You're a..

1 0 0
                                        


Since wala na nga ako pinag-aalala about kay Yuki at Via.

Lagi ko silang pinapayagan na gawin ang project nila.

"Love, alis na ako ingat ka dyan bye love." He gently kissed me.

"Goodbye, love ingat ka rin dyan wag mag papagabi." Tugon ko.

-----------------------------------------------------------------

Lumipas na ang 6 na oras ay wala pa rin si Yuki.

Nag uumpisa na akong mag panic pero hindi dapat akong mag alala dahil pinagkakatiwalaan ko sya. Nagluto muna ako ng makakain ko habang naghihintay sa kanya.

Habang nagluluto ay narinig ko ang boses ni Via.

"Kai, buksan mo ang pinto."

-----------------------------------------------------------------

Nakita ko si Yuki at Via na basang basa sa ulan at hindi makalakad nang maayos.

Kai: Anong nangyari kay Yuki? Bakit nagkaganyan sya?

Via: Naglasing kasi kami, pinilit nya ako na uminom. Yan tuloy nagkaganyan sya.

Kai: Nako, ganyan yan pag nalalasing. Hindi nya kinakaya ang alcohol kaya nagkakasakit. Sabi ko naman sayo Yuki wag ka iinom kung hindi ako kasama lalo na si Via babae tignan mo pinahirapan mo pa sya.

Via: Ay okay lang ako Kai, wag mo na akong intindihin. Sige tapusin mo na muna iyang niluluto mo. Ako muna mag-aalaga kay Yuki.

Sabay ngumiti si Via. This is so strange, sinabi ko dati kay Yuki na di sya maglalasing pag di ako kasama and now naglasing sya at kasama pa ang ex nya.

Tinapos ko na kaagad ang niluluto ko at pumunta sa room ni Yuki.

Nakita ko na halos halikan na ni Via si Yuki sa lapit nya sa kanya.

Dali-dali kong hinablot ang hawak hawak na bimpo ni Via at sinabing umuwi na sya dahil gagabihin na sya.

Biglang tumingin si Via sa kwelyo ni Yuki at sinabing

"Ako na maglalaba ng damit nya dahil dagdag pa yan sa gawain mo."
Kinakabahan nyang sinabi.

"Ako na Via, nakakahiya naman sayo pagod na pagod ka na nga sa kakahatid dito kay Yuki tapos maglalaba ka pa okay lang ako." Tugon ko.

Ngunit nagpumilit sya na lalabhan nya raw ang mga ito. Hindi na ako pumatol pa dahil hindi sya tumitigil.

:Buti na lang nakalusot ako, kung hindi makikita ni Kai ang mga halik ko kay Yuki sa kwelyo nya.

Kahit na pagod na pagod, lasing na lasing at masama na ang pakiramdam ni Via ay hindi pa rin sya tumitigil.

At that point, I knew that something's strange so I hid all of my laundry items para hindi sya makapag-laba at maantok kakahanap. I could check his shirt maya maya.

Via didn't make it. She fell asleep, now it's my time to see what's in there.

I cried when I saw Yuki's collar.

There's a kiss mark. I never thought Yuki could do that to me.

I cried while washing it. I can't even see the thing that I'm washing. My eyes are filled with tears.

Sa sobrang iyak ko ay pwede ko nang punuin ng luha ang palanggana na aking ginagamit panlaba.

Pag-gising ko ay wala na doon si Via sa kwarto ko. Agad kong tinawag si Yuki.

"Yuki!! Yuki Kyfier Valerde"

Nang sinambit ko ang buong pangalan nya alam na nya na may kasalanan sya.

Yuki: Bakit love? Is there something wrong?

Kai: Ipaliwanag mo ito sa akin!

Sabay itinaas ang kwelyo nya

Kai: Ano to Yuki? Kala ko ba mahal mo ako at hindi ko na kailangang mag-alala pa dahil mapagkakatiwalaan kita tapos makikita ko to? Ano to matagal na kayong may relasyon ni Via? Since when huh? Bakit mo tinago sa akin? Kaya pala tambak ka ng projects kasi puro landi sa ex mo ang inaatupag mo! So ano? Lahat ng yun kasinungalingan lang? My god, Yuki!

Yuki: Saglit lang Kai. Ano ba yung tinutukoy mo?

Kai: This! Yang kiss marks sa kwelyo mo! Galing yan kay Via no? Habang lasing kayo sinamantala nyo na lokohin ako! Hindi mo alam yung nararamdaman ko ngayon Yuki, Napakasakit ng ginawa mo sa akin. Pinagkatiwalaan kita ang pinangako mo na mamamatay tayo, tatanda tayo, magsasama tayo habang buhay. Bakit mo to ginawa sa akin? Bakit hindi mo pinanindigan mga pangako mo Yuki? Bakit?!?

"Listen, Kai. Walang nangyari sa amin ni Via that night. Hindi akin yan, I don't recall anything na hinalikan nya ako Kai."
Mahinahon nyang sinabi.

Kai: Now you're playing victim? Gusto mo ipalabas sa akin na ako pa ang masama at hindi ikaw ang may ari ng shirt na to? Eh kanino pa? Tinanggal nya sayo yan! Sa'yo mismo nanggaling Yuki!! Sa'yo!!

Hindi ko napigilang tumulo ang luha..

Kai: You cheated! Kagaya ka pa rin ng dati! Hindi ka nagbago!

Kahit na walang kasalanan ay nagpakumbaba na lamang si Yuki at nagpaumanhin sa akin ngunit..

Yuki: I'm sorry, I won't do it again.

Naalala ko na iyon ang unang sinabi namin noong nagkita kami..

Hindi pa rin sya nagbago, cheater pa rin sya.

FERRIS WHEEL Where stories live. Discover now