🔆2 & a half Months Later🔆
Maurine Lucy Pov:
Malapit na kaming magtapos. Ilang months nalang graduation na namin.
Sa mga naka lipas na buwan. Sobrang hirap sa pakiramdam ang magpanggap na ok lang. Pero magiging proud na ba ako sa sarili ko dahil napagtagumpayan ko kahit sobrang hirap?
Alam ko narin na fake yung PT na pinakita saamin ni Cally.
Pero alam ko rin na alam yun ni Gael dahil kapag positive papanagutan nya pero kung hindi babalik kami sa dati.
Pero mababalik pa nga ba?
Inaamin ko. Ilang beses kong pinagdasal na sana hindi nalang buntis si Cally. Na Sana pagbalik ni Gael ayos na kami.
Pero...maaayos pa nga ba?
May part parin sa puso ko na inaantay ko ang pagbabalik nya. Baka sakaling ang lahat ay maayos pa.
"Maurine!"
Napalingon ako sa direksyon.
"Arnold!" Pilit na ngiti ko at kumaway.
Lumapit na ito sa direksyon ko at nilatagan ako ng Milktea and french fries sa table.
"Thank you" Pasasalamat ko.
Tama. Mas naging close nga kami ni Arnold nitong mga nag daang mga Araw, Linggo, at buwan.
Ang bait nya sakin. Because of him nagagawa ko paring tumawa sa kabila ng lahat.
Hindi naman kasi ako pwedeng dumagdag pa sa problema nina Liza dahil nabalitaan ko din na nag break na sila ni Dave.
Ang hirap2x ng dinaranas namin.
"How's your report? Do you need my help?"
Pilit akong ngumiti at umiling iling.
"No need. Salamat" Pasasalamat ko.
"Don't worry. I'm always here if you need me" Napalingon ako sa kamay nito na humawak sa kamay ko. Hilaw akong napangiti at kunwang kinuha cp ko kaya nabitawan na ako nito.
"T-thank you" Pilit na ngiti ko.
Sumipsip na ako ng Milktea.
"I'm willing to wait Maurine"
Napatitig ako dito saglit pero agad din napaiwas ng tingin.
"WAHHH!!! He's back!"
"Oppa Gael is back!"
"AHHH!!!"Tumibok ng napakabilis ang puso ko. Parang kunti nalang ay lalabas na ang puso ko sa dibdib ko.
Nakakaramdam ako ng labis na pangungulila pero may part parin sa puso ko na poot na di maintindihan.
Dugdug
DugdugPero kunyari ay wala akong naririnig kaya focus lang ako sa french fries na kinakain ko.
"KYAHHHH!!!!"
Mas lalo na akong nanginginig dahil alam kong papasok dito sa cafeteria dahil palakas nang palakas sitilian dito.
"Maurine?"
Napakurapkurap ako at napalingon kay Arnold.
"Oh?" Tanong ko.
"Ah. Nothing" Umiling iling na ito kaya napatango nalang ako.
"AHH!! OMG!!!!"
"Kyahh!!!"Nanginginig na ang mga kamay kong kumuha ng french fries at sumubo.
"Hello Girls!!!!!"
Narinig ko na ang boses nito na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"KYAHH!!!"
YOU ARE READING
Part 2 of Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the si
NezařaditelnéContinuation of Book 2 Enjoy Reading!! Credits to the real author: Crystal Shine Writes