Chapter 13: Tita Z

3.3K 158 20
                                    

Kat's Point of View

Nag-aayos kami ngayon. Kakatapos lang ng paduguang midterms na yun. Mga nasa 80% alam ko naman sagot. Kaso sadyang ka-echosan na yung iba. Basta ang alam ko, malaki ang dagdag ng extra curricular ko. Scholar nga dapat ako eh, kaso my parents insisted on paying my tuition. Sa iba mga hindi makapag-aral na lang daw ibigay scholarship.

At dahil nakapasa kaming lahat sa lahat ng subjects, sasamahan nila ako sa Korea para sa laban ko. Hindi sa academy yun kundi sa family team namin. Yep, family. Kami-kami ng mga pinsan ko magkaka-team tapos tita ko naman coach namin. She was once a competitor in Olympics. Until she left. Sa mismong araw na yun pa kaya di siya nakalaban. So sad, eh.

So ayun nga, pasado raw kami pero di sinabi ranking at grades namin kaya nagkakanda-aligaga yung dalawang grade-concious na sila Li at Ishi. Pero dahil din pasado nga, pinayagan na rin kaming lumayas sa Pilipinas ngayon na. Pagdating namin sa Korea may three days pa akong free bago magsimula yung another 3-day training para sa laban.

Matapos ang halos apat na oras, nakarating din kami sa airport. At as usual, pinagtitinginan kami but we don't and won't care. Naku, asan na kaya si Tita Z? Sabi niya susunduin niya kami eh. Oh diba? Galing siyang Korea tapos babalik din. HAHAHAHA MABAIT KAMI EH!

 "Girls! Dito ko" Sigaw ng isang babaeng nakaviolet dress tapos nakacoat at shades. She's really gorgeous! So dyosa like us!

 "Tita Z!" Sabay-sabay na sabi namin.

 "Ano ba yan! Ang tindi niyo talaga ha ginawa pa kong tagasundo. Masyado akong maganda para jan, uy!" Natawa na lang kami sa sinabi niya. Kasi naman paniguradong pagod siya.

 "Tita Z tara una na tayo sa eroplano tapos usap tayo. As in usap. Yung sa Call Me Baby." Sabay ngiti ni Ika nang pagkalawak-lawak.

Nakasakay na kami sa eroplano ngayon at nasa VIP kami kaya parang nasa isang kaming maliit na room then may 5 seats na nadoon. May red carpet din. Sosyal naman sa airline na 'to!

 "So, Tita Z, bukod samin, may tinuruan ka din ba ng Call Me Baby?" Tanong ni Ishi.

"Hay nako, Ishi. Yung aura mo! Chill lang haha!" At ginulo pa ni Miks buhok ni Ishi na ikina-inis nito.

"Haha! Kalma, girls! Oo meron nga. Kaso sobrang boring kasi ng araw na yun eh. Kaya tinuruan ko yung pamangkin ko at barkada niya. Gwapo naman eh! Hahaha! Tapos may talent din sila so ayun! Tinuruan ko na. Worth it sila parang kayo lang." Sabay flash niya nang kanyang brightest smile.

"Teka, sinong pamangkin niyo sa limang gunggong na yun?" Biglang tanong ng kaka-upo lang na Li.

"Grabe ka naman bhe! Gunggong talaga? Gwapo kaya!" Mistulang nagspark pa mga mata ni Tita.

"Tita naman eh!"

"Ayy hahaha! Sorry! Si JB! Older sis ko mama niya." Ngiting-ngiti pa siya niyan ah? Tae JB na naman? Kaso...

"Tita, diba ano... Wala na mama niya?" Naibuga ni Tita Z ang iniinom niyang orange juice. Buti na lang naka-iwas ako. Nasa harap pa man din niya ako.

"Haa? Wala na? A-ah. O-oo. Oo nga. Wala na hehe."

She's being weird. Anyway, she's still Tita Z naman eh. Cool and awesome. Tita Z also known as the Dancing Queen of K-pop. Half Pinay, half Koreana.

"Past na yun. Hayaan na natin. Pero, naalala niyo pa ba paano tayo nagkakilala? Hahaha! Ang tindi kaya nun! Twice your age ftw! Hindi ko talaga malimut-limutan! HAHAHA" Sabi ni Tita Z na gusto yatang magpathrowback.

MS. SUNGITS VS. MR. YABANGS [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon