26

5K 98 15
                                    

Pagkatapos ko siyang kausapin pinatay ko ang tawag. Kinuha ko ulit ang kumot at hinila mula sa balikat ko. Niyakap ko ang unan ko, pinikit ko ang mata para bumalik ulit sa pagtulog.

Nagising ako tirik na tirik na ang araw, pumapasok ang sinang ng araw sa bintana ng kwarto ko. Noong dumako ang tingin ko sa orasan malapit sa working table ko nakita kung alas otso na ng umaga.


Umupo ako sa kama at nag unat ng braso. Sinuklay ko ang buhok ko bago bumaba sa kama, dumeretso ako sa kusina para maghilamos.

Tahimik ang buong bahay noong lumabas ako sa kwarto. Pumasok si mama ng maaga sa canteen, siguro'y pumasok na rin ang dalawa kung kapatid si Zevs at Zia. Lunes pa naman ngayon kaya bawal lumiban.

Napahawak ako sa sintido at mahinang hinilot, dapat pala kanina pa lang bumangon na ako at hindi na natulog pa. Tinapos ko ang paghihilamos pagkatapos hinagilap ang walis. Sinimulan kong linisin ang sala namin. Pati ang kusina, naglinis na rin ako pati sa labas ng bahay.

"Oh, Alzhea wala ka bang pasok?" tanong ni Manang Merna noong dumaan ito sa bahay habang nagwawalis ako.

"Mamaya po Manang Merna haft day lang ako ngayon."

Tumango siya pagkatapos umalis na rin, bumalik ako sa paglilinis. Pagkatapos Kong maglinis nagluto na rin ako ng pagkain para kapag dumating 'yong dalawa ay may makain sila.

Pagpatak ng alas dyes bihis na bihis na ako, nilibot ako ang tingin sa buong bahay. Siniguro ko talaga na malinis bawat parte, marami pala akong nagawa ngayon.

I wear khaiki maxi skirt partner with white v-neck long sleeve. Tinupi ko 'to hangang siko ko. At pinaresan ng three inch black heels.

Noong makarating ako sa company kaagad akong pinagbuksan ng guard, bumati siya. "Good morning, Miss Estrosas, ngayon lang po kayo pumasok?"

Ngumiti ako at tumango. "Oo kuya, haft day lang ako ngayon."

"Sige po!"

"Late ka ngayon!" Napahawak ako sa dibdib ko at napatalon dahil sa gulat. Muntik ng lumabas ang puso ko. Masama kong tiningnan ang dahilan noon.

Akamang hahamapasin ko siya pero mabilis siyang umiwas. "Letche ka Cedrick, kung may sakit ako sa puso ay inatake na ako dahil sayo!" asik ko.

Humalakhak siya gamit ang kamay nag piece sign siya. Tiningnan ko siya ng maigi nakasuot siya ng maron long sleeve, back pants at brown belt.

"So, late ka nga." Ngumisi siya. "I thought Mr. Salvador is strict how come pumayag siyang late pumasok ang secretary niya."

Mas lumapit ako at pabiro siyang sinuntok sa balikat. "Hindi na ba ako pwedeng ma late, sumobra ang tulog ko!"

It was a lame excuse, he's not Cyden by the way. Ayos lang kay Cyden na lumiban ako ngayon dahil na rin sa pagod kahit lunes pa lang pero nagpumilit akong pumasok kahit haft day para matulungan ko pa rin siya.

"Ikaw pa na late ng gising!" pang-asar nito.

"Bwisit ka bawal na ba akong ma late tayo lang din ako no, kailangan ko ng umalis bahala ka riyan." Tipid ako na kumaway habang naglalakad palayo, nginitian niya lang ako.

Noong makarating ako sa top floor kaagad kung nilagay ang bag ko sa swivel chair, inayos ko ang gamit sa table ko. Inayos ko rin ang sarili ko, sinulaklay ko pa ang buhok ko bago kumatok sa opisina niya.

Hindi ko alam kung nandito siya. Pero nandito naman ang iba niyang bantay. Pero noong marinig ko ang boses niya, nandito na siya!

"If you don't have appointment, you can live now. I'm very busy rigth now!" sagot nito mula sa loob.

ENCOUNTER THE MAFIA HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon