27

4.5K 99 3
                                    

"Alzhea, hindi mo ako mapipigilan she hurt you. It is valid reason to fire her. I didn't tolerate that kind of behavior in my company."

"Pero kawawa naman si Ma'am Chin, siya ang bumubuhay sa pamilya niya," pagtatangol ko.

Kahit ganoon ang ginawa sa'kin hindi iyon big deal oo nasaktan ako, aksidente ang ngyari. Kakaiba siya at hindi ko maintindihan kung bakit pero matagal na siya sa company mas matagal sa'kin bakit kailangan na tangalin siya.

"She's acting weird."

"What?" takang tanong ko.

Kanina ko rin iyon napansin hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. Bakit ganoon niya lang ako tinginan, bakit galit na galit siya sa'kin kahapon kahit wala akong ginagawang masama. Palagi akong humihingi ng files sa kanila dahil kailangan pero ngayon lang ngyari na nagalit siya.

"Kanina ko pa inobserbahan ang itsura niya, ofcourse I fucking know kung kinakabahan ba talaga ang nasa harap ko. At alam ko rin kung nagpapangap lang ito o hindi," iritado niyang sabi.

Nagsalubong lalo ang kilay ko. Noong bumaling siya sa'kin malalim siyang bumuntong-hininga siguro nakita niya ang kaguluhan sa mukha ko.

"Forget it... Don't stress your self."

"Boss naman, sabihin mo sa'kin dahil gusto ko rin na maliwanagan, huwag pa suspense," I demand.

"Dont ask to much about it, did you already eat?" iba niya sa usapan.

"Ofcourse, I already eat, baka kasi mag-alala naman yung boyfriend ko." Napalabiako at pinag-krus ang braso ko.

Tumango siya bago tinungo ang kanyang lamesa. Napabusangot ako at padabog na lumabas. Bakit ba ang init ng ulo nya ngayon.

Noong makaupo ako tiningnan ko ang cellphone ko.

Mama:
Anak nagpaalam si Fern isasama raw si Zia, si Zevs umuwi na may pagkain ba sa bahay?

Me:
Oo mama nagluto ako pumasok ako ngayong hapon.

Pagkatapos kung mag reply tumawag kaagad ako sa kaibigan para kumpirmahin. Ilang ring pa lang sinagot niya kaagad ang tawag ko.

"Fern kasama mo raw ngayon si Zia?" tanong ko.

"Yeah, sumama siya kanina sa'kin noong nakasalubong ko si Tita. Pumunta lang kami dito sa mall, nag pa spa" sagot niya sa'kin mula sa kabilang linya.

Nanlaki ang mata ko. "Gags bhie! Don't tell me nag spa rin kapatid ko?"

Humalakhak siya. Alam ko na kaagad na kasama nga niya ang kapatid ko. "Exactly, napapamassage nga kami ngayon... Zia say Hi to your Ate."

Nasapo ako sa noo ko. Spoiled talaga ang kapatid ko pagdating sa mga kaibigan ko. Ako nga hindi ako nagpapa-spa pero ang kapatid ko naunahan pa ako.

"Hi pangit!" dinig kung bati ni Zia.

"Ikaw na babae ka, kanino ka nagpapaganda at nakuha mo pang sumama kay Fern sa spa," sermon ko.

Sigurado akong kung kaharap niya ako ngayon ay iniirapan niya naman ako ng mata. Maldita ang kapatid ko, isa pang sakit sa ulo.

"Blah blah ate, I love you! Bye na ha."

Noong marinig ko ang tawa ni Fern, nagsalita ulit ako, "Ingatan mo yan na kapatid ko, H'wag kayong magpapa gabi."

"Yeah, mag mall mo na kami tapos uuwi na rin. Isasama ko sana kanina si Zevs pero umuwi na raw. Tatlo sana kami ngayon."

Buong oras akong nagtrabaho, bumalik ulit ako sa loob ng opisina ni Cyden. Para sa mga follow up at doon ko tinuloy ang trabaho na may kasamang quality time namin sa isa't isa.

ENCOUNTER THE MAFIA HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon