ay ang topic na ibinigay niya ay wala na sa sakop niya.
Kaya nga minsan mapapatanong kana lang kung nangaasar ba siya. Parang nakakaloko eh.
"Leona?" Mahinang tanong nito, may kung anong kinang sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.
"Leona." Ulit ko.
"Yess!! I miss them!!" Ditto.
Isang group organization ang Leona, binubuo ito ng anim na tao, including me and Stephen. Paano nga ba kami nabuo? Ang natatandaan ko lang, niligtas silang lahat ni Stephen, may pagka-sanggano kasi ang isang 'to sa previous school niya, they specified her as a 'gangster', sakit sa ulo ng mga teacher at ginagawang classroom ang guidance office.
She told me once that her life was a mess, a total disaster. Pero nagbago daw ang lahat ng makilala niya ako at ang apat na siraulong 'yon, yeah, those four lunatics.
Hindi ko alam kung paano o kung ano ang nangyari, masyado daw kasing nakakailang kaya mas minabuti nalang nilang hindi ipaalam sa isa't isa ang mga pangyayari at mas magandang ibaon nalang sa limot. Hindi katulad ni Stephen na involved sa lahat. As for me, mas minabuti ko nalang na h'wag ng alamin pa, we all have our privacy. We respect each other, and that's good enough.
Dahil nga sa isang scandal hindi na napigilan pa ng family ni Stephen na hindi siya ilipat ng school, which is yung school namin ngayon. Kilala ko na siya noong lumipat siya dito, Kilala kona sila.
Kinakatakutan, yan ata ang pinakamagandang term na pwedeng i-describe sa amin.
It's not like what you think, though. We're not dangerous and all, but we're badass and lunatic type of circle. That's what they called us.
We can include the dangerous part kay Stephen, 'cause we all know that she aren't nice as what we all think.
Napapailing nalang ako bago ko ibinalik ang atensiyon sa motor ni Stephen na siyang gagamitin namin, until now, hindi parin ako sanay sumakay sa N-max niya. Siguro dahil narin sa way ng pagpapatakbo niya, aba'y akala mo lagi ay hinahabol ng kung sinong d'yablo.
"Kapit Vy." Grrr! Wala sa loob kong napaikot ang mga mata ko bago ko sundin ang sinabi niya.
"Damn Stephanie Madrig!!" Nakapikit kong sigaw, nakakairita talaga!
Aish! Sana talaga dinala kona yung sasakyan ko, kung di sana ako tinubuan ng kung ano kanina at hindi naglakad, hindi sana ako kinakabahan ngayon.
Hindi ko mabilang kung nakailang over take ba kami o kung ilang sasakyan ang bumusina sa amin, o ang mga huminto para lang masigawan kami. Stephen humanda ka mamaya!
"Vy, come on, bumaba kana!" Wala akong naririnig.
"Leviathan Florence sinabi ko ng baba na, kanina pa tayo dito." I glared at her bago lantang bumaba.
"Hinding hindi na ako sasakay sa'yo!" Pigil ang inis kong sigaw dito.
"Pang-sampo mona din 'yang sinabi sakin. And once again, hindi ako sasakyan." I let out an irritated sigh bago iritang tumalikod sa kaniya.
Psh!
Leona Academy
Malaki at malinaw na makikita ang pangalan ng school sa aming pinaghintuan. Her previous school.
Kung iisipin mas malaki at elegante ang school na ito kesa sa school namin, ang kaibahan lang naman ay mas malinis ang record ng school namin, sikat sa mga patimpalak at na-fe-featured sa mga kilalang network. Ang Leona kasi, kilala sila sa mga estudyanteng may mga record na hindi magaganda, mayayaman ang mga students kung kaya't diploma narin lang siguro ang kanilang habol para pang-display dahil alam nila na may mga business naman silang mauuwian.
Nakailang punta na ba ako dito? Hindi kona mabilang, this academy is not open for all, dapat may kilala ka sa loob na may sapat na kakayahan para makapasok ka.
Me? Ang alam ng iba ay estudyante ako dito, madalang pumasok, tamad, at boring. I even had a Leona student ID.
Kung paano ginawa iyon ni Stephen ay hindi kona alam, hindi ko nga alam kung paano ako nakakalusot dito. Paano kami nakakalusot rather.
Hindi kona inintay pa si Stephen at dumiretso na sa HQ, doon naabutan ko uli sila.
Damn lunatics.
"Leviathan!! Ikaw ngaaa!! I missss youu!" Nakakailang rinig kona sa pangalang 'yan ah?!
"How are you?" Deadly fine.
"Wassup?" Yeah.
"May nakita kaba sa labas, Lev?" No.
"First, don't call me that ever again, Allison, second along with the third, Zia and Monica, I'm fine, and fourth?.. no, wala akong nakita Amber."
Naiirita kong usal, pero sandali lang iyon ng bigyan ko sila ng isang matamis na ngiti.
"I miss you all."
*
Thgrlnprsn: I'm addicted to some fckng ice cream these past few days and it's annoying.
BINABASA MO ANG
Gray Lacson: Five Ways To Make You Notice Me
Teen FictionI don't like him. He's not even my type. He's so freaking arrogant! Ang malamlam ngunit mapang-asar nitong mga mata na tila ba ay hinahamon ka sa isang d'welo. What a guy! Akala mo kung sino, eh hindi naman marunong ng kahit anong gawaing bahay, su...